Tamad akong bumangon sa higaan ko ng marinig ko ang alarm clock. Bagong umaga, bagong pambibwiset nanaman ang matatanggap ko sa mga kaklase ko.
Nag-tooth brush muna ako bago maligo. Nang matapos ay agad akong nag-bihis ng uniforme namin. White blouse with maroon neck tie at maroon skirt na hanggang sa taas ng tuhod. Semi-private ang school ko kaya kakaiba ang uniform namin. Scholar kasi ako ni Gov Juarez kaya kalahati lang ng tuition fee ang binabayaran namin. Kaya naman 'yun ni Tita basta daw mag-aral ako ng mabuti. Hindi ko naman binibigo si Tita dahil 'yun nga ang ginagawa ko.
Sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok, nag-pulbos, at lipgloss lang bago lumabas ng kwarto, dala-dala ang mahaba kong medyas at black shoes para masuot ko sa sala.
"Oh, Apo baon mo." Inabot sa akin ni Lolo ang pera niya pero hindi ko ito tinanggap.
"Lo, Wag na! May baon pa po ako. Ibili niyo nalang po 'yan ng turon d'yan kay aling pasing. Sa chix niyo po." Nang-aasar kong sabi. Ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa.
"Ikaw talagang bata ka!" Kinuha niya ang kamay ko at pilit niyang isinuksok ang isang daan sa palad ko. "Magpaka-busog ka sa eskwela apo para hindi ka magutom." Aniya at iika-ika na siyang pumasok sa kwarto niya.
"Lolo talaga ang kulit!"
Nag-lakad na ako palabas ng bahay. Hindi na ako nakapag-paalam kay Tita dahil sobrang aga nitong pumasok. Sumakay na ako ng tricycle na papunta sa school. Nang makababa ay agad akong sinalubong nila Jasper.
"Crisha!" Sigaw ni jasper sa malayo.
Napatingin naman sa 'kin ang mga tao at rinig ko dito ang pag-bubulungan nila.
"Hindi ba 'yan yung hinalikan ni Leo? Sila naba? Grabe 'no kababaeng tao pumapayag sa ganu'n!" Rinig kong bulong ng isang babae. Lumingon ako sa kanila at agad naman silang umiwas ng tingin.
Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong huhupa rin 'to agad. Lumapit na sa akin sila Jasper at tumitingin sila sa akin ng may mapang-asar na tingin.
"Ano nanaman ba 'yun!" Singhal ko sa kanila pero hinila lang nila ang braso ko papasok ng gate ng school.
"Tara nuod ulit mamaya!" Pauna ni Vianca. Sumang-ayon naman ang lahat at sabay-sabay silang tumingin sa akin.
"Tigilan niyo nga ako! May gagawin ako sa bahay mamaya! Walang kasama Lolo ko. Kayo nalang!" Palusot ko 'saka ako nagpa-unang mag-lakad.
Habang papalapit na sa building namin nag-taka kami kung bakit nag-kukumpulan ang mga tao sa harap ng room namin kaya nag-madali kaming umakyat sa third floor para makita kung anong meron sa taas. Pag-dating namin agad akong nadismaya sa nakita ko.
Nandito ngayon si Leo habang may hawak na malaking bouquet ng bulaklak, Habang hawak-hawak ng kaibigan niya ang malaking teddy bear, at hawak-hawak naman ng isa ang mga chocolate. Kumunot ang noo ko at hinila naman ako ng mga kaklase ko palapit dito.
"Hi, Crisha... Ahm Can I date you?" Malakas na loob niyang sabi.
Tumingin ako sa mga kasama ko at pinapahiwatig dito kung anong maliking gulo ang ginawa nila. Ayaw kong umasa si Leo, Lalo na hindi ko siya kayang gustuhin.
"Ahh Leo, Ano kasi–" Naputol ang sinasabi ko ng biglang nag-labas ng gitara yung pangatlo niyang kaibigan at nag-tilian naman ang mga nakiki-usosyo. Sinimulan na niyang patunugin ang gitara.
"Ipagpatawad mo aking kapangahasan, Binibini ko, sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo"
Agad akong kinilabutan nang sinimulan niyang kumanta, Para akong hine-hele ng boses niya. Malamig at baritono, Hindi halata sakanya na magaling siyang kumanta kaya nakakabigla.
"Ipagtawad mo ako ma'y naguguluhan
Di ka masisi na ako ay pagtakhan "
(di ka masisi) mga kaibigan niya.
Bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin? Bakit hindi ko kayang malingat kahit saglit lang? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
P
ara akong nasa pelikula sa mga oras na ito. Yung tipo siya lang ang nakikita ko.
HINDI 'TO PWEDE, CRISHA! HINDI!
"Di na dapat ako pagkatiwalaan"
(di na dapat)
"Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo Ipagpatawad mo minahal kita agad
Aah minahal kita agad
Aah minahal kita agad
Ipagpatawad mo oh" at kumindat pa.
Natapos ang kanilang pagkanta pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko kahit na tinutulak-tulak ako ng mga kasama ko. Lumapit siya sa akin at maingat na binigay ang bouquet. Halos hindi ko na siya makita sa sobrang laki ng binigay niya.
"I guess, pumapayag ka na? Silent means yes, e. Wala ng bawian 'yan, hah?" Aniya sabay lakad paalis. Ilang mga kantyawan pa ang nangyari sakanila bago sila tuluyang nakalayo. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Kita niyo na ginawa niyo! Ok lang sana kung kayo magpapaligaw, e." Masungit kong sabi habang papasok kami sa classroom. Hawak ni Jasper ang malaking teddy bear, sila Shine at Vianca naman ay nilalantakan na ang chocolate.
"Bakit ba kasi ayaw mo kay Leo teh? Ang gwapo niya kaya!" Malanding sabi ni Vianca.
"Hindi nga kami bagay! Magmumukha akong ate kapag kasama ko siya!" Naningkit naman ang tingin nila.
"Bakit sa tangkad ba mababase ang pagmamahal, Crisha? Tsaka sure mo bang 'di na tatangkad 'yang si Leo?" Pang-uusisa ni Shine
"Feel ko may iba pang rason kung bakit ayaw mo sakanya." Si Jasper naman na akala mo ay may alam sa nararamdaman ko.
Tumingin sa akin ang tatlo at napa-iwas naman ako ng tingin.
Oo, Jasper! Ang tang* mo lang kasi hindi mo 'yun kayang makita! Ang linaw-linaw naman na gusto kita. Bakit ba kasi ang manhid mo!
"W-Wala, hah!" Pag-sisinungaling ko.
"Sus... Iba sinasabi ng mata mo!" Ani Jasper na sinundot pa ako sa tagiliran.
"Ewan ko sa'yo! Oh, anjan na si ma'am!"
Nataranta naman sila at napaupo ng maayos, terror kasi itong teacher namin.
Nang mag-uwian akala ko wala ng mangyayari sa amin ni Leo ngayong araw, Hindi pa pala.
Inabangan ako ni Leo sa labas ng classroom namin kasama nanaman ang mga alagad niya.
"Sige, Crisha! Una na kami, huh? May bibilhin pa kasi kami! Byeee!" Paalam ni Vianca kasama ang dalawa.
Alam kong nag-sisinungaling lang sila.
"Hi, Crisha! Ako na mag-dadala ng bag mo!" Pagpe-presenta niya pero hindi ko ito binigay.
"Wag na kaya ko naman." Masungit kong sabi at nilagpasan ko lang siya.
"Tara kain nalang tayo?" Aya niya ng maabutan niya ako pero tumingin ako sa mga kasama niya "Don't worry hindi sila kasama!"
Tumingin ulit ako sakanya "Sorry, Leo. Hindi kasi ako pwede ngayon, e. Ahmm wala kasing kasama si Lolo sa bahay, Siguro next time nalang?" Pagsi-sinungaling ko kahit ang totoo ay hindi ako papayag na makasama siya.
"Ahh, ganu'n ba? Ihatid nalang kita sainyo?"
Ang kulit niya! Bakit ba hindi pa 'to tumitigil!
"Hindi na! May pamasahe ako! Tsaka ano! baka hinahanap kana sainyo! Sige, hah. Mauna na ako?" Paalam ko at binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago ko siya iniwan.
"Pre, ayaw pa ata sa'yo, e." Rinig kong bulong ng kasama niya.
"Tumigil ka nga! Nagpapa-hard to get lang 'yan!" Saway naman niya "Una na ako pre!"
Nararamdaman kong nakasunod siya sa akin. Pero nagkunwari akong hindi ko alam. Pag-pinansin ko kasi kakausapin niya nanaman ako. Ayukong bigyan siya ng chance dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang gustuhin. Tsaka pakiramdam ko hindi niya naman ako ganu'n kagusto, bata pa kami pwede pang mag-bago ang nararamdaman niya.
Nang makalabas na kami sa school naisipan kong pag-tripan siya. Himbis na sumakay sa tricycle, Nag-lakad nalang ako pauwi. Sanay na naman ako mag-lakad dahil palagi ko itong ginagawa. Madalas kasi akong maubusan ng pera dahil bumibili ako ng tusok-tusok malapit dito sa school namin.
Madami ditong lusutan at malayo ang lakaran. Maliligaw ka talaga dito kapag hindi mo kabisado ang lugar. Habang pinapakiramdaman ko siya sa likod ko agad akong sumuot sa eskinita ng maraming tao ang sumingit sa likuran ko. Sinilip ko siya saglit at nawala siya. Napangiti naman ako sa ginawa ko at lumabas na ng eskinita.
Hindi pa ako nakakalayo at agad akong dinapo ng konsensya. Paano kung hindi 'yun makauwi dahil sa akin? Paano kung pag-tripan siya ng mga tambay? O 'di kaya ma-holdap! Halata pa naman dito na mayaman siya!
Bumalik ako sa dinaanan ko habang tinatanaw siya pero hindi ko siya makita. Ang kaninang mahinang kabang nararamdaman ko, ngayon ay dumoble pa. Ilang minuto din akong nag-hanap ng bigla niya akong gulatin.
"BWUAAHHH!" Sigaw niya.
"Ay anak ka ng mama mo!" Sigaw ko din sa takot habang nakahawak ako sa dibdib ko. Natampal ko ang mga braso niya sa sobrang takot at pag-aalalang nararamdaman ko.
"Ano ba! Akala mo ba nakakatuwa ka!" Sermon ko sakanya.
"Oh, easy! Ikaw na nga nang-iwan sa akin. Ikaw pa galit?" Aniya ng naka-ngiti. Inirapan ko siya at nagpa-una na mag-lakad.
"Saglit lang!" Habol niya sa akin "Sabi ko na nga 'di mo 'ko matitiis, e!" Aniya habang nakahawak sa batok.
Bigla ko siyang hinila sa kamay nang muntik na siyang mabangga ng motor. Napatingin siya dito at biglang namula ang mga tenga niya. Agad ko rin itong binitawan.
"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Masungit kong sigaw sakanya pero himbis na malungkot ay mas lalo pa siyang ngumiti at namumula pa.
"Ayaw ko nga!"
"E, 'di wag! Bahala kang ma-disgrasya d'yan!"
"Basta ba hahawakan mo ulit kamay ko, e." Bulong niya na narinig ko naman.
Nag-lakad siya dire-diretcho na parang wala sa sarili kaya naman hinila ko na siya sa kwelyo.
"Ano! Magpapakamatay ka ba?" Sigaw ko sakanya habang umuubo naman siya sa pagkaka-sakal.
"I-Ikaw ata papatay sa akin, e!" Sagot naman niya.
Umiwas ako ng tingin dahil napangiti ako sa itsura niya.
"Uyy! Nakita ko 'yun! Ngumiti ka!"
Agad na napawi ang ngiti ko at ibinalik ang irita sa mukha ko.
"Tumigil ka d'yan!" At iniwan ko siya.
Nang marating na sa kanto kung nasaan ang bahay namin, humarap ako sakanya.
"Umuwi kana sainyo, Mag-gagabi na, oh!" Utos ko sakanya.
"Malapit naba ang bahay niyo dito?" Tanong niya.
"Oo! Umuwi kana!"
"Sige! Bukas ulit, hah!"
"Kahit hindi na.." bulong ko.
"Huh?"
"Wala, sabi ko umuwi kana!"
Ngumiti naman ito at parang nag-hihintay na kung ano sa kalsada kaya hindi pa ako umaalis. Maya-maya ay may tumigil na puting van sa harap namin kaya hinawakan ko ulit siya sa damit niya.
"Hey! Don't worry! It's mine!" Aniya.
"Ay, potek! Akala ko kidnapper!" Sabi ko at tumawa naman siya. Pinag-buksan siya ng driver niya at kumaway pa ito bago isara ang pinto. Hindi pa nga ito nakuntento at binuksan pa ang bintana niya.
"Bukas ulit, hah!" Sigaw niya at umandar na palayo ang Van niya.
Napangiti ako ng hindi ko namamalayan at agad ko itong binawi nang marealize kung anong ginagawa ko.
Hindi, Crisha! Hindi ka ngingiti!
***********************