Parking No. 02

2021 Words
 George Point of View   Hindi alam ni Lyndon na ngayon ang unang araw ko na ipagda-drive ko siya kahit ako ay nagulat din kahit na ayaw ko ay wala akong nagawa pa.   “Who is she babe?” maarteng tanong niya sa akin.   “Nothing , my driver” sabi niya at tumingin sa akin na parang gusto akong tirisin.    Pumasok sa loob ng sasakyan ang babae at ganoon din si Lyndon at pabalibag na isinarado ang pinto ng sasakyan.   Ngumisi ako ng makitang masama ang tingin niya sa akin, “Huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa,” sabi ko sa isip ko.   Pinaandar ko na ang sasakyan at habang biyahe ay nakikita ko ang pagyakap at paghalik ng babae na hindi naman tinatanggihan ni Lyndon. Nakakadiri wala man lang kahihiyan sa mga katawan. May padaang matanda kaya naman bigla ako pum-reno.   Naramdaman ko ang impact ng lakas ng pag preno dahil kahit ako ay napasub-sob. “Ouch!” angal ng babae.   “Marunong kaba talagang mag maneho?” sigaw ng babae sa akin.   “Kung hindi ako marunong magmaneho malamang kanina pa tayo nabangga,” sagot ko sa babae.   “Kapag ako nagkapasa ikaw ang sisishin ko,” reklamo ng babae sa akin.   “Ayusin mo ang pagda-drive mo!” sigaw ni Lyndon sa akin.   Akala ba niya ay matitinag ako sa mga pasigaw at galit niya, pwes nagkakamali siya.   Binilisan ko na ang takbo ng sasakyan ng makita kong wala naman ng tao at sasakyan sa paligid. Nakita ko ang takot sa mga mukha nila at napangiti ako  dahil sa reaction na iyon.   “George,” dinig kong tawag ni Lyndon  pero hindi ko pinansin.   Natanaw ko na ang lugar ng penthouse ni Lyndon at nag shortcut ako sa maliit na eskinita para doon dumaan. Laking lansangan ako kaya madami na akong alam na mga pasikot-sikot dito lalo na nu’ng nabubuhay pa si Papang palagi niya akong kasama tuwing magmamaneho sa kanya.   Ipinasok ko ang sasakyan sa loob ng parking lot at huminto sa bakanteng area.   “I thought I’m gonna die!” humawak pa ang babae sa dibdib niya natawa naman ako dahil namutla ang kanyang mukha. Pinatay ko na ang sasakyan at saka binuksan ang pintuan.   Narinig kong bumukas pinto ng driver seat, “Where are you going?” tanong ni Lyndon sa akin.   “Natural uuwi na ako alangan naman ihatid pa kita sa pent house mo,” inirapan ko siya at saka tumalikod na.   Hindi ko naman na siya narinig pa kaya nagtuloy na lamang akong lumabas ng parking lot. Pagod katawan ko sa maghapon na ito kaya paniguradong tulog na ako kaagad pag uwi ko.   Ala-sais y medya ay gumising na ako naramdaman kong maingay na sa labas malamang ay gising na ang mga utol ko. Kumain lamang ako at nag ayos ng sarili ko bago ako umalis ng bahay.   “Alis na ako,” paalam ko hindi ko na hinintay pa ang sagot nila.   “Good morning Georgi!!” Nakita ko si Antonio na bumibili ng almusal sa may kanto.   “Walang maganda sa morning!” sabi ko  at nilampasan siya. Wala talagang maganda dahil wala pa akong gaanong tulog.   “Ay ang sungit, may red tide yata!” dinig ko pang sabi niya hindi ko na lang pinansin pa dahil pumara na ako ng pedicab para magpahatid sa penthouse ng amo ko.    Nakarating ako bago may alas siete ng umaga sa penthouse, nag diretso ako sa may parking area sa may ground floor at nakita ko naman doon ang kotse niya. Kinuha ko ang duplicate na susi sa akin at binuksan iyon.   “Aish nandito pa din ang amoy ng pabango ng babae na iyon ang baho!” tiningnan ang compartment ng sasakyan at napangiti ako ng makakita ako ng car spray perfume doon. Winisikan ko ang sasakyan ng ma-check ko na wala na ang amoy ng pabango ng babae ay saka ako pumasok ulit.   Tiningnan ko ang orasan ko, mag-aalas-otso na ay wala pa din ang aking magaling na amo. Umupo na lamang ako sa driver seat at kinuha ang earphone ng cellphone ko at nagpatug-tog na lang ako sa cellphone ko.  Isang oras na akong naka-upo dito wala pa din siya may balak bang mag-trabaho ng tao na iyon? Unti-unti kong naramdaman ang pag bagsak ng talukap ng mga mata ko.   Naimulat ko bigla ang mata ko ng maramdaman ko ang pag bukas ng pinto ng driver seat.   “Anong ginaga--------“ napatigil saglit si Lyndon sa pagsa-salita, “ Dito ka natulog?” hindi makapaniwalang sabi ni Lyndon.   “Ako? Dito matutulog? Hindi ahh! Alam mo naman na umuwi ako. Napa idlip lang ako,” dipensang sabi ko.   “It’s the same,” sabi niya.   “Magka-iba iyon,” salungat ko sa sinabi niya.   “Aish, Anong ginagawa mo dito sa loob ng sasakyan ko?” tanong niya sa akin.   “Ano pa nga ba? E di hinihintay ka!” simpleng sagot ko.   “What?” Hindi makapaniwalang sabi ni Lyndon.   “What-wa- tin mo ang mukha mo, ganyan ba pumasok ang may ari ng isang negosyo?” sabi ko at saka itinuro ang relo ko.   “Mind your own business driver ka lang,” sabi niya at saka inilagay ang dalawang kamay sa bulsa at naglakad papunta sa may driver seat.   Umikot na lamang ang mata ko sa inasta niya.   “Nag-spray ka ba dito?” tanong niya sa akin.   “Oo ang baho kasi ng sasakyan mo,” sagot ko sa kanya.   “Ginamit mo iyong nasa compartment?” tanong niya ulit.   “Oo,” sagot ko.   “What? Para sa banyo ko iyon!” sabi niya. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.   “Mas mabango pa iyon kaysa sa pabango ng babae mo,” bulong ko nakita ko sa front mirror na tumingin siya sa akin nginisian ko na lamang siya.   “Saan tayo pupunta?” tanong ko ng maisukbit ko ang seatbelt.   “Muscle and Abs Fitness” napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya kaya napabaling ako.   “Saan iyon?” tanong ko sa kanya.   “Aish!” dumungaw siya sa may GPS napaatras naman ako sa ginawa niya. May kinutingting lang siya doon at saka bumalik sa pagkaka-upo sa likod.   Sinunod ko na lamang ang GPS na inayos niya. Habang nag da-drive ako ay tumingin ako sa front mirror ko nakita ko si Lyndon na nakapikit at makikita mo ang makapal na kilay niya.                                                                                                                                                                                        “Focus on driving and don’t stare at me,” akala ko tulog siya.   “Sinong may sabi na ikaw ang tinitingnan ko?” sagot ko sa kanya na nagpamulat ng kanyang mata.   Ngumisi siya, “Alam kong may gusto ka din sa’kin pero sorry hindi ko type ang tulad mong tomboy,” sabi niya.   “Hindi ako tomboy at tumahimik ka na lang diyan,” paliwanag ko at saka tumingin sa rare mirror.   “So may gusto ka nga sa akin,” ang hangin ng isang ito.   “Huwag kang ilusyunado at tingnan mo na lang ang sasakyan na iyan sa likod natin kanina pa siya masyadong malapit,” hindi naman traffic para mas lumapit siya napakaluwag ng kalsada. Nakita ko sa front mirror na tiningnan niya ang likod, nadinig ko pang napamura siya.   “Bilisan mong mag maneho ng hindi siya makalapit sa atin,” magtatanong pa sana ako pero nadinig kong may binulong siyang she ibig sabihin babae ang driver sa likod. Marahil ay isa iyon sa mga babae niya.   Lumiko ako dahil iyon ang itinuro ng GPS at sa pag liko ko na iyon ay sumingit ako sa mga naunang sasakyan tumingin ako sa likod at hindi ko na nakita pa ang sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa GYM.   Lumabas naman kaagad si Lyndon at pumasok doon at ako ito naiwan sa loob ng kotse.   “Ibang klase talaga ang lalaki na iyon,” napatingin ako sa may di kalayuan nakita ko ulit ang sasakyan na kaninang sumusunod sa amin. Pero hindi iyon ang mas pinagtuunan ko ng pansin kundi ang isang naka bike na lalaki na nagttitinda ng fishballs. Sakto sa pagkalam ng sikmura ko.   Lyndon’s Point of View   “Bro napadalaw ka,” sabi ni Piel, he is one of my friends. May ari siya ng M.A.F.Gym (Muscles and Abs Fitness Gym)   “I’m bored,” sabi ko at kinuha ang isang dumbbell pero hindi ako nandito para mag exercise pero bahala na depende sa mood ko.   “Kyle told me that you have a new driver?” natatawang sabi ni Piel. Naibaba ko na lang bigla ang dumbbell at naupo sa weight bench.   “Yeah! At ang isa pa babae,” simpleng sagot ko.   “Wow! Bro bakit parang pinagbagsakan ka ng langit babae naman pala!” napatingin ako sa bagong dating and It’s Bryan one of my frieds too.   “It’s not what you think!” I answered.   “What do you mean?” tanong ni Piel. Nakipag first bumb ako kay Bryan ng makalapit siya at ganu’n din ang ginawa nila ni Piel.   “She’s not what you think at kung titingnan n’yo she’s not my type,” paliwanag ko.   “Hey there, sabi ko na nga ba at nandito kayong lahat!” sigaw ni Kyle habang papasok ng Gym.   At gaya kanina ay nakipag fist bump kaming tatlo sa kanya. At sa pagdating ni Kyle ay nakumpleto na kaming apat.   “May nakita akong babae du’n sa sasakyan mo sa ibabaw siya kumakain,” napakunot ang noo ko sa sinabi niya.   “Sa ibabaw kumakain?” takang tanong ko.   “Yeah sa ibabaw ng sasakyan mo siya kumakain,” sabi ulit ni Kyle.   Nagpunta ako sa may salaaming bintana dito sa Gym at totoo nga ang sinasabi ni Kyle may kumakain sa ibabaw ng bagong bili ko na Jaguar XF. Ang lakas ng loob niya na doon kumain.   “Do you know her, Bro?” nakasunod na din pala sila sa akin dito. Tiningnan ko sila at naglakad palabas ng Gym.     George Point of View   “Hello! Tol anong meron?” sagot ko sa tumawag sa kabilang linya.   “Kumain ka na ba?” wow ang sweet ng Kuya Genesis ko siya talaga ang mas maalalahanin. “ Hindi ako ang nagtatanong si Kuya Gabriel,” okay binabawi ko na si Kuya Genesis ang palaging inuutusan ng dalawa kong utol lalo na si Kuya Gabriel pagdating sa mga ganitong bagay kapag alam nila na badtrip pa din ako sa kanila.   Pero ang sweet pa din ng mga utol ko kahit na ganu’n sila alam ko naman na mahal nila ako. Naiinis lamang talaga ako sa pagdedesisyon nila sa buhay ko. Malaki at nasa tamang edad na ako para mag desisyon sa sarili ko.   “Huwag kayo mag-alala hindi ko pinapabayaan ang sarili ko, ito nga at malapit ng maluto ang fishball at kikiam ko,” sabi ko sa kanya.   “ANO??” boses iyon ni Kuya Gabriel malamang naka loudspeaker ang cellphone ni Kuya Genesis.   “Sige na,tol at ibaba ko na kakain na ako,” pinatay ko na ang cellphone ko at paniguradong mag uumpisa na naman ang machine gun ni Kuya Gabriel daig pa niya si Mamang kung mag tatalak.   “Ito bayad ko manong, sigurado ito ah masarap ang sauce mo, naku kung hindi ibabalik ko ito,” sabi ko kay manong na magtitinda ng fishball.   “Masarap iyan panigurado,” sabi niya at umalis na ako.   Dala ang ilang baso ng fishball at kikiam at saka malamig na din naghanap ako ng mauupuan pero wala man lang akong makitang upuan.   Napatingina ko sa sasakyan ni Lyndon at nakaisip ako ng idea ipinatong ko sa ibabaw ang mga fishballs at kikiam ko at saka ako sumapa sa ibabaw noon.   Mabuti na lamang at hindi masyadong mainit ngayon. Kumuha ako ng isang fishball at sinubo iyon.   “Wow! Ang sarap!” nakapikit pa ako habang ninanam-nam ang fisball sa aking bibbig. Tama nga si Manong masarap nga ang sauce niya.   “Naku manong ma-aawardan kita sa susunod na magkita tayo ulit,” sabi ko pa sa sarili ko habang kumakain ang sunod ko naman na kinain ay ang kikiam.   “Ang sarap din,” napatango-tango pa ako ito talaga ang pang pa-wala ko ng badtrip ang kumain.   “What are you doing?” dumadagundong na boses ni Lyndon.   Inirapan ko siya, “ Hindi mo ba nakikita kumakain?” sabi ko sa kanya tiningnan ko ang tatlong lalaki na naka-sunod sa kanya at saka ibinalik ko na ang pagkain ko sa fishball.   Kukuha na sana ako ng fishball ulit ng mawala ito sa harapan ko at ang sunod kong nakita ay ang makitang nag-landing ang pagkain ko sa lapag.   Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan ang mga pagkain na nahulog ay hindi inihulog pala talaga. Sayang ang pera ko sa pag bili nu’n at isa pa gutom ako anong karapatan niyang gawin iyon sa mga pagkain ko.   “Bumaba ka nga diyan,hindi mo ba alam kung magkano ang bili ko sa sa sasakyan na ito?” galit na sabi ni Lyndon pero wala akong paki-alam sa galit niya dahil galit din ako lalo na at itinapon niya ang pagkain ko.   Bumaba ako sa sasakyan niya at tiningnan siya ng masama.   “Anong karapatan mong itapon ang pagkain ko?”  nanlilisik na mga mata ang ibinibigay ko sa kanya at sa puntong ito ay nag-aapoy na ako sa galit.   “I smell trouble,” dinig kong sabi ng isa sa mga kasama ni Lyndon na hindi ko na binigyan ng pansin dahil nakatuon na ang sarili ko kay Lyndon na masama din ang tingin sa akin.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD