Nakangiting naglalakad ang dalaga pauwi sa bahay nila. May dala siyang ube pandesal para sa ina at kapatid niya. Nang grocery na rin siya para sa pang-araw araw nila.
"Ate!" Nakangiting tawag sa kaniya ng kapatid. 2nd year college na ito taking up bachelor of elementary education.
"Thylanne, si Nanay? Saan ka pala galing?" Tanong niya rito. Naka-akbay siya sa kapatid papasok sa bahay nila.
"Na sa loob nagluluto ng ulam ito nga inutosan akong bumili ng tuyo. Akin na 'yang dala mo te."
"Ako na kayang-kaya ito ng ate ako pa." Nakangiting aniya.
"Magandang hapon nay," bati niya sa ina na busy kakahiwa ng manok agad siyang nagmano sa ina.
"Napa-aga yata ang uwi mo nak?"
"Madali kasing natapos ang trabaho nay kaya nakauwi ako ng maaga. Tsaka nakapamili na ako ng mga iilang kakailanganin natin dito sa bahay," aniya at nagsalin ng tubig sa baso.
"Nak, malaki-laki na naman ang kita natin sa tindahan 'yang sweldo mo ipunin mo muna. Baka naman kahit panty mo hindi ka na bumibili," sambit ng ina niya na naghihiwa ng mga pangsahog sa tinola.
"Nay, okay lang ako. May naitatabi na naman ho ako. Tsaka nakapag-order na ako sa Avon kaya 'wag na kayong mag-alala," nakangiting aniya. Umiling lamang ang ina niya.
"Magbihis ka na muna nak at may bisita tayo mamaya."
Agad na kumunot ang noo niya.
"Bisita? Sino nay?" Takang tanong niya.
"Sige na magbihis ka na muna. Tsaka magpaganda ka na rin ng magka-boy friend ka na."
"Nay naman eh," maktol niya at pumunta sa kwarto para magbihis.
"Sino kaya ang bisita?"
Napaisip siya. Nagbihis lamang siya ng white sleeveless na hapit sa katawan niya at pajama na yellow.
"Nay, labas muna ako ha may bibilhin lang," paalam niya sa ina. Suot niya ang tsinelas niya at pumunta sa tindahan nakita naman niya ang kapit bahay nilang si Boyong kasama ang mga sabog na kaibigan nito.
"Whitweew, ang sexy mo naman dams," nakangiting ani ni Boyong. Pinaikot niya lang ang mga mata niya at tinaasan ng kilay ang kasamahan nitong parang nakakita ng diyosa.
"Anong tinitingin tingin niyo riyan?" Anas niya. Agad na nagsibalikan naman agad ito sa pagtatagay.
"Dams regards daw itong si, Sigma," nakangising ani ni Boyong. Kitang-kita tuloy ang sungki nitong ngipin. Kamukha nito si Rene Requestas. Mabait naman si Boyong, 'yun nga lang tambay at napaka-hilig sa laklakan.
"Aling Sita, pabili nga ng lollipop bale lima at isang fudgee bar."
Nginitian lamang siya ng tindira at nilingon ang kasamahan ni Boyong.
"Ay nako! Mga hijo kung gusto niyong manligaw matuto muna kayong maging responsable. Ni wala nga kayong mga trabaho. Mag-trabaho kayo bago lalandi-landi," matigas na ani ni Aling Sita.
"Aling Sita, naman para namang wala kaming kwenta sa sinasabi niyo," ani ng kasama nitong si Tikboy.
"Ay natumbok mo rin, Tikboy. Pati ere si, Tali naku! Mas responsable pa ito kesa sa inyo ang lalaking tao walang trabaho."
Nagsi-ungotan naman agad sila at nagtawanan. Napailing na lamang si Tali. Inilagay niya ang limang lollipop sa lamesa ng mga ito.
"Salamat, Aling Sita. Oh, ayan tig-iisa kayo. Tsaka 'wag ako Boyong ha. Naku! Walang mag-aaway ha pag talaga malaman-laman kong mag-aaway kayo naku dila lang ang walang latay," aniya at tinignan ng maigi si Boyong.
"Yes dams," nakangiting ani nito. Tinanguhan niya lamang ang mga binata at naglakad na pabalik. Nagulat pa siya ng may kotseng muntik nang sumagasa sa kaniya.
"Lintek na!" Mabilis na hinubad niya ang tsinelas at ibinato sa sasakyang akala mo jaguar kung magmalaki sa daan.
"Tang ina, ang bastos mo ah!"
Mabilis na naglakad ang dalaga at gulat na napatingin sa kotse na nakaparada sa labas ng bahay nila. In fairness SUV na mukhang second hand. Pumasok naman siya sa loob at nakita ang bisita ng ina niya.
"O, anak mabuti at nandito ka na. Kilala mo si, Bernadeth--?"
"Berry, tita," pangongorek nito. Agad na tumaas ang kilay niya sa narinig.
"Oo anak si, Bernadeth Belarmino anak n, Aling Tere 'yung kasama ko sa palengke noon?"
Agad siyang napa-isip at tinitigan ang dalaga. Naupo siya sa harap nito at pinakatitigan.
"Ah! naalala ko na. Ikaw yung anak na babae ni, Aling Tere na mahilig kumuha ng tilapia sa sapa. Naku! ang laki ng pinagbago mo ah," nakangiting aniya at ngumiwi naman si Berry sa narinig.
"Akalain mo nga naman anak, noon ang itim-itim pa ng batang ito at hindi pa masiyadong matangos ang ilong tsaka kumapal na rin pala ang kilay mo, Berry. Ang laki ng ikinaganda mo," malapad ang ngiting ani ng ina niya. Maging siya ay napatawa ng patago. Nakita niya si Thylanne na nagpipigil din ng tawa.
"Iba talaga tita pag naging rich na tita eh. Tsaka, nga pala nandoon pa ang asawa ko sa loob ng kotse namin na kakabili lang kahapon actually pang apat na namin 'yang sasakyan nakikipag-usap sa mga empleyado niya. Maya-maya ay papasok na rin iyon," proud na ani nito. Medyo ibinababa pa nito ang suot na damit kaya't kitang-kita ang neckline nito. Para rin itong naalibadbaran sa bahay nila. Tingin pa nang tingin sa bawat sulok ng bahay nila at mag-iiba ang mukha. Napailing na lamang ang dalaga.
"Ang ganda ng dibdib mo, Berry silicone ba yan?" Namamanghang tanong ng ina niya. Napapikit na lamang siya dahil sa pagpipigil na 'wag matawa. Minsan talaga itong bunganga ng nanay niya di mapigilan. Pilit na ngumiti lamang ito.
"Teka nga lang muna, Berry anong gusto mong maiinom?" Tanong ng ina niya.
"Water is okay tita ah, 'yung distilled po tita meron ba? Allergy kasi ako sa water pag di distilled," aniya tumango naman ang ina niya.
"Naks! Noon naalala ko pa umiinom lang kayo sa public hose ng palengke ni, Thylanne. Ang saya siguro mabuhay na parang prinsesa ano?" natatawang ani ng ina niya at tumayo para pumunta sa kusina.
Agad naman itong sinundan ng dalaga.
"Siya ba ang bisita mo ma?" Natatawang aniya. Nagkibit balikat naman agad ang ina niya..
"Oo nak ang laki ng ipinagbago. Masaya na rin ako sa kung anong naabot niya ngayon kahit parang iba na ang tingin niya satin," natawa lamang ang dalaga at inabot sa ina ang mineral water.
"Ibigay mo na 'yan sa kaniya nak baka sakaling nauuhaw na iyon at maghahanda muna ako rito."
Tumango lamang siya at bumalik sa sala nila. May kasama na itong lalaking payat at mukhang chinese.
"Ito na yung tubig mo, Bernadeth," nakangiting aniya kinuha naman agad nito ang bottle at sinuri ng mabuti.
"Kakabili ko lang sa mall niyan kanina," aniya at nginitian ito ng pilit. Isama mo pa ang asawa nitong kanina pa nakatitig sa kaniya. Medyo naiinis na rin siya sa inaakto nito may pa dila-dila pa sa labi nito at nakatitig sa dibdib niya. Napa-irap siya at mabilis na pumasok sa loob ng kuwarto niya. Naiinis lang siya sa presensiya ng dalawang matapobre at manyak. Baka hindi siya makapagpigil at matadyakan pa niya ang mga ito.
************
"Ipinatawag ko kayong lahat to inform you that I'll be having a birthday party at Deluxe resort. Just a simple celebration and I hope you can all come," nakangiting pahayag ng binata. Agad naman na nag-ingay ang meeting room nila.
"Sana all Sir," gagad ni Elena. Natawa na lamang siya sa kaibigan.
"It's a pool party be there guys at 7 pm," ani ng binatang si Jhon bago ito umalis.
"Ano na? Punta ka ha huwag kill joy," ani ni Elena sa kaniya. Tumango lamang siya. Ilang sandali lang naman at bumalik na sila sa kani-kanilang trabaho. Mga lunch break ay bumaba siya papuntang fast food chain at kumain. Pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng kompaniya. Natapilok siya at nakitang nasira ang sandals niya.
"Agh! Ba't ngayon pa? Ang init-init pa naman," naasar na aniya habang naka-hawak sa noo niya. Mabilis na hinubad ng dalaga ang sandals niya at naka-paa na naglalakad papasok ng kompaniya. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga katrabaho niya. She doesn't care.
Mga bandang hapon ay nag handa na sila ni Elena at mag o-overnight sila sa resort. Siguradong magiging masaya ang party dahil lahat ng katrabaho niya nandoon.
"Naiinis na ako sayo, Tali ha. Patagal ng patagal mas lalo ka ring gumaganda. Ano bang sekrito girl?" Busangot na tanong ni Elena. Kasalukuyan silang sumasakay ng taxi. Agad namang natawa ang dalaga.
"Tubig lang girl tsaka ligo araw-araw," pabirong sagot niya sa kaibigan. Agad naman nitong hinampas ang kamay niya.
"Aray!"
"Gagang to, araw-araw kaya akong naliligo 'wag ka," natatawang tinignan niya lamang ang kaibigan. Ilang sandali lang ay huminto na sila.
"Wow ang ganda naman dito," aniya habang nakatingin sa malaking garden.
"'Yan kasi girl gala-gala rin kasi. Halika na ang daming fafa sa loob. Alam mo bang maraming functions sa loob? Ang daming turista at maraming businessman."
Nagmamadaling hinila siya ni Elena at nagpahila na rin siya. Papunta sila sa cottage nila at nakita ang katrabaho nila kasama si Jhon na nagkakasiyahan. Nagvi-videoke pa, agad naman silang nilapitan ni Jhon habang may malawak na ngiting naka-paskil sa mukha.
"Happy birthday Sir," sabay na bati nila ni Elena.
"Thank you, Tali and Elena," nakangiting pasasalamat nito lumabas tuloy ang napaka-gandang biloy nito.
"Ilagay ko muna 'tong mga gamit natin sa kwarto, Elena." Aniya sa kaibigan at nagpaalam muna sa boss nila. Binigyan naman na sila ng keycard kanina sa reception area. Naglalakad siya ng may mahagip ang mata niya. Mga grupo ng kalalakihan na puro naka-suot ng suit. Pulos gwapo at halatang mga mayayaman. Mabilis na iniwas niya ang tingin ng mapansing may nakatingin sa gawi niya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at pumasok sa room nila ni Elena. Napahawak siya sa puso niya nang kumabog ito ng malakas. Kilala niya ang lalaking katabi nung lumingon. Si Trevor kasi 'yun. Mabilis na huminga siya ng malalim at lumabas ng room nila.
"Fancy meeting you here, Thalia."
"s**t!"
Agad na napahawak ang dalaga sa dibdib niya at tiningnan ng masama ang binata..
"Papatayin mo ba ako sa nerbiyos ha?" Inis na aniya sa binata. Nakapamulsa lamang ito at nakangiting tiningnan siya.
"You look...furious," natatawang ani nito.
"Ang saya ba?" Inis na tanong niya sa binata. Tinaasan lamang siya ng kilay nito.
"Muntanga to. Alis diyan," inis na aniya. Nilapitan lamang siya ng binata hanggang sa ma-corner siya nito.
"My friends there caught your attention. I thought namamalik mata lang ako but then my eyes won't betray me, bella."
Agad na nangunot ang noo niya.
"Baliw ka na yata eh, baka nakalimutan mo na ang sinabi mo sa akin noon. Mr. Dmitri, I just want to let you remember that what happened between us before was purely work and if happens that we see each other again we should act like we don't know each other. Alin ba sa each other ang hindi mo maintindihan and for the record I'm, Thalia and not your kung sino mang bella na yan," aniya at inirapan ito. Akmang aalis siya ng ipinid siya ng binata sa wall. Seryoso na ang mukha nito. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso niya. Pakiramdam niya any minute ay lalabas na ito..
"I want you, Thalia," deritsang anito. Magsasalita pa sana siya nang halikan nito ang labi niya. Nanlaki ang mata niya sa nangyari at mabilis na itinulak niya ito at sinampal. Imbis na magalit ay ngumisi pa ang binata. That's her freaking first kiss.
"Now my curiousity was filled. I'm not wrong, your lips tastes sweet bella."
Parang baliw na ani nito. Naikuyom tuloy niya ang kamay niya. Namulsa ulit ang binata at nilapitan siya tsaka yumuko para bumulong.
"I can't get enough with just one kiss bella. I want it all, all of you."
"Tali, ay! Megash ano ba porn porn porn," tarantang ani ni Elena.
Mabilis na napatayo ng maayos ang dalaga at tinalikuran ang binata. Iniiwasan niyang magtama ang paningin nila.
"T-tara na."
Magsasalita pa sana si Elena nang higitin niya ito.
"Bye Mr. Dmitri," sigaw na pahabol ni Elena kaya't nilingon ito ng dalaga. Wrong move pa yata dahil nakatitig ito ng maigi sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang lakas ng t***k ng puso niyang nababaliw na yata.
"Uy bruha ano 'yung nakita ko? May relasyon kayo ni, Sir Dmitri?"
Parang di makapaniwalang tanong ni Elena nanlalaki pa ang mata nito.
"Tumahimik ka nga riyan, Elena. Na mis-interpret mo lang ang nakita mo," pagpapaliwanag niya.
"Eh kung ganon bakit namumula ang buong mukha mo?" Tukso nito. Napatigil siya at nilingon si Elena.
"Sobrang pula ba?" Tanong niya. Tumango lamang ang kaibigan at tinignan siya ng may halong panunukso.
"Tigil-tigilan mo ako, Elena ha," babala niya sa kaibigan.
"Bakit girl? Wala naman akong ginagawa," nakangiting aniya.
"Hindi ko naman ipagsasabi na nag-kiss kayo ni, Sir Dmitri eh."
Mabilis na tinakpan niya ang bibig ng dalaga at tiningnan ang paligid. May mangilan-ngilan kasing tao na naglalakad baka mali ang marinig at magising nalang siya trending na siya sa buong Pilipinas.
"Elena," inis na aniya at nauna nang maglakad.
"'To naman, oo na secret lang natin iyon," nakangiting aso na aniya at humagikhik.
"Ang gwapo niya talaga girl bagay na bagay kayo. Naku! 'pag ito nalaman ng mga supporters at fans ni, fafa Trevor baka ipa-salvage ka girl. Ang swerte mo talaga. Paano mo nauto si fafa ng ganoon?"
Parang di makapaniwalang tanong ni Elena. Mapiuputol na yata ang ugat niya sa sobrang pagtitimpi sa kaibigan.
Kahit ano yatang pag-e-explain ang gagawin niya hindi maniniwala ang kaibigan. Hinayaan niya na lamang ito basta 'wag lang magpakalat ng fake news dahil makukurot niya talaga ito ng wala sa oras.
Tbc
Zerenette