“SINO ANG AMA?” Umecho sa buong kwarto ang boses ni Ben na nasa hamba ng pinto. Base sa itsura nito ay handa itong makipag-p*****n sa kung sinumang umagrabyado sa kanya. “Benjamin, anak. Huminahon ka,” saad ng kanyang Tita Alice saka nito nilapitan ang anak. Pero hindi ito pinansin ni Ben, sa halip ay dumiretso ito sa kanya. “Sabihin mo sa akin, Yesha. Sino ang walang-hiyang gumawa niyan sa’yo?” saad nito sa kanya sa mataas pa ring tono. Hindi niya magawang sumagot sa pinsan dahil unang-una ay hindi niya naman talaga kilala kung sino ang kasama niya ng gabing iyon. Pangalawa ay natatakot siya sa nakikitang galit sa mukha ng pinsan. Napayuko na lang siyang bigla dahil hindi niya kayang salubungin ang galit sa mga mata nito. “Damm*t, Yesha! Answer me! Kailangang managot ang gumawa ng kat

