Parking No. 03

2313 Words
George Point of View     “Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang pagkain na iyan sa akin?” tanong ko kay Lyndon.   “Hindi mo din ba alam kung gaano ko pinapahalagahan nag sasakyan na ito?” sabi niya sabay turo ng kamay niya doon sa sasakyan niya.                                   “WALA AKONG PAKIALAM!” sabay na sabi naming dalawa ni Lyndon.   “Ahm sandali lang - -“ sabi ng isa sa mga kasama ni Lyndon at hinawakan ako sa balikat kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang kamay niya at ibinalibag siya sa sahig ng hindi tinatanggal ang mga matakay Lyndon.   “Ahhh, Aray! H-hindi ako ang k-kaaway mo” reklamo niya. Tinulungan naman siya ng dalawa pang kasama.   “Huwag kang makisali dito kung ayaw mong madamay,” seryosong sabi ko.   “Malas naman ako pa nasaktan,” dinig ko pang reklamo ng isang nasaktan ko.   “Miss ayusin natin ito ibibili ka namin ng bagong pagkain kaya please calm down!” mahinahon na sabi ng isa sa kanila.   “Bro ikaw din kumalma ka lang wala naman nagasgas sa sasakyan mo,” sabi naman ng isa sa kanila at ang isa ay namimilipit pa sa sakit.   “Psh! Damn!” Pumasok sa loob si Lyndon tanda ng pagsuko niya.   “Miss?” tawag ng isa sa mga lalaki.   Pumasok kami sa GYM na pinasukan ni Lyndon kanina.   “My name is Piel Lyndon’s friend and this is Bryan,” turo niya sa isang nag-aalalay sa lalaking bumagsak kanina, “And this is Kyle,” turo niya sa nakasimangot pa ang mukha.   “So let’s settle this,” sabi pa ulit ni Piel.   “Lyndon wala naman nasira sa sasakyan mo mag sorry ka sa kanya,” sabi ni Piel kay Lyndon.   “Why would I say sorry sa isang driver,” galit na sabi ni Lyndon. Ang kapal mababa ang tingin niya sa mga driver at higit sa lahat   “Whaaat??? Driver mo???” hindi makapaniwalang sabi ng tatlong kaibigan kay Lyndon.   “Bakit may problema ba du’n?” tanong ko sa kanila at tiningnan ng masama.   “Ah- eh wala naman,” sabi nu’ng Kyle ba iyon di ko siya matandaan, “ Akala ko two birds in one stone, maton pala,” sunod na sabi niya pero mahina lamang ang pagkakasabi.   “Anong sabi mo?” tiningnan ko siyang masama nakita ko naman ang pag tiklop niya.   “Wala sabi ko astig!! Diba?” sabi niya ulit.   “Palitan na lang natin ang pagkain mo mag o-order na lang ako ng bago, okay?” mahinahon na sabi ni Piel sa kanilang apat mas mukhang matino ang isang ito. Siya ang may ari ng Gym kung nasaan kami ngayon.   Tumayo ako at tumingin kay Lyndon, “ Hindi na kailangan nawalan na ako ng gana, sa sasakyan na lang ako maghihintay,” sabi ko at naglakad na ako papalabas.   “Dito ka na lang muna maghintay mainit salabas,” sabi ni Bryan.   “Huwag na baka ibalibag pa niya ako ulit,” makulit na sabi ni Kyle kaya napatigil ako at tumingin sa kanya naka tago na siya sa likod ni Byran.   “Psh!”   “Huwag mong dudumihan ang sasakyan ko,” sabi ni Lyndon nilingon ko siya at saka ngumisi.   “Hindi naman ako ang nagdudumi ng sasakyan mo kundi ikaw din, dahil diyan sa mga babae mo,” hindi ko nahinintay pa ang saot ni Lyndon at umalis na.   Pagkarating ko sa labas ay may babae na naman na nandu’n sa sasakyan ni Lyndon at ang tokwa sinira niya ang windshield wiper.   “Ikaw na naman, nandito ka para lang sirain ang sasakyan?” sigaw ko sa kanya at ang babae matapang pang nakaharap sa akin.   “Huwag mo akong pakialaman dail hindi kita kilala and this is my punishment for him because he dump me,” sabi niya siya ang babae noong minsan na sumira ng sasakyan din ni Lyndon.   Umiling-iling ako at saka lumapit sa kanya sumandal pa ako sa sasakyan at ngumiti s kanya.   “Kung hindi ka kasi kumerengkeng e di sana hindi ka masasaktan,”  nakangisi kong sabi sa kanya. “Watch your mouth you b*tch”  sasampalin sana niya ako ng salagin ko ang kanyang kamay nanlaki pa ang mga mata niya ng masalo ko iyon.   Ngumisi ako sa kanya dahil alam ko na ang sunod niyang gagawin kaya inunahan ko na siya pinaikot ko ang kamay niya para mapatalikod siya at hindi na maka galaw pa.   “Huwag mong subukan na latayan ang mukha ko ng kamay mo, hindi ka magtatagumpay!” sabi ko sakanya.   “Who are you? Bakit mo ginagawa ito? Looking at you hindi ka papatulan ni Lyndon,” sabi niya sa akin.   “Bakit ko naman papatulan ang babaero na iyon kayo lang naman itong obsessed ma obsessed sa kanya.” Nakangiti kong sabi nagpupumilit siyang kumalas pero hindi niya magawa.   Weak. “Get off me! It’s hurt!” sabi niya.   Lyndon Point of View   Buwisit na babae na iyon bakit kasi siya pa ang napili ni Mommy na maging driver ko kaya ko naman mag isang mag drive.   “Ang tapang ng driver mo, Bro” sabi ni Bryan and yeah di ko naman maitatanggi iyon nainis lang ako dahil ganu’n ang ginawa niya sabagong bili kong sasakyan.   “Akala ko nga naka bingwit ka na kasi chicks ang driver mo yun pala may pagka maton, katakot!” sabi ni Kyle na kunyari may kilabot sakatawan naglakad pa siya papunta kay Piel na nasa glass window.   “I actually, kinda like her,” napatingin naman kami kay Piel na nakatingin sa labas ng bintana or should I say sa may babang parte ng labas.   Knowing him mahilig siya sa mga malalakas ang loob na tulad ni George kung di lang nagalit si Tito Matt ay baka boxing ang ipinatayo ni Piel at hindi Fitness Gym.   “Ang tapang talaga ng driver mo, Bro. Tingnan mo may kaaway na naman,” What? Sino naman kaaway nu’n?   Wala sa loob kong tumayo ako saupuan at ganu’n din si Bry. Nakitako pa ang pag piglas ng babae at ng makawala ito kay George ay walang hirap na nahablot niya ulit ang babae dahilan ng pagkaka upo nito sa sahig.   Lumakad na ako palabas ng Gym at sumunod naman ulit siya. Kahit wala akong pakialam ay kargo ko pa din si George dahil driver ko iyon. “Anong nangyayari dito,” sabi ko ng makababa na kami. Nanlaki naman ang mata ng babae at saka yumuko.   “Nagpakita na ang pusang sumira ng sasakyan mo noon at ngayon,” nakangising sabi ni George.   “I’m not a cat,” angal ng babae kay George.   “Eh ano? Linta?” ibang klase talaga ang babae na ito walang sina santo. Sabagay kahit ako na amo niya ay sinasagot niya.   “Sira ang wiper ng sasakyan mo, Lyndon,” sabi ni Bryan.   “Ano?” sabi ko at saka lumapit doon at totoo nga sira nga iyon napatingin naman ako kay George.   “Oh, sa akin ka na naman nakatingin pag bibintangan mo na naman ako,” aish. Nakasagot na kaagad siya kahit wala pa akong sinasabi.   “Ikaw ang may gawa nito?” tanong ko sa babae. I tried my best to calm down at baka masapak ko itong babae na ito. Knowing na siya din ang bumasag ng sasakyan ko noon.   Tumingin ng masama sa akin ang babae and as if naman na matatakot ako sa kanya.   “Pagkatapos mo kong gamitin at pakinabangan itatapon mo lang ako bigla,” hinaing ng babae na umiiyak pa.   “Hindi ba naging malinaw sa iyo ang terms and condition ko bago ka sumama? Pinilit ba kita? Hindi diba?” sabi ko sa babae na mas lalong umiyak.   “Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mong ito. Malakas ang proweba ko dahil may mga cctv sa paligid,” sabi ko mas lalo naman lumaki ang mata ng babae at kumawala sa pagkaka hawak ni George.   “Sorry Lyndon hindi na mauulit promise!” pagmamakaawa niya hinawakan pa niya ang mga binti ko.   “Sorry not sorry,” biglang sabi ni Kyle, “ Tumayo ka na diyan Miss wala na magagawa ang sorry mo nagawa mo na e,” sunod na sabi niya.   “Ang galing mo idol na kita,” baling naman ni Kyle kay George na inirapan lang siya at saka pumasok sa loob ng sasakyan.   Pina barangay ko na ang babae na iyon at itinawag ko na sa abogado ko siya na ang bahala sa mga damage na ginawa ng babae na iyon sa mga sasakyan ko. George Point of View   Inihinto ko ang sasakayn sa iang pub, nakita ko din sa mga side mirror ang pag hinti ng sasakyan nina Kyle, Piel at Bryan. Napagkasunduan nila na pumunta dito na parang natural na lamang sa kanila na madalas nasa mga bar.   Bumaba ng sasakyan si Lyndon at sinalubong ang mga kaibigan niya. Maya-maya ay ay kumatok sa may bintana ng sasakyan.   Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan,”Bakit?” tanong ko kay Bryan.   “Hindi ka sasama?” tanong niya sa akin.   “Ako? Sasama diyan?” ngumisi ako, “ Mas  gusustuhin ko pa dito kaysa pumasok diyan sa loob,” sunong kong sabi.   “Let’s go,” dinig kong sabi ni Lyndon kay Bryan.   “Okay, ingat ka diyan,” kumindat pa siya bago umalis. Kinalibutan ako sa ginawa niya.   Ipinasya ko na lang na ipikit ang mga mata ko kaysa ang makita ang mga pumapasok sa pub lalo na ang mga babaeng kinulang sa tela. Ipinilig ko ang ulo ko at isinaksak ang earphone sa aking tainga at ipinikit ang mag mata ko.   Ano nga nga ba nag pakialam ko sa kanilang katawan at damit naman iyon at hindi sa akin. Habang nagpapatugtog ako ay biglang sumagi sa isip ko ang dati kong trabaho. Bigla akong napamulat ng mga mata bakit nga ba hindi ko gawin dito ang dati kong ginagawa mukhang matagal pa naman bago bumalik si Lyndon.   Hindi nga ako nagkamali mas madali ang makakuha ng mga costumer dito dahil mas madami ang mga pumupunta dito sa pub at mas mayayaman pa lalakas mag bigay ng tip.   “Ang galing ko talagang mag-isip 2 in 1 driver na ako nakaka sideline pa ako dito sa pub bilang taga park,” natutuwang sabi ko.   “Uy! Bossing bayad!” habol ko sa isang sasakyan na binantayan ko.   “Bakit ako magbabayad?” tanong niya sa akin.   “Binantayan ko ang sasakyan mo at ako ang nag turo sa iyo kung saan ka pwede mag park,”  saka mas lumapit pa sa lalaki nakita ko pang naging mas clingy yung babae sa lalaking kausap ko.   “Kilala ko asawa mo at hindi iyang kasama mo ngayon,” bigla naman nanlaki ang mga mata ng lalaki at saka naglabas ng pera.   “Iyan siguro naman sapat na iyan,” sabi niya sa akin nag thumbs up pa ako.   “Bigtime si Manong para lang hindi mahuli ng asawa akala mo naman kilala ko talaga,” natatawang sabi ko habang binibilang ang binigay niya.   Mas malaki pala ang kita dito bakit kaya di ko naisipan na dito tumambay noon? Lalapitan ko sana ang papaalis na sasakyan nang biglang may tumatawag sa cellphone ko.   “Hello” sagot ko sa kabilang linya di ko kilala dahil hindi naka register ang pangalan niya sa cellphone ko.   “Where is Lyndon?” tanong niya.   “Hindi naman ako tanungan ng mga nawawalang unggoy,” sagot ko sa kanya.   “I’m his mother,” sagot ng nasa kabilang linya na kinalaki ng mata ko. Tiningnan ko pa ulit ang number hindi talaga siya naka register at siguro nga dahil siguro hindi ko naman kinuha ang number ni Madam Z.   “Now where is he?” ulit niyang tanong.   “Nasa loob po ng Pub,” sagot ko.   “What?” mataas na tonong tanong niya.   “Uulitin kop o ba? Nasa Pub po siya,” mas nilakasan ko pa ang boses ko ngayon.   “Sabihin mo umuwi na siya ngayon din and tell him not to bring any cheap girl,” iriatadong sagot ni Madam Z.   “Ayaw ko pong puma-------“   “Now!” putol niya sa sinasabi ko.   Wala na ako nagawa dahil pinatay na niya ang linya. Napabuga ako ng hangin wala akong number ni Lyndon at wala akong choice kundi ang pumasok.   Masama pa ang tingin ng bouncer sa akin akala mob a ay may masama akong balak. Mas may balak pa nga ang ibang pumapasok dito.   Hindi ako nahirapan na hanapin ang apat nasa isang upuan lang silang apat at may mga babaeng mga naka kandong sa kanila. Kinilabutan ako sa mga nakikita ko pina sosyal lang ang mga babe dito dahil mayayaman naman talaga sila.   “George, sabi ko na nga ba maiinip ka din,” sabi ni Bryan na ikinatingin ng tatlo sa akin.   “Hindi ako pumasok para maki-upo,” sagot ko sa kanya at humarap kay Lyndon na may kahalikan na babae eeeww.   “Lyndon pinapauwi ka na ngayon ni Madam Z, galit siya kaya tumayo ka na diyan,”   “Babe I think we can continue this to my place,” malanding sabi ni Lyndon sa babae.   “Sure no problem,” sagot naman ng babae.   “Sorry ineng hindi pwedeng magsama si Lyndon ng babae bilin iyon ng nanay niya,” sabi ko sa babae.   “What did you say?” tanong ni Lyndon na halatang lasing na.   “Ang sabi ko tumayo ka na diyan o gusto mong kaladkadin kita palabas?” sabi ko sa kanya.   “Ito na lalabas na, bye Bro,” di ko na siya hinintay pa habang nagpapaalam sa mga kasama niya at pumunta na ako sa sasakyan.   Makulit talaga itong si Lyndon ang bilin sa kanya ni Madam Z sa bahay nila siya umuwi pero dito pa din sa Penthouse nag padala. Kung hindi lang niya inaagaw ang manubela ay doon ko siya dadalhin.   Bumaba na kami ng sasakyan ng laking gulat namin ng bumaba sa kabilang sasakyan si Madam Z.   “Madam!” sabi ko.   “Mom” Sabi ni Lyndon at hahalik sana sa pisnge pero pinigilan ni Madam Z.   “Ang sabi ko umuwi ka pero tama lang pala ang hinala ko na mag mamatigas ka pa,” sabi ni Madam Z kay Lyndon.   “Why Mom?” tanong ni Lyndon kay Madam Z.   “Excuse me, mauna na po ako umuwi,” paalam ko sa kanilang dalawa kaysa naman makinig ako sa kanila.   “No, we need you here George,” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Madam Z.   “Bakit naman po?” ito lang naman ang alam kong trabaho ang ihatid lang si Lyndon pauwi.   “ Gusto kong mag stay ka muna dito sa Pent House ni Lyndon,” sabi ni Madam Z.   “Mom? Bakit naman?” tanong ni Lyndon sa Mommy niya.   “Wala po sa usapan natin iyan?” sabi ko kay Madam Z.   “Dito sa Pent house mo Lyndon si George titira pansamantala o uuwi ka sa mansion at doon kayo titira?” matigas na sabi ni Madam Z.   “Sige na, dito na lang sa pent house,” iritadong sagot ni Lyndon na kinalaki ng mata ko.   “Good,” at saka ngumiti si Madam Z na tumingin kay George, “Ito ang mga gamit mo,” hindi makapaniwala si George sa mga nangyayari.   “Bakit pumayag ka?” tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at naglakad na papasok ng elevator.   “Goodluck,” sabi ni Madam Z at saka sumakay ng sasakyan.   Si Lyndon at ako? Ilang oras nga lang kaming magkasama di na magkasundo ito pa kayang magkasama kami sa iisang bahay?   NHindi Pwedeeeeeeee!!!        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD