Chapter 1

2859 Words
“GAGANDA ba ang abs mo sa ginagawa mo, Kuya?” Huminto sa paglalambitin sa sanga ng kahoy si Nathan nang biglang magsalita si Nate. Bumitiw siya sa sanga saka bumaba. Hinanap niya ito. Parang ang lapit lang nito sa pandinig niya, ah. “Hey! I’m here!” sigaw ng pilyong kapatid niya. Tumingala siya sa mas mataas na sanga na puno ng sampalok. Namataan niya itong kampanteng nakahiga sa sanga habang kumakain ng hinog na bunga ng sampalok. “Hoy! Bumaba ka riyan! Para kang unggoy. Natapos mo na ba ang pinapagawa ko sa ‘yo?” aniya. “Magpapahinga lang ako. Tatapusin ko rin ang paghuhukay, huwag kang mag-alala,” sagot nito. “Bilisan mo bago tayo maabutan ng dilim.” “Later, bro. I’m craving something sour. Naglilihi ata ako,” sabi nito. “Siraulo.” Hindi na niya ito pinansin. Binisita niya ang hinukay nitong lupa sa likod ng villa house na nakatirik pa rin sa malawak nilang lupain. Napapailing siya. Twenty years old na si Nate pero isip-bata pa rin. Binigyan niya ito ng maayos na instruction. Gagawing balon ang hukay pero ang ginawa nito ay napakaliit. Bola ng baseball lang ang magkasya sa butas. ‘Tapos nagpahinga na? Napagod na ito sa paghuhukay ng isang dangkal kalalim? Bumuntong-hininga na lamang siya. Siya na lamang ang nagpatuloy sa paghuhukay. Nakailang hukay pa lamang siya ay bigla siyang tumigil nang mamataan niya ang daddy niya na nakadungaw sa binata ng villa. Nasa bahay lang nila ito bago siya nagtungo roon. Malamang nag-teleport ito patungo roon para silipin ang trabaho nilang magkapatid. “Where’s Nate?” tanong nito. “Nagpapahinga,” mabilis niyang sagot. “Nagpapahinga? Halos wala pa kayong nagagawa. Bilisan ninyo. Kailangan may tubig nang lalabas sa butas bago dumilim. Hindi kayo puwedeng umuwi sa bahay hanggat hindi nagkakatubig ‘yan.” Tumiim-bagang siya. Kung tutuusin ay kasalan ni Nate kung bakita sila napaparusahan ng daddy nila. Naiwala ni Nate ang wedding ring ng daddy nila. Silang dalawa ang naabutan sa loob ng kuwarto ng parents nila kaya pati siya nadamay. Dapat ay tatawagin lang niya si Nate para kumain. Naabutan niya ito na kinakalkal ang drawer ng aparador ng parents nila. “Tsk! Bakit ako na lang palagi ang napapasubo?” maktol niya. “Tawagin mo ang kapatid mo, Nathan!” galit nang utos ng daddy niya. “Yes, Dad!” Tumalima naman siya. Bumalik siya sa puno ng sampalok pero wala na roon ang magaling niyang kapatid. Hindi niya masagap ang aura nito. “f**k you, Nate! Where the hell are you?” gigil na sabi niya. No choice siya kundi bumalik sa paghuhukay. Hindi siya makapagpahinga dahil nakatingin ang daddy niya. Kahit may araw ay malakas ang loob nitong mag-teleport papunta roon. Talagang mahal na mahal nito ang wedding ring nito. Well, kasalanan din nito dahil tinanggal nito sa daliri ang singsing. Malapit nang lumubog ang araw pero hindi pa lumalabas ang tubig sa hinuhukay ni Nathan. Kaunting hukay pa ay magkikita na sila ni Lucifer, pero mukhang walang tubig, baka apoy ang lalabas. Saktong kumagat ang dilim ay naramdaman na niya ang mamasa-masang lupa. Senyales iyon na malapit na niyang mahukay ang level ng tubig. Pero habang buong lakas siyang naghuhukay ay pinaplano na niya kung paano niya babalian ng buto si Nate. Hubad-baro na siya at pawisan. Dahil wala nang araw, lumabas na ng villa ang daddy niya saka siya nilapitan. Sinilip nito ang hukay. “Konti pa, anak,” sabi ni Trivor. Mahinahon na ito. Napipikon na siya. “It’s so unfair, Dad. Si Nate naman talaga ang may kasalanan pero bakit ako lang ang nagdudusa?” reklamo niya. “Ang kapatid mo ang pagbuntunan mo. Huwag ka nang magreklamo. Bilisan mo riyan. Kailangan bago sumapit ang alas-nuwebe ng gabi ay naroon na tayo sa academy,” anito. Shit! Ako na naman ang isasama niya, reklamong nai-saisip na lamang niya. Dahil kung sasabihin niya iyon nang harapan sa daddy niya ay makakatikim siya ng upper cut dito. Binilisan na lamang niya ang paghuhukay. Mabuti na lang mabilis mag-restore ng lakas ang katawan niya kaya hindi siya kaagad napapagod. Hindi rin siya basta nakararamdam ng gutom. Pero alam niya pagkatapos ng pagsasakripisyo ng katawang lupa niya ay dadamdamin niya ang pananakit ng katawan. Kailangan pa niyang uminom ng dugo bago bumalik ang buong lakas niya. May limitasyon din kasi ang pagre-restore ng katawan niya ng enerhiya. Saktong pagsapit ng alas-siyete ng gabi ay hanggang tuhod na ni Nathan ang tubig sa lupang hinuhukay niya. Nakabantay pa rin ang daddy niya. “That’s enough, son. Let’s go home,” sabi ni Trivor saka siya iniwan. Nakahinga nang maluwag si Nathan. Umahon na siya mula sa hukay saka iniligpit ang mga ginamit niya. Pagdating sa bahay nila ay kaagad siyang naligo ng maligamgam na tubig. Kailangan niyang magmadali dahil pupunta pa sila sa Academy. Pagdating sa academy ay sumunod si Nathan sa daddy niya sa nagsisilbing opisina nito. Sinasanay siya nitong gawin ang trabaho nito bilang in-charge sa mga kaso ng mga bampira. Nakapagtapos na siya sa pag-aaral sa Academy. Pero hindi pa rin nawawala ang pagnanais niya na makapag-aral sa isang normal school. Unti-unti nang naibabalik sa normal ang bansa matapos maideklara ang apocalypse. Pero mahigpit na pinagbabawalan pa ring bumalik sa kani-kanilang tahanan ang mga survivor dahil hindi pa tapos ang clearing operations. Sarado pa rin ang mga paliparan. Tanging mga alagad ng batas at tauhan ng sangre organization ang napapahintulutang magtranaho sa labas. Hindi pa rin kasi natutugis ang grupo ng black ribbon soldier at meron pang natitirang mga halimaw. Habang nire-review niya ang files ng daddy niya sa automated computer ay unti-unti niyang nararamdaman ang labis na pagod at pananakit ng kanyang katawan. Kung hindi siya iinom ng blood juice ay hindi siya lalakas muli, unless kung magpahinga siya. Nangako siya na once a week na lang siya iinom ng blood juice at na-consume na niya ang para sa isang linggo. Hindi siya puwedeng lumabag sa sarili niyang rules dahil mahihirapan na naman siyang kontrolin ang pagiging bampira niya. Ipinipilit pa rin kasi niya na maging normal na tao. “Organize the files according to date and time, son. I need the compilation of files for this year,” sabi ng daddy niya habang nakaupo ito sa katabi niyang silya. Abala rin ito sa pagtipa sa touch screen keyboard. Halos hindi na niya maikilos ang mga kamay niya. Mabilis na na-drain ang lakas niya. Gustong-gusto na niyang humiga sa massage bed pero wala silang ganoon. O ‘di kaya’y magpamasahe sa mahusay na masahesta. Hindi na niya kinaya ang panlalambot. “I’m tired, Dad. I’m sorry, I can’t do your job,” hindi natimping reklamo niya. “Uminom ka ng blood juice,” sabi nito. “No, I won’t. Masakit ang buong katawan ko,” aniya. “Magpamasahe ka na lang. Pagkatapos ay bumalik ka rito.” “Kanino ako magpapamasahe?” “Gusto mo ba kay Jeddan?” “Hindi ko gusto ang style niya sa pagmamasahe.” “Kay Rhomz na lang. Professional therapist ‘yon.” Biglang dumapo sa isip niya si Rhomz, ang babaeng nanuntok ng ari niya noong ginapos niya ito dahil nagpupumiglas. Isa si Rhomz sa na-rescue nila noon mula sa malaking ospital. Napatahan niya ito noong nasa ambulance pa lang pero pagdating sa safe house nang magkamalay ito ay bigla itong nagwala. Nang gapusin na niya ito ay pinagsusuntok siya nito hanggang aksidenteng matamaan ang p*********i niya. Simula noon ay hindi na niya nilalapitan ang babae. Siguro may isang taon na itong naroon sa academy. Pero bago ito napunta roon ay matagal itong naglagi sa safe house. Siguro nainip na kaya nagdesisyon itong lumipat doon at nagtrabaho. Pero ang sabi ni Jeddan, masarap daw magmasahe si Rhomz. “Hm, I will choose, Rhomz,” pagkuwan ay sabi niya. Mas mabuti nang magpamasahe siya kaysa tiisin ang pagtatrabaho kasama ang estrikto niyang ama. “Sige, magpamasahe ka na. Siguraduhin mong magpapamasahe ka. Tatanungin ko si Rhomz mamaya kung talagang nagpamasahe ka sa kanya,” sigurestang sabi ng kanyang ama. “Yes, Dad, I’m pretty sure. Thanks.” Tumayo na siya saka lumakad palabas. INABOT ng isang oras ang siesta ni Rhomz sa clinic. Naaliw kasi siya sa kuwentuhan nilang tatlo nina Charie at Narian. Puro kahalayan ang paksa nila. Palibhasa may mga partner na ang mga ito. Naroon sila sa lobby ng clinic at nakaupo sa couch. “Ilang taon ka na nga, Rhomz?” tanong ni Charie na nakaupo sa katapat niyang couch. “Twenty-five na ako,” sagot niya. “Nasa tamang edad ka na. Ano ba ang plano mo? Mamili ka na ng poging bampira rito na aakitin mo,” sulsol sa kanya ni Narian na nakaupo sa kanyang tabi. “Naku, Nars, huwag mong turuan si Rhomz. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa nawawalang boyfriend niya. First love niya ‘yo kaya masakit pa rin sa kanya,” ani ni Charie. “Sus! Matagal na kaya ‘yon. Huwag ka nang umasa, girl. Masasaktan ka lang lalo,” sabi ni Narian. Napalis ang ngiti niya. Sinisikap naman niyang tanggapin na wala na si Darwin pero hindi iyon kasing dali ng iniisip ng iba. Pero kahit papano ay naaliw na siya sa bagong mundo niya. Hindi na siya katulad noong unang linggo niya sa safe house na halos hindi siya nakakatulog at nakakakain dahil sa trauma. “Okay na ako, guys,” sabi niya pagkuwan. “Iyan naman pala, eh. Kapag may nanligaw sa ‘yo rito, sagutin mo kaagad. Mas maganda kung bampira o kaya half-vampire. Magkakaroon ka talaga ng forever,” sabi ni Narian. Natawa siya. Saka lang niya naisip na simula noong lumipat siya sa academy ay wala pang lalaking nagpakita ng interest sa kanya. Marami siyang nagiging close pero hanggang friendship lang, katulad ni Jeddan at Syrel. Ang dalawang iyon lang ang palagi niyang nakakausap. “Wala bang nanliligaw sa ‘yo rito, Rhomz?” tanong sa kanya ni Charie. Kumibit-balikat siya. “Wala, eh,” tugon niya. “Imposible naman. Ang ganda mo kaya,” sabad ni Narian. Napangiti siya. Sa palagay niya hindi ganda ang hanap ng mga lalaki roon sa academy. Aminado rin siya na minsan ay mataray siya at minsan naman ay boyish kaya siguro naiilang ang ibang lalaki na lapitan siya. “We can’t please guys,” sabi niya. “Naku! Kung makunat, dakmain mo ang ano! Tingnan ko lang kung hindi bibigay ang lalaking ‘yon,” pilyong sabi ni Narina. Tumawa siya. Ang totoo, naiinggit siya kay Narian. Nabihag nito ang puso ng hard to get at maipluwensiyang si Alessandro. Minsan ay naiingganyo siya na sundan ang yapak nito. Pero sino naman ang aakitin niya? Ang unang lalaki na daywalker na umagaw sa atensiyon niya ay si Nathan, ang lalaking nag-rescue rin sa kanya sa ospital. Ang problema, na-disappoint ata sa kanya ang binata matapos niyang masuntok ang p*********i nito. Hindi na siya nito muling nilapitan. Bihira na rin niya ito nakikita sa academy. And second crush niya sa mga daywalker ay si Magnus. Ang problema lang niya kay Magnus ay maharot ito at bully. Pangatlo, si Jero, kaso taken na. Nagustuhan din niya si Derek, kaso taken na rin. Naudlot ang kuwentuhan nila nang biglang pumasok si Zea, ang roommate niya at unang naging malapit na kaibigan. “Rhomz, may pasyente ka sa fitness room,” sabi nito. “Huh? Teka, mag-a-out na sana ako,” aniya. “Naghihintay na siya. Bilisan mo, kanina pa siya roon,” sabi nito saka muli ring lumabas. “Sino ba ‘yon?” tinatamad niyang sabi. Tumayo na lamang siya saka nagpaalam sa mga kasama. Iniisip ni Rhomz kung sino ang pasyente niya. Bihira siya nagkakaroon ng pasyente sa ganoong oras. Dapat ay kanina pa siya nag-out. Pero ang alam niya available si Jeddan para magmasahe. Bakit siya pa? Isa pa, ang regular lang naman niyang pasyente ay sina Charmaine at Rena. Sa lalaki naman ay si Syrel. Wala talaga siyang ideya kung sino ang pasyente niya. Pagpasok niya sa fitness room na siyang karugtong ng wellness room ay wala naman siyang makitang tao. Pero napansin niya ang hinubad na puting T-shirt at blue jeans sa ibabaw ng massage bed. Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo ay marahas siyang humarap dito. “Ay palaka!” bulalas niya nang makita niya si Nathan na siyang lumabas ng banyo. Para siyang naparalisa nang masilayan ang hubad na katawan ni Nathan. Hindi pala totally naked, may suot pa itong blue underwear kung saan bakat ang halimaw sa loob niyon. “W-what’s wrong? Am I look creepy?” kaswal nitong tanong habang nakaangat ang katamtamang kapal na mga kilay nito. Nilinis niya ang anumang nakabara sa lalamunan niya. Ang laki ng pinagbago ng katawan ni Nathan. Lalo itong lumaki at naging masculine. Hindi lang ‘yon, nagkaroon na ito ng malalaking abs na nahahati sa anim. Lumaki rin ang muscles nito sa dibdib. Ang mga braso nito at mga binti ay nagkaroon din ng nagkaparte-parteng muscles. Samantalang noong unang beses niya itong nakita na topless ay para lang itong teenager na maskulado rin pero hindi kasing kisig ng kasalukuyan. Tinubuan din ito ng bigute at balbas na alaga ng ahit. Pero ang hindi niya makalilimutan rito ay ang crystalline blue eyeballs nito. Para itong nakasuot ng contact lenses pero ayon kay Jeddan, natural ang mga mata nito. May one inches na lang ang haba ng buhok nito na dati ay nasa isang pulgada. Pakiramdam niya’y tumangkad pa ito. Dati parang tatlong pulgada lang ang tangkad nito sa kanya. Noon ay tinitingala niya ito nang husto. Tantiya niya’y nasa anim na talampakan na ang taas nito. “Are you okay?” tanong ni Nathan, na siyang pumukaw sa katinuan ni Rhomz. Kumislot siya. “Uh… y-yes, I’m fine,” balisang turan niya. “I-Ikaw ba ang magpapamasahe?” “Yap.” Pagkasabi nito niyon ay sumilip ang mumunting dimples sa magkabilang pisngi nito. Pagkuwan ay humakbang ito palapit sa kama. Inalis nito ang hinubad nitong damit doon saka ito dumapa. “Okay, let’s start. Masakit ang buong katawan ko kaya masahehin mo lahat,” demanding na sabi nito. As in lahat? Apela g malandi niyang isip. Hinugasan niya ng alcohol ang mga kamay niya. Pagkuwan ay kinuha niya ang essential oil saka pinatakan ang likod ni Nathan. Pinatakan din niya ang mga binti nito at hita. Sinimulan niyang masahehin ang noo nito. “Mag-focus ka sa katawan ko,” utos nito. Ibinaba naman niya ang kanyang mga kamay sa balikat nito. Ang titigas ng muscles nito kaya kailangan niyang gamitin ang buong lakas niya. “Hmmmmm…” umungol ito nang hagurin niya ang maskulado at malapad nitong likod. Kasisimula pa lamang nila ay pinagpapawisan na ang singit niya. Nang bumaba sa tadyang nito ang mga kamay niya ay muli itong umungol. “Hmmm… paki-diinan sa bahaging ‘yan. You can touch my butt, too,” sabi nito. Bago niya ito sinunod ay inalis muna niya ang bara sa kanyang lalamunan. Nabubuo na ang butil-butil na pawis sa noo niya. Shit! Jeddan, rescue me! Sigaw ng nahihirapan niyang isip. Bago makahalata si Nathan ay minasahe na niya ang malusog nitong pang-upo. Mabuti hindi nito naisipang alisin pati underwear nito. Hindi siya nagtagal sa pang-upo nito. Tumalon na siya sa mga binti nito. Pagkalipas ng ilang sandali na makontento si Nathan ay pumihit naman ito paharap. Nakapikit lang ito. Bumalik siya sa dibdib nito. Konti na lang ay susuko na siya. Pinatakan niya ng oil ang dibdib nito. Pagkuwan ay mariin niyang minasahe ang maskuladong dibdib nito. Umungol ito. Pagkatapos sa dibdib ay bumaba ang mga kamay niya sa puson nito. Hindi na niya minasahe ang parteng iyon. At natigilan siya nang tumapat ang mga kamay niya sa pagitan ng mga hita nito. Iyon na ‘yon, eh, ang nasuntok niya dati. Kumusta na kaya ito? “Tagalan mo ang masahe sa mga hita ko at binti,” utos ni Nathan. Kung makapag-utos ito para bang babayaran siya ng mahal. Pero sige na nga. Habang minamasahe niya ang kaliwang paa nito ay biglang umupo ang binata. Nabaling ang tingin niya rito. Nakiliti ata ito. “Kumusta ka na pala?” bigla’y tanong nito, bagay na labis niyang ikinagulat. Natigilan siya. Hindi siya kaagad nakasagot. “Uh… o-okay lang,” pagkuwan ay sagot niya. “Naka-move on ka na ba sa pagkawala ng boyfriend mo?” usisa nito. Itinuloy niya ang pagmamasahe sa paa nito. “Uhm, siguro,” walang kasiguraduhang sagot niya. “You’re not sure. Well, that’s normal. Makakapag-move on ka rin,” sabi nito saka ito muling humiga. Napangiti siya. Akala kasi niya ay nakalimutan na ni Nathan ang tungkol sa kanya. Malamang hindi pa nito nakalilimutan ang pananakit niya sa pinakamamahal nitong alaga. Unti-unti ay nagiging palagay siya habang minamasahe ang hunk niyang pasyente.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD