AODIE "Kailan tayo pupunta sa Maynila?" tanong ko sa kan'ya habang maglalakad na kaming dalawa papuntang kwarto ko. "Next week na tayo pumunta doon dahil iyon naman ang orihinal na plano, may importante kasi gagawin ang Don sa Maynila kaya nauna na s'ya doon," tugon nito na ikinatango ko lang. Nauna na pala kasi doon si Don Marcelino habang kami naman ay naiwan pa dito. "Aods.. you can tell me anything you want or kung ano man ang bumabagabag sa isip mo," saad nito nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko. Kanina pa niya ako kinukulit kung ano ang nangyari sa lakad ko pero hindi ko naman gustong sabihin dahil baka mas lalong mapahamak sila mama. "Iniisip ko lang sila mama, aalis na naman ako at hindi ko alam kung makakabalik ba ako ng buhay dahil 'pag nagpupunta kami ng Maynila puro

