George Point of View
Hindi ako mapakali sa elevator nag-iisip ako kung paano ako makakauwi. Bumukas ang elevator at nag-aalangan akong lumabas.
“Diyan ka na lang ba?” tanong niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang lumabas kaysa ang pagsarhan ng pinto ng elevator.
Bumungad sa akin ang malawak na pasilyo ibig sabihin ay siya lamang ang may-ari ng buong floor na ito? Ngayon ko lang napag masdan dahil noong nagpunta kamo dito kasama ko si Madam Z ay hindi ko naman tiningnan pa ang paligid.
Huminto si Lyndon at ng mag ta-type na siya ng password ng unit niya ay pinigilan ko siya at tumingin sa akin.
“Diba pwede naman ako umuwi?” nakangiwing sabi ko. Tumingin lamang siya sa akin at saka ngumiti ng pagkalaki-laki napalayo naman ako sa ginawa niya na iyon nagkaroon ako ng kilabot sa katawan.
“Go!” nakangiti niyang sabi.
Kahit nag aalangan ako sa sinagot niya ay naglakad na ako patalikod at ng makarating ako sa elevator ay saka ako huminto.
“Ciao!” sabi ko at kumaway pa saka ako tumalikod sa kanya at pumasok sa loob ng elevator ng bumukas ito.
Hindi ko talaga kaya na makasama siya kaya pipilitin kong makauwi at pupunta na lang dito ng mas maaga. Sigurado naman na wala na si Madam Z dito kaya maari na akong maka-alis.
Nang makarating na ako ng lobby ay lumabas ako ng elevator at ang diretso palabas ng building.
“Miss! Hindi po kayo pwede umalis,” napahinto ako ng harangina ko ni Mamang Guard.
“Bakit naman po?” tanong ko sa kanya.
“Bawal po kayong umalis,” paulit-ulit naman si Manong Guard e kainis.
“Bakit nga kasi Manong Guard? Hindi naman ako dito nakatira at wala akong ginawang kahit na ano para hindi umalis!” nakakainis na talaga ah ayaw ko sa lahat iyong makulit.
“Bawal nga po Miss makinig ka na lang mapapagalitan kasi ako ni Mrs. Galluegez,” napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Manong at saka ngumiti ulit sa kanya.
“Hindi ko ho kilala si Mrs. Galleguez baka po nagkakamali lang kayo hindi ako iyon,” Nakangiti ko pang sabi kay Manong kahit ang totoo ay umuusok na ang aking ilong sa inis.
May kinuha si Manong sa may desk niya at saka tumingin sa akin. At ako naman ito naki chismis sa tiningnan niya hanggang sa nawala ang ngiti ko. Inagaw ko ang litratong hawak ni Manong.
“Sino nagbigay sa inyo nito?” tanong ko kay Manong. Ako ito hindi ako maaring magkamali kuha ito sa Car Wash ng mga utol ko.
“Si Mrs. Galleguez ang may-ari ng building na ito,” sagot ni Manong Guard.
Umalis na ako sa tabi ni Manong ng tawagin niya ako ulit.
“Bakit po Manong?” tanong ko.
“Yung litrato,” sagot niya.
Tumingin ako sa litratong hawak ko at sa kanya, “ Sa pagkaka-alam ko litrato ko ito bakit ko naman ibabalik sa inyo? “ nakanguso kong sabi at saka tumalikod na ulit dala ang bag ko.
“Siguro may parang year book si manong balak pa yatang ilagay litrato ko doon,” hmmmp.
Nag-diretso ako sa pag punta sa ay paradahan nila doon na lamang ako dadaan.
“Miss hindi ka pwedeng maka-alis,” gaya ni Manong Guard sa Lobby ganu’n din ang sinabi nila sa akin.
“Huwag n’yong sabihin na may litrato ko din kayo?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Tumango naman sila at ipinakita ang litratong hawak nila parehas ko iyon kinuha at nangga-galaiti ako sa galit na pumasok sa elevator at pinindot ang huling floor.
“Sino ba kasing Mrs. Galleguez na iyan at ayaw akong paalisin!” Nang bumukas ang pinto ng elevator sa floor kung nasaan ang pethouse ni Lyndon ay padabog na lumabas ako at huminto sa tapat ng pintuan.
Nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ba ang doorbell o hindi.
“Hindi, baka may ibang paraan pa para huwag ako sa penthouse niya matulog,” sabi ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag dial ng number.
“Bunso napatawag ka, anong oras na hindi ka pa tulog?”
“Akala n’yo ba makakapante akong makatulog dito? Pumayag na ako sa gusto n’yo pero parang nagiging puppet n’yo na lang ako!” nakakainis paano sila nakapayag ng ganu’n?
“Bunso relax ka lang!” sabi ni Kuya Genesis.
“Paano ako mag re-relax tol sabihin mo nga? Dito ako titira? Naiintindihan mo ba iyon? Ha kuya?” pasigaw kong sabi.
“Ah-eh bunso teka hindi kita madinig choppy ka choppy tawag ka na lang ulit! Bye!” padabog na ibinaba ko ang cellphone ko.
Ang totoo? Ibinenta na ba talaga nila ako? Kainis na pati mga utol ko ay pinagkakaisahan ako. Wala akong choice kundi ang pindutin ang doorbell nang bumukas iyon ay nag diretso ako pumasok nakanganga lamang siyang pinag mamasdan ako.
“Saan dito ang kwarto ko?” tanong ko kaagad.
Tumingin ako sa kanya ng hindi siya sumagot at bagot na sumunod sa akin.
“Sabihin moa lam mob a ang lahat ng ito?” tanong ko sa kanya.
“Baliw ka ba alam mong nasa bar ako ng tumawag si Mommy,” sabi niya. “ Akala ko ba aalis ka na?” tanong niya sa akin.
Naupo ako sa sofa masakit na ang mga binti ko.
“Hindi ako pinalabas ng guard,” napahalukipkip ako, sabay tingin sa kanya. Tumayo ako sa sofa at tumingin sa kanya.
“What?” nagtatakang tanong nito sa akin.
“Nang ho-hostage ba sila sa building na ito?” lumukot ang mukha ni Lyndon at saka parang nag-iisip.
“Oo” alanganin na sagot ni Lyndon.
Nanlaki ang mata ko at saka lumabas sa may verranda para tumingin sa labas. Nalula ako sa taas nito siguradong patay ako kung tatalon ako. Kailangan makapag-isip ako ng paraan para maka-alis.
Pumasok ako ulit at tiningnan ang loob kung may mga cctv bang nakatingin sa amin.
“Humingi kaya tayo ng tulong? Sa maga pulis o hindi kaya sa mga sundalo kahit kanino para maka labas tayo,” sabi ko pa. Umikot-ikot ako habang nag-iisip, “ Ang sabi ni Manong Guards kabilin-bilinan dawn i Mrs. Galleguez na huwag akong paalisin,” Kinuha ko ang litratong hawak ko at ipinakita kay Lyndon.
“Kita mo may picture nila ako, Siguro si Mrs. Galleguez ang may pakana nito.” sabi ko pa ulit.
“Siya nga,” bagot na sagot ni Lyndon.
“Sino ba siya?” tanong ko pa.
“My mom!” nanlaki ang mata ko at napaupo ako ng wala sa oras. Nanghina ang mga tuhod ko ibig sabihin si Madam Z ay si Mrs. Galleguez?
“Matulog ka na ayaw ko ng maingay dito,” lumingon ako sa paligid.
“Saan ako matutulog?” tanong ko.
“Diyan ka sa sofa ito ang kwarto ko at bawal pumasok dito tandaan mo iyan ha!” nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
“Okay lang sa akin dito sa sofa at huwag kang assuming na pupuntahan kita diyan sa kwarto mo, kilabutan ka sa pinagsasabi mo,” sabi ko sa kanya, “ Hindi ako tulad ng mga bayaran mong babae,” sabi ko pa ulit.
“I never paid girls kusa nila iyon ibinibigay, and kasalanan mo kung bakit wala akong kasama ngayon!” sabi niya, “Again do not enter in my room!” pagkasabi ay pumasok na siya sa loob ng kwarto niya.
“Aish Lyndon! Ubod ka ng babaero! Bakit ba naman kasiako pa ang naging driver niya, nakakainis!”
Malambot naman ang sofa niya pwede na din kinuha ko ang throw pillow at iyon ang gagawin kong unan. Humiga na ako at bukas na lang kami mag de-de-bate at tatanungin ko din si Madam Z kung hanggang kailan ako dito.
Tumunog ang alarm ng cellphone ko at kahit na antok pa ako ay bumangon na ako at umupo. Wala pa ako sa wisyo at gusto ko pa talagang matulog kung wala lang akong trabaho ngayon ay matutulog na lang ako ang kaso lang kailangan ko pang ipag-drive si Lyndon.
Ilang sigundo akong natigilan sa naisip na kailangan kong ipag-drive si Lyndon. Mas lalo kong iminulat ang mata ko at nagising ang diwa ko. Iginala ko ang mata ko para lang ma-confirm na wala nga ako sa bahay at nasa penthouse ako ni Lyndon.
Tumingin ako sa kwarto niya at wala pa naman akong nadidinig na kaluskos marahil ay tulog pa iyon. Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng damit at saka pumasok sa loob ng banyo.
“Wow! Mas malaki pa yata itong banyo niya sa kwarto ko sa bahay,” iba talaga kapag mayaman.
Naligo na lang ako ng mabilis at baka gumising na ang pangit na amo ko. Paglabas ko ng banyo ay wala pa din naman akong nakitang Lyndon doon kung sabagay noong nakaraan ay alas dies na yata siya bumaba.
Pinapatuyo ko ang mahaba kong buhok ng kumulo ang tiyan ko. Hindi nga pala ako naka kain kagabi ano ba iyan ang dalas kong nakakalimot sa pagkain simula ng maging driver ako.
“Baka multuhin ako ni Mamang kapag di ako kumain,” kinikilabutan ako sa naisip ko na iyon. Ayaw na ayaw pa naman ni Mamang na nagpapagutom kaming magkakapatid.
Nagpunta ako sa kusina ni Lyndon siguro naman hindi masama na kumuha ng pagkain dito. Hinayaan ko munang nakalugay ang mahabang buhok ko dahil basa pa iyon.
Halos mag ningning ang mga mata ko ng makakita ako ng tinapay sosyal hindi ito pandesal kundi tasty bihira lang kami magkaroon nito kung walang okasyon. Siyempre may palaman pa kaya sinulit ko na kumuha na din ako.
“Hmmm babe ang bango mo naman bakit mo ako iniwan sa kama,” napatigil ako sa pagkain ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
Hindi ko alam ang gagawin ko at nanatili lang ako walang kibo at naninigas ang katawan. Haharap ba ako o magsasalita?Aish! Isa lang ang dapat kong gawin.
Kinuha ko ang kamay niyang naka palupot sa akin at tinanggal at saka ko iyon pina-ikot.
“Aray,aray!” daing niya.
Humarap ako sa kanya at nakita ang namumula niyang mukha dahil sa sakit.
“Get off me!” sabi niya na ginawa ko naman, “Geez!” sabi niya habang hawak ang kamay niyang masakit at saka humarap sa akin sabay rehistro ng gulat sa kanyang mukha.
“George!” manghang sabi niya,“Pa-paanong?” hindi niy alam ang sasabihin niya.
“Ako nga at wala ng iba! Babe ewww! Kilabutan ka!” sabi ko saka tumalikod na sa kanya at pumunta sa sofa.
Isinuot ko ang black na long sleeve ko at saka ko ipinusod ang buhok ko ng paikot. Kinuha ko lang ang wallet ko at saka humarap kay Lyndon na hanggang ngayon ay nakatulala pa din sa akin.
“Sa susunod na gawin mo ulit ang pag yakap sa akin ay hindi lang sakit ng kamay ang mararamdaman mo kundi babalian ko na iyan,” sabi ko at inilagay ang kamay sa bulsa ng slacks ko, “ Sa baba na lang kita hihintayin,” sabi ko at pumunta ulit sa lamesa sa kusina para kunin ang isang tinapay na nilagyan ko ng palaman.
“Salamat sa tinapay at palaman!” sabi ko at saka lumabas pintuan.
“Anong sumapi sa tao na iyon para pagkamalan niya akong isa sa mga babae niya!” iiling-iling na sabi ko habang hinihintay na bumaba sa groundfloor ang elevator.
Naghihintay na ako dito sa labas ng kompanya ni Lyndon tumawag siya na pababa na siya at may pupuntahan silang kikitain niya pero anong oras na at wala pa din akong nakikita na anino ni Lyndon. Lumabas na lamang ako ng kotse at sa saka sumandal sa kotse niya.
Maya-maya ay nakita ko ng naglalakad si Lyndon na lumabas ng pintuan ng Building nila. Nang makarating siya sa akin ay iniabot niya ang malaking bag niya sa akin.
“Wow! Alalay mo? Alalay?” pabalang na tanong ko.
“Hindi ba?” tanong niya sa akin.
“Hindi!” sagot ko hindi nga ba pero kinuha ko din naman at saka binuksan ang likod na upuan at inilagay doon ang bag niyang pagka bigat-bigat.
“Lyndon?” dinig kong tawag sa kung saan.
“Maki?” dinig kong sagot ni Lyndon humarap ako at nakita ko ang isang magandang babae na parang anghel ang ganda niya at ang knis ng balat.
Kahit sino ay ma i-inlove sa kanya at isa na ako doon. Pwede naman mag ka crush ang isang babae sa isang babae din naman ah!
“I’m glad I found you! Palagi akong nandito para lang makita ka!” sabi ni Maki kay Lyndon. Maganda naman palang pumili itong si Lyndon akala ko puro pangit kasi iyon ang kadalasan na nakikita kong kasama niya.
Pero itong isa na ito ay hindi kahit na parang kinulang din ang damit niya ay mukha namang may pinag-aralan hindi lang ganda ang pinapakita.
“Bakit mo ako hinahanap?” tanong ni Lyndon.
“Just to give you this,” sabi ni Maki sabay abot ng isang sobre. Parang hindi naman sobre parang invitation pa nga e.
“For the event para sa susunod na dalawang lingo,” sagot ni Maki.
“I have to go, see you there,” sabi ni Maki at saka humalik sa pisnge ni Lyndon bago umalis.
Si Lyndon naman ay binuksan ang invitation at ilang minuto siyang nakatingin lamang doon at hindi kumikibo kahit na ang makasakay siya sa kotse.