Parking No. 01

1922 Words
George Point of View   “Georginaaaaa!!!!!” tumitiling sabi ng baklang kaibigan ni George na si Antonio.  “Boses mo Antonio, nakakarindi!” iritang sabi ko sa kanya.   “Antonia at hindi Antonio,” paliwanag ni Antonio sa akin na iwinagayway pa ang kanyang kamay sa ere at may pa-irap pa ng kanyang mga mata.   “Ang seryoso mo naman ngayon, George May problema ba?” sabi ni Elise na tumabi sa akin sa simentong inuupuan ko sa gilid ng kalsada.   “Malaki!” sabi ko sa kanila.   “Ay share naman diyan! Para mabawasan” sabi ni Antonio na naki-upo na din.   “Kaso ang init naman ditech nakakasira ng balat, dapat sa Car Wash ka na lamang tumatambay Georgi para madalas akong makakita ng mga hot pandesal!” sabi ng maarting bakla na si Antonio.   “Ayaw ko nga sa bahay,” sabi ko sa kanila.     “Ayaw ko nga sa bahay,” sabi ko sa kanila.   “Why naman?” tanong ni Antonio.   “Pano ang mga utol ko ipinasok ako sa trabaho,” sabi ko sa kanila.   “Anong trabaho naman itetch?”tanong ulit ni Antonio   “Driver” simpleng sagot ko.   “Ano? Bakit naman?” hindi makapaniwalang sabi tanong ni Elise.   “Ewan ko sa kanila nag-aalala daw sa akin dito sa kalye pero driver naman ang kinuha” sabi ko sa kanila.   “Malaki nga ang problema mo frenny bakit kasi hindi ka na lang sa salon ko magtrabaho, gawin lang kitang model pwede na,” todo ngiti pa ang bruha sa pagkakasabi nu’n.   Sapukin ko nga,” Aray naman! Sadista ka talaga!” reklamo niya sa akin.   “Magda-drive na lang ako kaysa maging model mo, gawin mo pa akong clown,” sabi ko sa kanya. “Ang ganda-ganda mo kaya, and smooth ng long hair mo diba, Elise?” tumango naman si Elise sa sinabi ni Antonio.   “Lubayan mo nga ako at kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo, kung pwede ko lang putulan ito kaso baka dalawin ako ng magulang ko,” sabi ko sa kanila.   “Getsung na lang tayo sa inyo frenny, gutom na aketch” sabi ni Antonio na parating gutom.   “Kailan k aba hindi nagutom?” tanong ni Elise.   Kaibigan ko sila matagal na simula yata nu’ng mag high school ako. Nandiyan na sila at madalas nakabuntot sa akin. Kahit anong taboy ko ay bumabalik ang mga iyan sasabihin lang nila walang magtatanggol sa kanila.   Pagdating namin sa car wash ay naabutan kong may dumating na sasakyan bumaba doon ang isang magandang babae. Mukhang hipon naman sa at clown sa kapal ng kolorete sa mukha niya.   “Maayos ba ang serbisyo ng sasakyan n’yo?” maarteng sabi nito pero halatang nagpapa-cute sa mga utol ko.   “Miss, tama lang ang pinuntahan mo walang madumi ang hindi malilinis sa G-four’s Car Wash.” Sabi ni kuya Genisis sabay kindat.   “Kita mo ang abs na ito? Bawat sulok ay makintab kaya sasakyan mo ay magiging ganito din,” sunod na sabi ni Kuya Gerard habang ipinapakita ang kanyang mga abs. Parang nagkaroon ng hugis puso at kumikinang ang mga mata ng babae.   “Ang sarap dukutin ng mga mata nu’ng babae,” gigil na sabi ni Elise tiningnan ko naman ang babae at ngayon ay nakalingkis na kay kuya Gerard.   “Wow! Sige kayo na ang bahala sa sasakyan ko,” dinig ko pang sabi umupo kami sa may tamabyan namin dito sa Car Wash.   “Geroge mag-uumpisa ka na sa isang lingo bakit nagpupunta ka pa din sa trabaho mo?” tanong ni kuya  Gabriel sa akin. Nakita ko pa ang hindi magkumayaw sa kanyang pwesto si Antonio ng makita si Kuya Gabriel.   “Iyon na nga kuya, mag-uumpisa na ako doon, hayaan mo na akong gawin ang gusto ko at isa pa on- call lamang naman ang gagawin nila at hindi full time, ibig sabihin pwede ko pang gawin ang gusto ko,” paliwanag k okay Kuya Gabriel.   Napailing na lamang ito sa akin, “ Bahala ka na, ako ay nag-aalala lamang sa’yo sa kalsada kung sana ay dito ka na lang,” sabi nito at pumupunt na doon sa costumer nila.   “Ano naman gagawin ko dito? Kahera? Jusme naman mas exciting pa ang trabaho ko sa labas,” sabi ko kahit wala na si kuya Gabriel.   “Ang hot talaga ni Gab, beshy! Nakita mo ba iyong pag kindat niya sa akin?” sabi ni Antonio na kinikilig habang kapit na kapit kay Elise at si Elise naman ay hindi na mawala ang mga mata kay kuya Gerard at sa babaeng ayaw ng umalis sa tabi nito.   “Nag-iilusyon ka lamang Antonio,” sabi ko sa kanya. “Iyan ka na naman Georgi sa Antonio sabi ng Antonia pahamak ka talaga sa kaligayahan ko. Kung hindi lang kita friend naku!”   nag mustra pa siyang inikom ang kanyang mga kamay.   “Kung hindi mo ako friend kapatid ko ang pinapantasya mob aka madalas na kitang sabuyan ng tubig palabas,” kapag ganitong bad trip ako.   “Ang harsh!” sabi ni Antonio at saka sumimangot.   “Maganda naman ang gusto ng mga kuya mo kaya pumayag ka na,” sabi ni Elise.   “Kahit hindi ako pumayag wala na pumirma na sila at nabayaran na,” paliwanag ko kaya talagang inis na lamang ang pwede kong ilabas.   “Nakita mo na ba ang ipagda-drive mo ha frenny?” tanong niya sa akin.   “Oo” sagot ko at saka kinuha ang bote ng coke at ininom ito.   “Lalaki o babae?” tanong ni Elise sa akin.   “Lalaki” maikling sagot ko.   “O my gosh papabels pala, ano gwapo ba? May pandesal din ba?” excited na tanong ni Antonio.   “Malay ko du’n hindi ako interesado,” sabi ko sa kanila.   Laylay ang balikat ni Antonio sa sinagot ko sa kanya.   “Pero babaero,” patuloy kong sabi.   “Babaero? Imbig sabihin gwapo nga!” sabi ni Elise. “Maraming, Salamat mga pogi!” natuon ang tingin naming tatlo sa babae kanina. Nag-abot ito ng pera kay kuya Gerard na parang pinatagal pa sa kamay niya upang mag daiti ang kanilang mga kamay ng matagal habang nakangiti. “Psh! Ang landi ng espasyol na babae na iyon,” napatingina ko kay Elise. Oo ayaw ko sa kanila dahil maiingay sila pero diyan kami nagkakasundo-sundo ayaw namin sa mga malalandi na tulad ng babae na iyon tama ng si Atonio na lamang ang malandi sa amin grupo.   Humawak pa nga ito sa dibdib ni Kuya Gabriel sabay nagtakip ng bibig at tumawa at saka pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Tinanggal ko ang tingin ko sa kanila at itinuon na sa kinakain ko. “Ang daming hot pandesal, ang yummy!!” dinig kong sabi ni Antonio hindi ko na siya pinansin dahil palagi naman siyang ganyan pag nandito sa car wash. “Oo nga,” pag sang-ayon naman ni Elise kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nagniningning ang kanyang mga mata habang namumula ang mga pisnge. Tiningnan ko ang tinitingnan nila at ang tatlong utol ko naka hubad ang pang itaas at nakalabas ang mga abs habang may mga tubig-tubig pa sa katawan. Nakangiti pa ang mga itong papalapit sa amin. “Nandito pala kayo, pasensya na hindi namin kayo napansin kaagad,” sabi ni kuya Genesis. “Okay lang iyon busy kasi kayo,” sabi ni Elise na mas lalong namula ang pisnge kaya tumungo na lamang. “Madami tayong naging costumer ngayon,’ sabi ni Kuya Gabriel. “At mas lalo kayong madaming magiging costumer kung ibabalandra nyo ang mga abs nyo,” mungkahi ni Antonio sa mga kuya ko. Tumwa si Kuya Gerard, “ Parang lucky charm lang,”sabi niya. “At kung lucky charm nga naiuwi ko na kayo,” sabi ni Antonio pero ako lang naman ang nakadinig kasi ibinulong lang niya sa akin. “Babalik na ako sa pwesto ko,” sabi ko sa kanila at saka tumayo. “Babalik ka na naman du’n sa parking? Ang init du’n frenny,” reklamo ni Antonio. “Hindi ko naman sinabi na sumama ka,” sabi ko sa kanya. “Ikaw talaga frenny ang init ng ulo, ito na nga sasama na,” sabi niya sa akin si Elise ay sumama na din. “George, umuwi ka ng maaga mamaya,” sabi ni Kuya Gabriel. “Bakit? Linggo ngayon at maraming tao sa mga restaurant baka gabihin ako,” paliwanag ko. “Kaya mas gusto ka naming sa ibang trabaho kaysa diyan na ginagabi ka sa daan, babae ka pa din George at kami ang mananagot kina Papang at Mamang kapag may nangyari sa iyo,” mahabang sabi ni Kuya Gabriel. “Bakit kasi kailangan n’yo pa akong ikuha ng trabaho masaya naman ako at kilala na ako doon saka malaki naman pala kinikita n’yo dito,” sabi ko at saka tumalikod na sa kanila. Itinaas ko pa ang kamay ko sa ere tanda ng pag ba-bye ko. Sina Papang at Mamang na naman ang idadahilan nila sa akin. Alam ko naman iyon hindi ko naman gustong ipanganak na babae, hindi naman nila ako kailangan pang protektahan kaya ko ang sarili ko. Pagdating ng gabi ay sinadya kong magpalalim pa ng gabi sa parati kong uwi sa bahay. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Kuya Gabriel  pagpasok ko sa gate namin ay may kotse pa na nandu’n pero wala naman na naglilinis siguro ay hindi pa lang na pi-pick up ng may-ari. Pagpasok ko sa loob ay imbes na nasa kwarto na ang mga utol ko ay nandito sila sa may sala at mga naka-upo. “Dumating ka din, bunso” sabi ni Kuya Gerard. “Bakit?” tanong ko at pumasok ng tuluyan at doon ko nakita na di lang sila tatlo dahil may kasama pa sila. “Good evening, George,” nakangiting sabi ni Madam Z sa akin. Tiningnan ko siya pati na din ang mga kuya ko. “Sabi ko sa’yo maaga ka umuwi,” hindi naman galit si Kuya Gabriel, kahit kailan ay hindi siya nagalit sa akin. Ganyan lang siya ka strikto pagdating sa akin. “Madaming tao sa restaurant sayang ang kita,” paliwanag ko. “Bakit po kayo nandito? Hindi ba ang usapan ay sa susunod na lingo pa ako mag-uumpisa?” tanong ko sa kanya. “But I need you now, George,” napatitig ako sa sinabi ni Madam Z. “Seryoso po kayo? Ngaun? Anong oras na po hindi ba pwedeng bukas na lang?” sabi ko sa kanya. “George,” napatingin ako kay Kuya Gabriel. “Ang usapan ay usapan,” matigas kong sabi. “Nagka sundo na kami ng mga Kuya mo George at ngayon din ay mag-uumpisa ka ng mag trabaho,” laylay ang balikat na tumingin ako sa mga utol ko. Ibinenta na ba nila ako at ganito na lamang. Umiling ako sa kanila at pumasok sa loob ng kwarto. Lyndon Point of View “Whatzapp! Bro!” Kinuha ko ang beer na i-norder ko at ganu’n din siya. “Balita ko may driver ka na daw ulit,” tanong ni Kyle matalik na kaibigan ko simula nu’ng elementary pa lang kaming dalawa. “Yah” simpleng sagot ko sa kanya. “Why? As if you’re a kid and don’t know how to drive?” sabi niya habang umiinom ng alak. “Hindi ko alam ang gustong mangyari ni Mommy alam mo naman na hindi ko siya pwedeng suwayin,” inimon ko n lamang ang laman ng baso ko “At isa pa babae ang driver ko,”  sunod kong sabi magsasalita pa sana si Kyle nang may lumapit sa akin. “Hi! I’m Stacy,” pakilala niya maganda at sexy siya kaya pwede na. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, “ Are you alone?” tanong ko. Ngumiti naman ito sa akin at hinawakan ang kwelyo ng aking polo at inilapit ang kanyang bibig sa tainga ko. “Yes,” sagot niya. Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang bewang at mas lalong dumikit sa akin. “Sige, bro alis na kami,” tinapik ko siya sa balikat at tumango naman siya sa akin. Hindi pa kami nakakarating sa kotse ay hinalikan na niya ako sino ba naman ako para tumanggi. George Point of View Kaya ba ngayon ako mag-uumpisa ay para sunduin ang mokong na iyon? “Psh. Halatang babaero talaga!” sabi ko sa sarili ko ng makita ko ang pinagda-drive ko sa may unahan ng kotse. BEEEEP!! BEEEP!! BEEEP! Pinindont ko ng sunod-sudod ang busina ng kotse nakita ko pa ang pag kung paano sila magulantang. “Hindi man lang nahiya sa daan pa naglaplapan,” napangiti ako sa expression ng mukha ng amo ko galit na galit siyang naglalakad papunta sa kotse niya at kumatok sa may driver seat. Binuksan ko naman ang salamin. “What the hell are you doing here?” galit na tanong niya sa akin. “Para ipag-drive ka po kamahalan,” sabi ko sa kanya at ngumiti nakita ko pa ang babae na lumapit sa kanya. Nakita ko naman ang pag-igting ng kanyang mga bagang at pag singkit ng mga mata.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD