AODIE Matagal na akong nakatingin sa kisame nang muling bumukas ang pintuan ng kwarto ko. "Glad you're awake, are you going to kill yourself?" rinig kong tanong ng isang lalaking gumugulo sa isip ko nitong nakaraan. Hindi ako umimik at tumingin lang sa kan'ya na naglalakad papalapit sa akin kasunod si Benjie. Nang makita n'ya na nakatingin ako sa likod n'ya– agad n'yang nilingon si Benjie. "Outside! I'm going to clean her wound," saad nito sa binata kaya naman nagtaka kami pareho. "Balikat lang naman ung tama n'ya ah.. gusto ko makita," dahilan ni Benjie sabay lakad pero bahagyang napaatras nang tutukan n'ya ng baril ni Cold. "Leave or Die? Choose one!" saad nito kaya naman ngumuso itong isa at padabog na naglakad palabas. Parang bata! "Possessive, hindi naman jowa–Ah! Eto na lala

