AODIE Agad kong ibinalik ang tingin ko kay Christine na mukhang nagmamalaki na dahil nakatama s'ya sa akin. Nag-uumpisa pa lang ang laban, masyadong atat sa panalo! Akma s'yang susuntok kaya agad ko na s'yang inunahan na sipain sa tiyan. It's her blindspot, dahil susuntok s'ya hindi n'ya mapapansin na sisipa ako kaya hindi n'ya matatakpan agad iyon. Tumilapon s'ya sa lapag at bahagyang namilipit dahil sa pag sipa ko sa kan'ya. "Whoo! Go Aodie!" sigaw ng ilan na alam kong pinangungunahan ng kaibigan kong si Benjie. "Tayo!" sigaw ko habang nakatingin sa kan'ya. Tumayo ito nang dahan-dahan at pilit iwinaksi ang sakit na nararamdaman. "Fight!" sigaw ni Cold na parang bored na bored sa nakikita sa aming dalawa ni Christine. Bored pa s'ya nagkasakitan na nga kami pero alam ko naman na m

