AODIE "HOW many?" Walang emosyon na tanong ni Cold kay Gio nang makarating kami ng mansyon. "Kinse ang nawala sa atin," tugon nito. Tumango lamang si Cold at hindi na nagsalita pa. Naramdaman ko na lang na kumukuyom ang kamao nito. Nasa tabi ko lang siya kaya naman ramdam kong may hindi tama sa kan'ya. "Maghanda ulit kayo. The next day, another warehouse," usal nito at isa-isa kaming tinignan. "This time! No one will die!" madiin at klaro nitong saad. Tumayo ito at naglakad paakyat ng bahay. Hindi man ipakita ni Cold ang ekspresyon o simpatya n'ya sa mga nawala sa amin. Alam kong ayon ang nararamdaman n'ya ngayon. Kanina pa lang nang nasa sasakyan kami, may hindi na tama sa kan'ya kaya nga tahimik na lang din ako no'n. "Aodie," Napatingin ako kay Benjie nang tawagin ako nito, na

