Chapter 2

2713 Words
PAGKATAPOS ng massage session ay nagulat si Rhomz nang bigyan siya ni Nathan ng VIP meals stub. Pera ang iniisip niya na ibigay nito dahil kung tutuusin ay overtime na ang trabaho niya. “Bakit ito?” walang puwang na tanong niya habang tinititigan ang kulay ginto na stub. Nagbibihis na ang binata sa kanyang harapan. “I don’t have the cash to pay for your special service. Just accept,” nakangiting sabi nito. Naguguluhan pa rin siya. “Sandali, walang ganitong stub dito sa academy. Saan ko ito gagamitin?” ‘takang tanong niya. “Grand opening ng Harley’s resort next Sunday at kasama ako sa magki-cater ng food for guests. Mabibili ang VIP meals stub sa halagang ten thousand pesos. Kapag meron ka nito, you can eat all you can from VIP menu,” paliwanag nito. Nawindang siya. Narinig niya ang tungkol sa grand opening ng Harley’s resort mula kay Jeddan. Meron siyang invitation mula kay Jeddan pero hindi siya binigyan ng meals stub. Bongga raw ang celebration ng resort at maraming bigating bisita. “Salamat dito. Ang totoo niyan, nagdadalawang isip ako kung pupunta ako. Nakakailang kasi,” sabi niya pagkuwan. “Bakit ka maiilang?” “Isa lang akong ordinaryong tao. Malamang halos mga bampira ang dadalo. Hindi ko kayang pumunta na mag-isa,” aniya. “So, kailangan mo ng kasama? What about an escort?” “Escort?” Tumikwas ang isang kilay niya. Sino naman ang magiging escort niya aber? Hindi puwede si Jeddan dahil busy ito sa pagtulong sa parents nito na kasamang naghahanda sa party. Malamang ang mga kasama niyang babae ay may mga partner na pupunta. “I can be your escort,” bigla ay sabi ni Nathan. Napamata siya. Biglang tumulin ang t***k ng kanyang puso. No, hindi puwedeng siya. Nagprotesta ang isip niya. “Uh… huwag na. Hindi na lang ako pupunta. Ibigay mo na lang sa iba itong stub. Sayang naman kung hindi magamit,” sabi niya saka ibinalik sa binata ang stub. Pagkuwan ay tinalikuran niya ito. Nagpakaabala siya sa pagliligpit ng mga ginamit niya sa pagmasahe. “Okay. You’re still elusive. Anyway, thanks for your good services. I have to go,” sabi nito. Natigilan si Rhomz. Narinig niyang bumukas ang pinto at kaagad ding nagsara. Nang matiyak na wala na si Nathan ay saka lamang siya tumigil sa pagligpit ng kalat. Nakaramdam siya ng paghihinayang pero pilit niya itong nilalabanan. Wala naman siyang problema kay Nathan. Pero kasi, natatakot siyang mapalapit dito. Pinagbabasahehan niya ang kuwento ng ibang kababaihan na na-link kay Nathan. Lahat ng babaeng napalapit dito ay nauwing luhaan. Na-curious siya kaya isa-isa niyang inalam ang kuwento ng bawat isa. Mabilis daw makaakit ng babae si Nathan, maliban sa natural charm nito, malakas din ang karesma nito pagdating sa pag-uugali. He’s an ideal man that most of the girls dreams of. Pili lang daw ang taong gusto nitong kausap. Isa rin itong romantiko at malapit sa mga babae, tipong wala itong pakialam kung ang mga aksiyon nito ay nakahihikayat na ng babae. Wala itong pakialam kung may nagkakagusto ritong babae. Nagagawa nito anuman ang nasa isip nito. Kaya iisipin ng mga babae na nagugustuhan na sila ni Nathan. In the end, he just having fun investing efforts to make woman happy and comfortable. Si Rhomz pa naman ang tipo ng babae na minsan ay assuming at mabilis siyang ma-in love sa lalaking nagmamagandang-loob sa kanya. That’s why she accepted Darwin immediately kahit isang buwan pa lang siyang niligawan. Napakabait kasi sa kanya ng binata. Pero iba naman si Darwin, talagang sa simula pa lang ng panliligaw nito ay ramdam na niyang sincere ito. Ang isa pang nagpapa-ilap sa damdamin niya ay si Darwin. Umaasa pa rin siya na babalik ito. Kahit malabo na, naroon pa rin ang pag-asa niya na buhay pa ito. Itinuloy na lamang niya ang ginagawa. Inaantok na rin siya kaya minadali niya ang trabaho. PAGBALIK ni Nathan sa opisina ng daddy niya ay wala na ito roon pero may iniwan itong note. Habilin nito na kapag tapos na siyang magpamasahe ay puntahan niya ang mga naka-quarantine na tao sa isang isla sa Mactan. Matagal na niyang tinatrabaho ang mga tao sa quarantine facilities pero hindi pa rin matapus-tapos dahil huling nabigyan ng vaccine ang mga ito. Dapat mailipat na ang mga iyon sa safe houses o kaya’y mabigyan ng trabaho. Kaagad siyang nag-teleport patungo sa quarantine area. Malaya nang nakalalabas ng gusali ang mga survivor pero hanggang doon lang sa isla ang mga ito. Kalalabas lang ng order mula sa medical staff na puwede nang mai-release ang mga survivor. Puwede nang makapagtrabaho sa academy ang iba na kompleto ang identity maliban sa mga nagkaroon ng amnesia. Naabutan niya si Dr. Zyrus Clynes na pinipili ang mga survivor na puwedeng magtrabaho sa academy. Ang matitira ay siya ang magde-deploy sa mga ito para sa local job sa mga establishment na nag-o-operate na. “Hindi po ba puwede ang apat, Tito?” tanong niya kay Zyrus. “Hindi sila mabibigyan ng authority para magtrabaho sa academy dahil wala silang alaala. Kung noon ay tumatanggap tayo, ngayon ay mahigpit na ang management. This is for security purpose and privacy. Binago na namin ang system kaya hindi na basta-basta makapapasok ang outsider na hindi nai-scan ang identity sa system. Puwede silang magtrabaho sa mga local companies sa labas na under pa rin sa atin,” paliwanag nito. “Okay. Ako na ang bahala sa apat na natitira,” aniya. “Sige, maiwan na kita.” Naiwan sa kanya ang apat na survivor, isang babae at tatlong lalaki. Nabigyan na nila ng temporary name ang mga ito. Katunayan ay dumaan sa masuring rehabilitasyon ang mga ito. Isa siya sa nagtuturo sa mga ito ng mga bagay na makapagbahagi ng bagong kaalaman sa mga ito. Bibigyan niya ng trabaho ang mga ito ayos sa natural skills ng mga ito. Ang huli niyang kinausap ay ang lalaking pinangalanan niyang Brian. Sa workshop nila ay si Brian ang nakitaan niya ng skills sa pagluluto. Ito ang napupusuan niya na magtrabaho sa Harley’s resort. Kulang pa ang kitchen staff kaya ito na lang ang pinili niya. Mabilis niyang nakapalagayan ng loob si Brian, bukod sa marami silang pagkakapareho sa hobby at pag-uugali, sigurado siya na hindi nalalayo ang mga edad nila. “Handa ka na bang magtrabaho, Brian?” tanong niya sa binata, habang katabi niya itong nakaupo sa bench. “Anong trabaho?” tanong nito. “Kitchen staff sa Harley’s resort doon sa Talisay. Pag-aari ng isa sa leader ng Sangre organization ang resort kaya safe pa rin ang area. Grand opening ng resort sa Sunday kaya dapat ngayon pa lang ay madala na kita roon. Ipapakilala kita sa mga staff,” sabi niya. “Sige, okay sa akin, kaysa dito lang ako magmukmok,” sabi nito pagkuwan. “Good. Obvious naman na naiinip ka na. So, ready ka na?” Tumango ito. Pagkuwan ay tumayo sila. Isinama niya si Brian sa pag-teleport patungong Harley’s resort. Napadpad sila sa malawak na lobby ng resort. Saktong naroon si Natalia, ang asawa ni Erron, na siyang may-ari ng resort. Ipinakilala niya rito si Brian. Pagkatapos ay sinamahan niya si Brian sa magiging kuwarto nito. May bagong gawa na apartment sa likod ng hotel para sa mga empleyado. Solo ni Brian ang isang unit. Si Natalia na raw ang bahalang mag-provide ng bagong gamit para kay Brian. “Huwag kang mag-alala, libre ang pagkain dito. Meron nang naka-assign na chef dito at staff. Bukas ay babalik ako rito para i-guide ka. Madali lang naman ang trabaho rito. Mas madali kaysa sa academy,” sabi niya. Kompleto na ang gamit sa loob ng unit. “Salamat. Hindi pa ako nakapapasok sa academy. Maganda ba roon?” tanong ni Brian. “Yes, maganda. Kaso hindi ka puwedeng pumasok doon.” “Bakit?” curious na tanong nito. “Blanko kasi ang identity mo. Hindi ka matatanggap ng system ng academy. Kung ako sa ‘yo, mas okay na rito.” “Oo nga. Salamat, Nathan. Okay na ako rito.” “Sige, matulog ka na.” Pagkuwan ay iniwan na niya si Brian. Bumalik na siya sa academy at tinapos ang paperwork na pinapagawa ng daddy niya. Mukhang hindi niya matatapos ang trabaho bago mag-umaga. Gusto na niyang matulog. Ilang araw rin siyang hindi nakakatulog dahil sa magkasunod na operasyon nila sa ibang bansa. Hindi siya nakatiis. Iniwan niya ang trabaho at umuwi. Sa villa siya natulog para walang istorbo. Nagpapasalamat siya dahil nag-asawa na ang ate niya. Nasosolo na niya ang villa. KINABUKASAN. Napasarap ang tulog ni Nathan kaya nang magising siya ay sumisikat na ang araw. Kaagad siyang nagtungo sa bahay nila. Siguradong lagot siya sa daddy niya. Dapat bago sumikat ang araw ay naroon na siya sa academy. Natatarantang nagtungo siya sa kanyang kuwarto at naligo. Matagal siyang maligo pero sa pagkakataong iyon ay napakabilis niya. Nang magbibihis na siya ay uminit ang ulo niya nang wala siyang makitang underwear sa closet niya. Wala kahit isa o luma. “s**t! Kalalaba ko lang noong isang araw, ah,” inis na sabi niya. Simula noong nagbinata siya ay hindi na siya nagpapalaba ng damit sa mommy niya. Twice a week siyang naglalaba kaya imposibleng maubusan siya ng underwear. Binalot niya ng tuwalya ang ibabang katawan niya saka siya lumabas. Nagtungo siya sa kuwarto ni Nate. Wala ring ni isang underwear ang kapatid niya. Lalong nag-init ang ulo niya nang makita ang gamit niyang underwear sa lagayan ng labahan nito. “Buwisit talagang nilalang ka Nate!” sigaw niya. Malalaki ang hakbang na lumabas siya at panay ang tawag kay Nate pero ang mommy niya ang sumalubong sa kanya sa lobby. “Oh, Nathan, bakit hindi ka pa nagbibihis? Kanina pa nakaalis ang daddy mo. Malamang hinihintay ka na niya sa academy,” sabi ng kanyang ina. “Paano ako magbibihis? Wala na akong underwear?” palatak niya. “Paanong wala? Baka hindi ka naglalaba?” “Kalalaba ko lang noong isang araw. Isa pa, ang dami n’on kaya imposibleng maubos. Ginagamit ni Nate ang brief ko, nakita ko sa kuwarto niya.” “Oo nga pala, panay ang reklamo sa akin ng kapatid mo. Bakit ba nauubos ang brief niya? Tig-dalawang dosena kayo, ah,” nagtatakang sabi ni Karen. “Siya na lang ang tanungin n’yo.” “Eh, saka na natin problemahin ‘yang brief na ‘yan. Ang importante ay makaalis ka bago uminit ang ulo ng Daddy mo. Isuot mo muna pala ang brief ng Daddy mo,” pagkuwan ay sabi ni Karen. Napakamot siya ng ulo. “Ako na naman ang pagagalitan ni Daddy niyan. Palagi na lang ako,” maktol niya. “Oh, eh kaysa naman pumunta ka ng academy na walang brief. Hayaan mo na. Hindi naman bilang ng Daddy mo ang brief niya. Hintayin mo ako rito at kukuha ako ng lintik na brief na ‘yan.” Tumalima naman ang kanyang ina. Pagbalik ng mommy niya ay may dala na itong itim na brief. Mabuti magkasing katawan sila ng daddy niya kaya kasya sa kanya lahat ng damit nito. Mas malaki ang katawan ni Nate sa kanya. Kaya pala lumuluwag ang mga underwear niya. Makakanti na talaga niya ang damuho na iyon. Nang makapagbihis ay kaagad siyang nag-teleport patungong academy ngunit sa food center siya bumagsak. Kung dederetso siya sa opisina ay baka bubungad kaagad sa kanya ang matalas na tingin ng daddy niya. Humingi siya ng isang hinog na saging sa counter at iyon lang ang kinain niya. Pagkuwan ay nagmamadali siyang lumabas. Saktong paglabas niya ay hindi niya napansin ang babaeng nakaharang sa daan. Sinalakay niya ito. Natapon ang dala nitong nakagarapon na langis at nagkalat sa sahig. Dahil sa dulas ng sahig ay pareho silang nawalan ng panimbang. Mas inalala niya ang pagbagsak ng babae sa sahig kaya hinatak niya ito saka niyakap kasabay sa tuluyang pagbagsak ng likod niya sa sahig. Nahilo siya dahil sa malakas na pagkabagok ng ulo niya sa matigas na sahig. MAY ilang minuto bago nahimasmasan si Rhomz. Napakabilis ng pangyayari kaya hindi niya namalayan na bumagsak na pala siya kasama si Nathan na noon lang niya na-recognize. Yumayapos pa ang malakas nitong braso sa baywang niya habang nakadapa siya sa matigas nitong katawan. Bigla siyang kinabahan nang mapansing hindi gumagalaw ang binata. Nakapikit din ito. “N-Nathan?” untag niya. Hindi siya makakilos dahil yapos pa rin siya nito. “Please, don’t move, nahihilo ako,” sabi nito. “H-Ha? S-sandali, magtatawag ako ng tulong. Pakawalan mo muna ako,” natatarantang sabi niya. “No, it’s okay. Kailangan ko lang mai-relax ang katawan ko. Okay ka lang ba?” sabi nito habang nakapikit pa rin. “O-Oo, okay lang ako. Salamat,” balisang sagot niya. Kakaiba ang tulin ng t***k ng puso niya. Alam niya, hindi iyon basta dahil sa kaba. Mas inaalala pa ni Nathan ang kaligtasan niya kaysa sa sarili nito. Marahil ay nabagok ang ulo nito kaya ito nahihilo. Marahan siyang kumilos. Lumuwag naman ang pagkakayapos ng braso nito sa baywang niya. “Hey! Ano’ng ginagawa n’yong dalawa riyan?” tinig ng pamilyar na boses ng lalaki. Napaangat ng mukha si Rhomz. Namataan niya si Syrel na nakatayo sa uluhan nila. Nag-init ang mukha niya. Sa dami nang puwedeng makakita sa eksena nila ni Nathan ay Si Syrel pa na malakas mang-alaska. “Huwag kang tumanga riyan, tulungan mo si Nathan,” sabi niya. Tumawa pa ang hudyo. “Bakit ko siya tutulungan? Hindi ka ba niya kayang mapaligaya mag-isa? Bahala kayo riyan,” sabi nito at nilagpasan lang sila. “Hoy! Syrel, hindi ako nagbibiro! Nadulas kami at nahihilo si Nathan!” apela niya. “Sus! Nagda-drama lang ‘yan para maka-score,” sabi pa nito. Lalo siyang napikon dito. Nagpumilit na lamang siyang bumangon at inalalayang makatayo si Nathan. Mukhang hindi maganda ang lagay nito. Mabuti na lang may dumaang security personnel at tinulungan siya na madala sa clinic si Nathan. Nagtataka siya. Hybrid si Nathan, dapat malakas ang katawan nito. Hindi dapat ito basta-basta nasasaktan. Pero siyempre, may dugo pa rin itong tao at ang organs nito ay katulad din sa ordinaryong tao. Mabuti na lang hindi naman apektado ang utak nito dahil kung apektado ay malamang tuluyan itong nawalan ng malay. Naka-recover din ito makalipas ang ilang halos kalahating oras. Na-trap na tuloy siya sa clinic. Hindi na nakarating ang olive oil na dadalhin sana niya sa food center. Marami siyang stock ng olive oil na ginagamit din niya sa pagmamasahe. Saka lamang niya nai-recall ang pangyayari noong nadulas sila ni Nathan. Mabilis din kasi ang lakad niya dahil nagmamadali siya. Nagulat na lang siya nang may bumangga sa kanya. Nilapitan niya si Nathan nang makaupo na ito sa kama. Gusto muna niyang matiyak na okay na ito bago ito iiwan. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong niya. “Okay na ako. Ikaw, nasaktan ka ba?” sagot nito saka ibinalik ang tanong sa kanya. “Uh… hindi naman. Sinalo mo ako, eh,” kaswal na sabi niya. “Mas delikado kasi kung ikaw ang bumagsak. Malapit ka sa pader kaya tiyak na bago ka babagsak sa sahig ay sasaluhin ng pader ang ulo mo. It’s my fault, I’m sorry,” sabi nito at nagawa pang mag-sorry. “Hindi mo kasalanan. Aksidente ang nangyari. Naligo ka pa tuloy sa langis,” natatawang sabi niya. “Ikaw rin naman. Maligo muna tayo,” sabi nito, na nagpadumi sa utak niya. Maliligo raw kami? Ikiniling niya ang kanyang ulo para malinis ang dumi sa utak niya. “Uh… oo nga, kailangan nating maligo,” naiilang na sabi niya. “May problema ako. Wala na pala akong underwear,” seryosong sabi nito. Na-shock si Rhomz. Talagang sinabi pa nito iyon sa kanya nang harapan, ah. Naku po! Kailangan na niyang tumakas. Baka kung saan pa siya dalhin ng pag-uusap nilang iyon. “Uhm, kung okay ka na, maiwan na kita. Maliligo pa ako,” apila niya pagkuwan. Tumango lang ang binata.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD