Kabanata Apat

2188 Words
"Oh, ba't parang nalugi ka riyan, Tali?" Nakangiting tanong ni Ember. Nagbuntong-hininga lang siya at pasalampak na napaupo sa lumang couch ng apartment ni Ember. "Remind mo sa akin always Ember na kahit anong mangyari hinding-hindi na ako babalik sa ganitong trabaho," inis na aniya at ipinatong sa mini table ang sobre. Agad naman itong kinuha ni Ember at nanlaki ang mga mata. "Grabe," manghang ani nito. Agad naman na tumaas ang kilay niya sa reaksiyon ng kaibigan. "Bakit?" Tanong niya rito. Kinuha ni Ember ang cheque at ipinakita sa kaniya. Maging siya ay napasinghap sa nakitang amount. "Five hundred thousand in just one night, seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Agad naman siyang tinampal ni Ember at nginisihan. "Mukhang pinagpala tayo ngayong gabi ah," nakangising ani nito. "Bakit? Magkano ba tip mo?" Natatawang tanong niya. "Secret," ani Ember at nginisihan siya. "Nakita ko sa magazine itong si, Trevor Dmitri. In fairness gwapo rin magkaibigan pa sila ni, Throian Devreau," manghang ani ni Ember. Medyo may kaunting alam si Tali kay Throian dahil sole owner lang naman ito ng university na pinapasukan nilang magkaibigan at sikat ito na bachelor dahil kilalang bilyonaryo. "Siya ang naging client mo?" Tanong niya kay Ember na nakangiting tumango. Halata ang kilig at saya sa mukha nito. Bumuntong-hininga siya saka kinuha ang cheque. "Hindi ko matatanggap ang ganito kalaking halaga, Ember. Kailangan kong isauli ito sa kaniya," desididong aniya. Sino ba naman kasing baliw ang magbibigay ng ganoon kalaking pera sa isang gabi lang? "Naku, day! 'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin, Tali. Tsaka barya lang 'yan sa kanila. Isa pa ayaw ng agency na may scandal tungkol sa pera. Mahigpit na ipinagbabawal ng agency na makipag-ugnayan ka pa sa client mo lalo na kung tapos na ang trabaho. Their privacy is super important. Hindi dapat sila iniistorbo sa buhay nila unless sila ang mag-e-initiate," litanya ni Ember. Tutol naman siya sa sinabi nito. Sobra-sobra naman yata ang perang natanggap niya. "P-pero," "Huwag ka nang umangal diyan, Tali. Dahil pwede kang makasuhan sa paglabag sa pinirmahang exclusive contract between you and, Mr. Dmitri," sambit ni Ember. Mas lalong tumikwas ang kilay niya sa narinig. Napabuga na lamang siya ng hangin at napapikit. "Minsan talaga mas lumalaki ang problema pag malaki ang pera tapos di naman equivalent sa nagawa mong trabaho," reklamo niya. "Alam mo ikaw, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na namo-mroblema dahil malaki ang tip ng client niya. Ayan ka na naman kasi sa prinsipyo mo eh. I'm sure satisfied naman si, Sir Trevor sa'yo," tukso sa kaniya ng kaibigan. Napa-ismid siya sa sinabi nito. Agad siyang nalungkot at nainis nang maalala ang binata. "Huwag mo na ngang banggitin ang bwesit na 'yun. Tsaka kaya lang naman ako nagrereklamo dahil baka inaakala niyang nagpapaawa ako sa kaniya. Nagsasabi lang naman ako ng totoo tungkol sa buhay ko tapos ewan ang gulo niya. Ayaw pang ngumiti. May pa act like you don't know me pang nalalaman. Akala mo naman," nangigigil na namang aniya. "Pero aminin ang gwapo niya hindi ba?" Nakangising ani ni Ember. Napairap na lamang siya at naalala na naman ang mukha nitong napaka-suplado pero manly at gwapo nga talaga. "Aanhin ang pogi kung napaka-oa naman. Ayaw daw niya ng drama sa buhay as if naman. Hindi rin naman ako interesado sa mag-aasawa na noh," pairap na aniya. Tinawanan lamang siya ng kaibigan niya. "Bakit ba kasi napakainit ng ulo mo kay, fafa Trevor? Binasted ka ba? Alam mo bang halos lahat ng babae nagkukumahog mapansin lang niya tapos ikaw? Girl haba ng buhok mo," iiling-iling na ani ni Ember. Lalo pang nasira ang hilatsa ng mukha niya. "Naku day! Kung siya na lang din kahit 'wag na. Maghahanap na lang ako ng afam 'yung mabait at hindi arogante katulad niya," defensive na aniya. Sinundot-sundot naman ni Ember ang tagiliran niya. "Talaga? Kaya ba bumalik ka pa kanina para sulyapan ulit siya?" Nakangising ani ni Ember. "Hoy! Hindi ah," tanggi niya. "Sus, napakahirap paaminin ng taong denial. Nabitag na nga kakawala pa," Ember stated. Natahimik na rin siya at naalala na naman ang bwesit na pagmumukha ng binata. ****************** 2 years later. "Tali, pakipirmahan ito kay Sir Jhon," nagmamadaling ani ng kasama niya sa trabaho. Tinanguan niya ito at kumatok muna bago pumasok sa opisina ng gwapong boss nila na si Jhon Devaughn. "Sir, pakipirmahan po ito kailangan daw po para sa meeting mamaya," nakangiting ani niya sa boss. Tumingala ito at tipid na nginitian siya. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng dalaga na may pagtatangi ito para sa kaniya. "Prepare yourself, Tali. We need to be there on time," kalmang ani nito at nginitian siya parang nag-heart naman ang mga mata niya sa paglabas ng biloy nitong nakaka-in-love. "Yes Sir," nakangiting ani niya bumalik na siya sa table niya at inayos ang dapat ayosin at mga dadalhin. Ilang minuto lang ay lumabas na sila ng opisina at pumunta sa board room. Nakaupo lamang ang boss niyang gwapo at siya naman ay na sa gilid nito. Kailangan niyang gampanan ang pagiging secretary niya. Halos 2 years na rin simula nang tanggapin siya ng J&D Co., "Wala pa po ba 'yung investor, Sir? Malapit na pong mag 10:30 may meeting pa po kayo maya-maya," ani niya sa boss niya. Nagkibit-balikat ito at nginitian siya. Napaka-hilig talagang ngumiti. "Hayaan mo na. He's a known business man and a doctor. Kaya halos kaming may mga appointment sa kaniya ang nag-a-adjust kung kailan siya darating. He has a lot of works to do and manage at the same time," pahayag nito. Tumango lamang ang dalaga. Ilang sandali lang ay may nagbukas ng board room. Pumasok ang naka-suit na matanda at may dalang white folder tsaka nag-give way. Napalunok ang dalaga nang mapag-sino ang binatang nakikita niya ngayon. "G-good morning," nakangiting bati niya sa investor at secretary na pumasok. Nakipagkamayan naman ito sa boss niya at nginitian siya nang tipid. Tila wala talaga itong naaalala. Siguro tuloyan nang kinalimutan nito ang pagkikita nila noon. Pumait ang timpla ng mood niya. Pilit niyang tinutuon ang pansin sa trabaho. "Tali," tawag pansin ng boss niya sa kaniya. "Tali," ulit nito. "H-huh?" She composed herself and smiled at Trevor's secretary, Landon who's already laughing at her expression. "Will you get us some coffee?" Nakangiting ani ni Jhon. "O-opo. Teka lang po ha," nagmamadaling aniya. At napatingin kay Trevor na kunot ang noo habang nakatingin sa kaniya. Mabilis na tumayo siya at muntikan pa siyang matapilok sa sobrang nerbiyos at kaba. Nag-peace sign muna siya bago lumabas ng room at kinatok ang sarili sa kahihiyang ginawa sa sarili. "Tatanga-tanga ka talaga Tali," kastigo niya sa sarili. Kabadong pumasok ang dalaga habang may hawak na utility tray. Mahinang kumatok siya at pumasok na sa loob. Napalunok pa siya nang makitang nakatingin nang matiim sa kaniya ang binata. Pilit na nginitian niya ito at inilagay sa tabi nito ang kape at sa boss niyang si Jhon. "So about my investment proposal," pagsisimula ni Trevor. "I've already decided, Mr. Dmitri. Thank you so much for choosing J&D. I will do my best to use this opportunity to expand my company," nakangiting ani ni Jhon at kinamayan si Trevor na kanina pa nakatingin sa dalaga. Nag-usap pa sila saglit bago napagpasiyahang magpaalam. "Tali, please accompany, Mr. Dmitri and Landon towards the lobby," nakangiting sambit ni Jhon. "H-huh?" Uutal-utal na aniya at tinuro pa ang sarili para masiguradong hindi siya dinadaya ng sariling pandinig. "I'd love that Jhon," seryosong ani ng binata pero sa kaniya lang nakatitig. "Ano kayang problema ng lalaking to?" Inis na aniya sa kaniyang isipan. Kanina pa kasi itong nakatitig sa kaniya. "Ahem, o-okay, Sir shall we?" She cleared her throat and led all the way to the elevator. Nang makapasok ang binata ay agad siyang pumasok sa loob at pumuwesto malapit sa button. Agad niyang pinindot ang first floor. "Oh God!" She exclaimed. Akmang pipindotin niya ulit ang button nang makitang hindi pa nakasakay si Landon. "Don't," pigil ng binata sa kamay niya. Hindi na rin siya kumibo pa. "I never thought that I'd see you here Ms?" Hindi nito natapos ang sasabihin. She scoffed knowing he forgot about her name. Duh! Who is she anyway? "Ms. Thalia Ghan Sir," mahinang aniya at kagat-kagat ang labi pilit inaalis ang mga tingin sa harap dahil siguradong makikita niya ang napaka-gwapong repleksiyon nito. "Right, how are you?" Malamig na tanong nito. "O-okay lang po," mahinang sagot niya at iniiwasan talagang mag-tama ang mga mata nila. "I can see that you've used my money well, no offense meant," matabang na ani ng binata. Agad siyang napapikit sa inis at hinarap ito. "Good, kailangan lang pala kitang insultohin para humarap ka," natatawang ani ng binata. Napahawak siya sa ulo niya at tinitigan ito nang maigi. "You know what? Wala kang ipinag-bago mula nang makilala kita. A self centered, egoistic lunatic scumbag," naiinis na aniya. "Kung ipinamumukha mo sa'kin ang pera mong bayad sa serbisyo ko sayo well let me tell you babayaran ko 'yun," inis na ani niya. Agad na kumunot ang noo ng binata at tiningnan siya. He smirked and touched his jaw. "So when would it be?" Tanong ng binata. "H-huh?" Parang nabibinging tanong ng dalaga. "When will you pay me?" Seryosong tanong nito. Napalunok naman siya may ipon na naman siya pero nasa three hundred thousand pa 'yun. "Uunahan kita ng two hundred fity thousand saka na ang another two hundred fifty akala mo naman," saad niya. Tsaka inirapan niya at tinalikuran ito. Nakita naman niyang nag-isang linya ang kilay ng binata. Nakapamulsa ito at nakatingin sa kaniya na parang tatagos na ang tingin nito sa katawan niya. "Anong tinitingin-tingin mo riyan? Gagong 'to. Sumbong kita sa asawa mo makikita mong gago ka," mahinang aniya sapat lang na siya lang ang makakarinig. Nagkibit balikat lamang ang binata. Ilang sandali lang ay tumunog na ang elevator hudyat na na sa lobby na sila. Binuksan niya ito at naunang lumabas. Busangot ang mukha na nakasunod kay Trevor. Lahat tuloy ng mga tao nakatingin sa kanila. Who wouldn't be? it's Trevor Adam Dmitri. The known neuro-surgeon and a multi-billionaire businessman kasama siya na busangot ang mukha. "I'm just playing with you, Thalia. I just missed you talking non-stop. I missed how your mouth moved like a machine gun," natatawang ani ng binata. Nagulat pa siya nang makita si Landon na nasa labas at nakatayo sa nakabukas na kotse ng binata. Nagulat pa siya nang makita ang logo nitong jaguar. Ang alam niya'y napaka-mahal ng kotseng iyon. Ang yaman nga talaga ng binata. Nginitian siya ni Landon. Nakatalikod ang binata sa kaniya at nakapamulsang hinarap siya nito. "And for the record, Ms. Ghan. I'm still the top bachelor in the country," anito at kinindatan siya bago ito pumasok sa loob ng kotse. Naiwan namang nakatulala ang dalaga sa narinig kani-kanina lang. Pumasok na rin sa loob si Landon at ini-start ang engine. Binuksan ni Trevor ang windshield nito at tiningnan siya. "It's nice meeting you again, Thalia. I'm glad you're still the woman I know. Well, the better one I can say and still beautiful," seryosong ani nito at umalis na. Naiwan namang nakatulala ang dalaga habang nakatingin sa papalayong kotse ng binata. Ilang minuto pa bago na dissolve sa utak niya ang pinagsasabi ni Trevor. Mabilis na kinuha niya ang cellphone sa bulsa at ginoogle ang relationship status ng binata. Nanlaki ang mata niya nang makitang cancelled na pala ang engagement nito sa kaniyang Russian fianceè. Somehow she can see herself smiling at the news. Agad niyang kinagat ang labi para di makangiti pero hindi talaga mapigilan eh. "Ano naman kung hindi natuloy akala mo naman bagay kayo ng gagobna 'yun? Ang sama-sama nga ng ugali akala mo naman," inis na pinagalitan niya ang sarili niya't nakahawak nang mahigpit sa cellphone niya papasok sa loob ng kompaniya. "Ang laki yata ng ngiti mo riyan, Tali ah. Kanina lang busangot ang mukha mo. Nagkamabutihan na ba kayo ni, Fafa Trevor?" Kumikinang ang mga matang tanong ng kaibigan niyang si Elsa. Kasamahan niya sa trabaho may dala itong milktea. Sigurado siyang nag-snacks ito sa canteen ng kompaniya. "Tumahimik ka nga riyan baka may makarinig sayo," mahinang aniya at hinila ito palayo. "Eh ano naman? Oh ano na, meron na ba? May nakasungkit na ba sa pihikan mong puso?" Mapanuksong tanong nito. Maging siya ay natawa na rin. "Never," tipid niyang ani. She rolled her eyes and left her hanging. Hindi dahil magkakilala sila noon ay pwede na ang may mamagitan sa kanila ng binata. Alam niyang hindi pwede at hindi sila bagay. Kahit saan mang aspeto ng buhay magkaiba sila. Para siyang balat ng saging at si Trevor ang laman. Kailangan siyang tanggalin. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD