“Wow!” Manghang ani ng dalaga.
Malaking yacht ang nasa harap niya. May nakasulat pang Dmitri.
"S-sa’yo to?" Tanong ni Thalia.
Namulsa lamang ang binata at tinanguan siya.
"Let's go," aya ng binata at inalalayan siya nito paakyat.
"You know how to maneuver this?" Namamanghang tanong niya.
Lalo pang na-amaze ang dalaga nang paandarin ito ng binata. Na sa gitna sila ng lake kaharap ang skylights at rainbow lights ng city. Napamaang ang dalaga at napapikit nang masamyo niya ang malamig na hangin. Para siyang nililipad sa ulap.
"Ang sarap naman dito. Napaka-peaceful,” aniya.
Nginitian lamang siya ng binata at niyayang umupo sa upper deck ng yacht. Sumunod naman agad siya rito. May dala itong isang bote ng wine at dalawang goblet. Nagsalin ito at ibinigay sa kaniya.
"Whenever I feel bothered dito ako laging pumupunta,” ani ng binata.
Nakinig lamang ang dalaga. It's her job to fulfill what this man wanted except for s****l pleasures.
"Ang drama mo pala,” natatawang aniya at tiningala ang kalawakan.
"I hate dramas,” tipid na ani ng binata at sumimsim sa kopita.
"Tell me more about yourself, Thalia,” mahinang ani ng binata at lumapit sa kaniya. Bumuntong hininga ang dalaga at tiningnan siya.
"At bakit?” Natatawang tanong niya rito. He just shrugged his broad shoulders.
"Only if you don't mind," naka-kunot noong sagot nito. Napaka-hilig talagang magkunot-noo.
"Chill, ang hot mo naman masiyado,” nakangising aniya at tumingala.
"3rd year college na ako hoping makapagtapos ako sa kurso ko at makahanap ng magandang trabaho. Alam mo na para maiahon ang pamilya ko sa kahirapan. Alam mo 'yung salat na salat ka na pero kailangang magtiis kasi wala kang ibang choice kun'di ang magtiis,” ani ng dalaga at naalala na naman ang lahat ng hirap na pinagdaanan nilang mag-ina.
"Lahat ng raket kakayanin ko basta hindi lang nakabababa ng p********e at hindi imoral. Gagawin ko lahat para sa pamilya ko. Alam mo 'yung feeling na sobrang nahihirapan ka na pero wala kang magawa kasi hindi pwedeng tumigil. Pwede kang magpahinga pero hindi pwedeng laktawan?Paano mo naman malalaman ang ganito eh sa hitsura mo pa lang ang yaman-yaman mo na. Lahat yata ng gustohin mo nakukuha mo,” nakangiting ani ng dalaga at sumimsim sa wine.
"There's a lot of choices in life, Thalia but if you choose not to prosper then you won't, never in your lifetime,” mahinang ani ng binata. Natawa naman siya sa narinig.
"Alam mo kasi, Sir Trevor madaling mag-encourage sa kapwa pero kung nararamdaman mo at na sa kalagayan ka nila ang hirap. Sobrang hirap na minsan ang sarap nang huwag gumising. Iyon bang may nakaatang na responsibilidad sa iyong balikat araw-araw? Pero ‘pag nalagpasan mo naman ang paghihirap na ‘yun para kang dinuduyan sa sarap at saya lalo na ‘pag nakikita mong masaya ang mga taong pinapahalagahan at minamahal mo," nakangiting sambit ng dalaga.
Napahiga ang dalaga sa upper deck at nakangiting nakatingin sa kalawakan.
"Ang ganda ng gabi,” masayang ani ng dalaga.
She heard Trevor chuckled.
"Yes, very beautiful it is," mahinang ani nito.
Agad na nilingon ito ng dalaga at agad na nailang nang makitang nakatitig pala sa kaniya ang binata.
"Ahem," she faked a cough and looked at the sky again.
"Bakit ka pala lumapit sa agency nina, Rani? Wala ka bang girlfriend? Imposible naman kasi sa gwapo mong ‘yan?"
Pangliligaw niya sa seryosong usapan nila.
"I have a fiancee,” tipid na ani ng binata.
Parang biglang may bumara sa lalamunan ng dalaga. Ewan ba niya parang biglang sumikip ang dibdib niya at hindi siya makahinga. Parang disappointed siya sa narinig. Agad niyang kinastigo ang sarili. It's just pure work. Tsaka ngayon niya lang ito nakita at nakilala.
"So, bakit hindi siya ang kasama mo ngayon?" Pang-uusisa niya.
"She's in Russia,” tipid pa ring sagot nito.
She just nodded her head.
"Ang ganda siguro ng fiancee mo no? Ang gwapo mo eh," komento niya.
Nilingon siya ng binata at nginitian.
"You're beautiful too. Wala ka bang boyfriend?" Interesadong tanong ng binata.
"Wala, NBSB ako ‘pag namulat ka sa kahirapan at nakikita mong nahihirapan ang pamilya mo ewan ko lang kung may oras ka pang magnobyo,” nakabusangot na ani ng dalaga tsaka sumimsim sa kopita. Napapikit siya sa lasa nito. Hindi niya alam kung kailan siya masasanay sa mga pang-mayamang inumin.
"I don't think so. Even though you have all the money in the world if you have no family to lean on it's still useless,” matabang na ani ng binata.
"What do you mean? Wala ka ng pamilya?" kunot-noong tanong ng dalaga.
Hindi na nagsalita ang binata at inaya na siyang ihatid. Imbis na magreklamo ay sumunod na lamang ang dalaga. She doesn't have the rights to brag him about his life. Lahat ng oras niya ay bayad ng binata. Kasalukuyan silang nagbi-biyahe at hindi pa rin kumikibo ang binata. Ilang sandali lang ay na sa harap na sila ng apartment ni Ember. Nilingon ng dalaga ang binata na seryoso na ang aura.
"About pala kanina p-pasensiya ka na kung--"
"It's fine, and I just want to clarify some things, Ms. Ghan. What we have conversed with each other just keep it to yourself. I am your client so I presume you'll respect my privacy,” seryosong ani nito. Agad na nadismaya ang dalaga sa inakto ng binata.
"If you see me one day, just act like we didn't knew each other," seryosong ani ni Trevor.
Agad na nagngalit ang ngipin niya sa narinig. Umabot na yata sa bunbunan niya ang pagtaas ng kilay.
"Here take this. I hope this amount will help you with what you're going through," sambit ng binata.
Napabuntong hininga ang dalaga at bumaba na. Akmang magsasalita pa siya nang walang pasabing umalis na ito. Agad na pinukpok niya ang sarili nang mapansing na carried away siya sa nangyayari.
"Wag kang tatanga-tanga Thalia. He's just your one time client,” malungkot na aniya at tumalikod na.
Bumalik siya ulit sa highway at tiningnan ang kotse ng binata na unti-unting nawawala sa paningin niya.
"Bitter,” inis na aniya at naglakad na papunta sa apartment ni Ember.
Tbc
Zerenette