“Yesha, iha?” narinig ni Yesha na tawag sa pangalan niya ng tiyahin. Bagamat bahagyang masakit ang ulo ay pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata. Nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ng tiyahin. “Tita?” tawag niya dito sa mababang boses. “Oh my, thank God you’re awake now, iha,” saad ng kanyang tiyahin ng makita nitong nagmulat na siya ng mata. Inalalayan siya nito ng magtangka siyang tumayo. “What happened po, Tita?” she asked. Habang ini-ikot ang kanyang mga mata. Saka niya lang na-realize na nasa kwarto niya na siya. “You passed out, dear,” saad sa kanya ng tiyahin. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama pala ang pakiramdam mo, bakit sumama ka pa sa babuyan?” panenermon sa kanya ng tiyahin. “Hindi naman po masama ang pakiramdam ko no’n, Tita. Pero nung habang pinagmamasdan

