“Princess, gising ka na ba?” narinig ni Yesha na tawag sa kanya ng pinsan niyang si Ben. Kumatok pa ito sa pintuan niya ng ilang beses. “Pwede ba akong pumasok?” muling saad nito sa harap ng pintuan ng kwartong ginagamit niya. Kasalukuyan pa ring nasa Maynila sila at nakiki-panuluyan sa apartment ng kaibigan ni Ben. Laking pasasalamat ni Yesha na wala pa ang pinsan niyang si Ben ng ihatid siya doon ni Jake kahapon. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin sa pinsan ang katotohanan sa pagitan nila ng isang Jake Mendellin. Bagamat sinabi ni Jake sa kanya na a-ayusin nito ang lahat at itutuwid nito ang maling naging simula nila, ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa isipin na ipakikilala niya ito sa kanyang Tita Alice at Kay Ben. Nangako ito na pupuntahan siya nito ulit upang kausapin a

