Napaatras si Jake at naliyo ng dahil sa suntok na tinamo. Nagdilim ang kanyang paningin, hindi niya maiwasang gumewang ng dahil sa pagka-liyo. Narinig niya ang boses ni Yesha na sumigaw at tinawag ang pangalan niya. Dinig niya ang pag-aalala sa boses nito. Nagkaroon din ng bahagyang komosyon sa paligid niya. “Stop it! David! Ben!” narinig niyang mariing sigaw ni Yesha at tinawag ang pangalan ng driver niya at ng isang lalaki na nagngangalang Ben. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang malambot na kamay na dumalo sa kanya. “Jake, are you alright?” isang malamyos pero nag-aalalang tinig ang narinig niya kasunod ng pag-dalo ng babae sa kanya. Marahan niyang ipinilig ang ulo upang bahagyang mawala ang kanyang pagka-liyo. “I am fine, don’t worry. I’ll live,” pinilit niyang ngumiti kay Yesha ka

