AODIE HALOS mabingi ako sa tawa ni Benjie nang makababa ako sa dining para kumain. Nandoon pa sila ni Cold at hindi pa kumakain dahil inaantay daw ako. "Oh! Cold, magpalit ka na ng pabango mo dahil sabi ni Aodie, ang baho daw at nakakasuka ung amoy," natatawang pang aasar ni Benjie kay Cold na maitim na ang aura. Hindi ko naman sinasadya yung nangyari e. Nadala lang ako dahil biglang nang intriga itong si Benjie kaya ayon ang nasabi ko. "Tumigil ka na nga!" singhal ko dito sabay upo at agad na kumuha ng pagkain sa harap ko. Hindi naman din ako makalingon kay Cold dahil baka mamaya e, singhalan ako nito ng tingin. Halos hindi ko na manguya ang pagkain ko dahil sa kaba at awkward ng atmosphere sa loob ng dining parang gusto ko na lang na lunukin lahat ng pagkain ko at umalis. Bigla n

