AODIE "Aods!" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Benj na naglalakad papalapit. "Bakit?" tanong ko dito nang makalapit na s'ya. "Pinapatawag ka ni Don Marcelino," saad nito sabay lahad ng kamay n'ya para maalalayan akong tumayo. Agad ko namang tinanggap iyon at kumuha ng pwersa para makatayo. Sabay kaming pumunta sa private living room ng Don at doon namin nakita na tahimik at mataimtim na nakaupo si Don Marcelino sa pang isahang upuan habang umiinom ng kan'yang tsaa. "Pinapatawag n'yo raw ho ako," magalang na bungad ko. Marahan s'yang tumingin sakin at tumitig sabay baling kay Benjie. "Pwede mo na kaming iwan," marahang usal nito. Tinapik lang ni Benj ung balikat ko bago yumuko at nagpaalam. "Maupo ka, Aodie" utos nito kaya naman agad kong sinunod. "Ano hong m

