AODIE KINABUKASAN, maaga akong nagising kahit na masakit pa ang katawan ko. Ramdam ko pa ang mga bugbog na galing sa pagkadapa ko kagabi. Pero dahil gusto kong magising ng maaga, pinilit kong bumangon. Kailangan kong magpalakas, naisip ko na hindi lang dapat ako dedepende kay Cold, dapat ay kahit pa hindi ako aalis sa tabi niya, maasahan pa din niya ako sa lahat ng bagay. Bukod doon, bibisitahin ko si Don Marcelino. Mabilis akong naligo at nagsuot ng black pants na stretchable, black sando at black na boots. Tinali ko din ang mahaba kong buhok para hindi sagabal sa training na gagawin ko pagkatapos kong puntahan ang Don. DALAWANG katok ang ginawa ko bago ko hawakan ang doorknob at buksan iyon. Muli kong nakita si Don Marcelino na nakaupo at mukhang kahit papaano ay may improvement s

