Malalim na ang gabi pero gising na gising pa din ang diwa ni Yesha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa naging resulta ng pag-punta niya sa opisina ni Jake. Maraming nangyari sa kanya ng araw na iyon pero hindi niya in-expect ang kinalabasan. Her mind wander to what happened between them sa pagpayag niya sa pagsama dito sa opisina nito. ***** The event that happened between them sa loob ng elevator ay nanatiling nakatatak sa isip ni Yesha. Nang nasa loob na sila ng opisina ni Jake ay hindi niya maiwasang mamangha sa nakikita. Iniikot niya ang mga mata sa kabuuan ng opisina ni Jake. Sanay siyang makakita ng luxurious na opisina, pero just like the elevator, Jake’s office was one of a kind. Modern and elegant, yun ang theme ng opisina nito. It was simple on its own, dahil

