"Ayan na pala si, Tali Sir eh," nakangiting ani ni Tirso kasamahan nila sa trabaho. Agad naman silang tinukso.
"Tumigil nga kayo nakakahiya kay, Sir Jhon," Umiiling na ani ng dalaga at napangiti na rin.
"Thalia, kantahan mo naman si Sir," tukso pa ni Elena na sinang-ayunan naman agad ng mga kasama nila. Tiningnan niya si Jhon na nakangiti na rin habang nakatingin sa kaniya. Aayaw pa sana siya pero nakisali na rin ang binata. No choice tuloy siya. Nahihiyang kinuha na niya ang microphone at uminom ng isang basong beer pampatibay loob.
He said let's get out of this town
Drive out of the city away from the crowds
I thought heaven can't help me now
Nothin lasts forever
Muntik pa siyang pumiyok nang makitang tumayo ang boss nila at pinapasok si Mr. Dmitri. May kasama itong babaeng maganda at sexy. Sumunod naman ay ang kaibigan niyang si Ember at ang kilalang business magnate na si Throian Devreau. Agad siyang tumalikod at nagpatuloy sa pagkanta.
Parang sumakto pa yata ang lyrics ng kanta sa sitwasyon niya. Sobrang gwapo nga naman talaga ng binata. Nakaupo ito at naka-tingin lang nang deritso sa kaniya. Pati mga kasamahan niya parang mga naengkanto. Puno ng paghanga ang mga mukha. Nginitian siya nang malapad ni Ember kinawayan naman niya agad ito.
Nang matapos ang kanta ay agad siyang nagpasalamat. Sobrang pula na siguro ng mukha niya sa hiya kanina pa nakatitig si Trevor sa kaniya.
"Thank you," kinakabahang ani niya.
Inalalayan siya ng boss nila na makaupo at binigyan ng juice.
"Uyy, dumadamoves na si boss," tukso ni Clarisse ang HR ng kompaniya.
"Bagay na bagay pa naman, boss time na ba? Baka kasi maunahan pa kayo," kunwaring kinikilig na ani ni Elena.
Awkward na napangisi siya at kinurot si Elena. Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Ouch! Ano ka ba? Kanina pa kasi nakatitig sayo si, fafa Trevor eh," nakangisi pa ring ani ni Elena para hindi halatang nagkukurotan sila.
"Nakakahiya," parang nalulusaw na aniya. Maging ang mga katrabaho niya ay nakikisali na rin sa tuksohan. Nilingon niya si Ember kaya nakikita niya rin si Trevor na nilalandi nu'ng babaeng kasama nila. Sumenyas si Ember na mag-uusap sila kaya nag-excuse muna siya at sinundan ito palabas.
"Tali," mabilis na niyakap siya ng kaibigan niya. Na-miss niya rin ito nang sobra.
"Nagkita rin tayo sa wakas. Ang tagal din ilang years din bago ko nasilayan ang favorite bestfriend ko," mangiyak-ngiyak na aniya. Tinampal niya ito at nginisihan.
"Mun'tanga 'to ako lang naman ang bestfriend mo," naiiyak na ring aniya.
"Kasama mo pala si, Sir Throian? Ano 'yan? Totohanan na ba?" Usisa niya sa kaibigan. Bumusangot naman agad ito.
"Ewan ko sa matandang 'yan. Nakakainis napakasuplado. Ewan ko nga ba't nagtagal ako riyan eh. Anyway personal assistant niya ako kaya magkasama kami," paliwanag nito.
"Eh yung mestiza na babae sino 'yun?"
Alanganing tanong niya. Agad na tumaas ang kilay ng dalaga at nginisihan siya.
"Uy! She's not a threat kahit sea crate 'yung babaeng 'yun. Unfortunately si, Ma'am Dianne Tulavowski 'yun sister ng ex-fiancee ni Trevor mo," nakangiting aniya.
"Anong Trevor ko? Pinagsasabi mo riya," kunot ang noong sambit niya.
"Esus! Nakakaintindi ako ng German. Alam mo naman silang dalawa ni, tandang Throian puros half-German sheperd," nakangiting ani ni Ember.
"So what?" Takang tanong niya.
"Ay naku girl, matalino ka naman sana bakit ang hina mong e-catch up ang paligoy-ligoy ko?" Irap na ani nito.
"Ako'y tigil-tigilan mo na, Ember ha naiinis na ako. Tsaka walang may namamagitan samin ni, S-sir Trevor. Kung ano man ang nangyari noon trabaho lang 'yun. Bini-big deal niyo kasi masyado," inis na aniya.
"Kasi naman po big deal 'yon. You just changed someones life ya know," nanunuksong saad ng kaibigan niya.
Tumayo siya nang mabuti at tinitigan ang kaibigan.
"At sa tingin mo ako na si tatanga-tanga maniniwala sa pinagsasabi mo? Bakit niyo ba kasi ipinagpipilitan ang bwesit na pangit na lalaking 'yon sa'kin?" Inis na tanong niya.
"Mapilay man?"
Taas baba ang kilay na tanong ni Ember at may mapaglarong ngisi. Inis na hinampas na naman niya ang balikat ng kaibigan.
"Oo na gwapo na. Kahit na nakakainis nakakahiya sa tao baka akalain niya napaka-easy to get ko. Na kunwari gusto ko rin siya kahit ang totoo hindi," paliwanag niya.
"Eh ba't parang galit ka riyan?"
Ani Ember at mas lumalapad pa ang ngisi.
"Ember ano ba! Bahala ka na nga riyan," naasar na aniya at padabog na nauna nang maglakad.
"Ito naman napaka-seryoso. Oo na sorry na. Basta ako ha sinabihan na kita," pamimilit ng kaibigan niya at nagsimula na namang tuksohin siya. Sabay silang pumasok sa loob at pumait ang reaksiyon niya nang makitang nakipag-tawanan ito kay sea crate, Dianne rather.
"Ah-oh! Nagsimula na naman ang mga insensitive. Masakit girl?"
Kunwaring concern na tanong ni Ember sa kaniya. Sinamaan naman niya agad ito ng tingin.
"Kalma lang, hindi ako ang kalaban mo. I'm your bestfriend remember?"
Pa-cute na ani ni Ember at tumabi na kay Throian. She rolled her eyes at dinaanan si Trevor na nakatitig na naman sa kaniya. Agad naman siyang pinatabi ni Jhon at binigyan ng makakain.
"Salamat Sir Jhon," nakangiting aniya.
"Welcome Tali," sagot nito. Nakita na naman niya ang napaka-gandang biloy nito. Gulat na napatingin ang dalaga nang biglang nahulog ang baso. Nakatayo na si Trevor at sa tingin niya'y mas malamig pa sa yelo ang ekspresiyon nito. Nakatitig lamang ang malalamig at seryosong pares ng mga mata.
"I gotta go," anito at tumayo na rin sina Throian. Kumuha ito ng iilang libong cash at tinawag ang waiter. Sa tingin niya'y napakalaking halaga niyon.
"I'll pay for the bills. Just a treat to the celebrant," anito subalit sa kaniya naman nakatingin. Agad na yumuko ang dalaga.
"Happy Birthday, Jhon," malamig na anito at umalis na. Thalia chewed her inside cheek and looked at her co-workers.
"Grabe ang gwapo talaga no," kinikilig na ani ni Shiela.
"Maganda rin si, Ma'am Dianne bagay na bagay sila," komento ni Peter.
"Pero nakatitig kay, Thalia. Kilala mo si, Sir Trevor?" Tanong ni Clarisse.
"H-huh?"
Napalunok ang dalaga sa tanong ni Clarisse.
"H-huh? Bakit napunta sa'kin ang usapan?" Nanginginig na aniya.
"Oo nga naman tsaka nandito naman si, Sir Jhon," ani ni Elena. Awkward na napangiti ang dalaga.
"Haha oo nga. Happy birthday boss dali inom na tayong lahat," patay malisyang aniya. She winked at Elena and smiled.
******************
"Ang sakit ng ulo ko," nakapikit niyang aniya.
Ipinilig niya ang ulo niya at naghanap ng tylenol sa cabinet.
"Nay? May advil ka riyan? Wala ng tylenol eh," ngarag na aniya. Nagtaka naman siya nang hindi sumasagot ang ina niya. Mabigat ang paa na lumabas siya ng kuwarto niya. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagsino ang nakaupo kaharap ng nanay niya.
"Nak, ang gwapo naman nitong nobyo mo. Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Akala ko talaga tatandang dalaga ka na eh," ang laki ng ngising ani ng inay niya.
Seryosong tiningnan lamang siya ng binata mula ulo hanggang paa. She abruptly covered herself nang mapagtantong naka-sleeveless lang siya at walang suot na bra.
"Bastos!"
Hiyaw niya at mabilis na pumasok ng kwarto at nagbihis. Mabilis pa sa alas- kuwatrong kinuha ang maliit niyang salamin at tiningnan ang sarili. Unti-unti siyang dumaosdos pababa.
"Nakakahiya, wala ka na ngang bra sabog pa ang buhok mo may dumikit pa sa mukha dahil sa laway at may morning glory pa, tangina naman oh," inis na aniya. Tumayo siya at inayos ang sarili.
"So what? Sino ba siya sa inaakala niya? Ano nga pala ang ginagawa ng tarantadong 'yun dito?" Usal niya sa sarili.
Nagbihis siya at inayos ang sarili bago lumabas. Busangot ang mukha na tumabi siyang umupo sa inay niya.
"Anong ipinunta mo rito? Bakit mo alam ang address ko? Sino ang nagbigay?"
She folded her arms and raised a brow. Napaaray pa siya nang tampalin ng ina niya ang kaniyang braso.
"Ma!" Inis na aniya.
"Kailan ka pa natutong mambastos ng bisita? Tsaka nobyo mo 'yan alangan naman na hindi ko papasukin. Ang sama ng ugali ng batang ito. Pagpasensiyahan mo na iyan hijo. Mabait naman talaga 'to eh minsan lang talaga sumpungin," nakangiting ani ng ina niya na ikinangiti na rin ng binata.
"Ngingiti-ngiti pa, hindi ko ho siya boyprend 'nay," irap niya.
"Oh siya, mag-usap muna kayo parang may LQ kayo eh. Ayusin niyo 'yan at ng makapag-asawa ka na tanda na eh," reklamo ng inay niya at pumunta sa kusina.
"Anong ginagawa mo rito?"
Taas kilay na tanong niya. Kinuha nito ang clear envelope at ibinigay sa kaniya.
"Open it," utos nito.
Naiinis na binasa niya ito at kung may itataas pa ang kilay niya kanina pa siguro lumampas sa bunbunan.
"Legit to?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya. Trevor nodded his head. Parang nawalan ng lakas ang dalaga sa nabasa. Pinahihintulotan ng boss niyang si Jhon na maging assistant secretary siya ni Landon. Siya ang papalit kay Landon na nag-aasikaso ng ibang business ng binata sa Russia for the mean time.
"And for the record it's already 10 am. You are almost 4 hours late on your first day. Ikakaltas ko sa sweldo mo 'yun," kalmanteng ani ni Trevor.
Agad na napatayo ang dalaga.
"Be professional, Ms. Ghan and don't you ever raise your voice on me and that annoying attitude. I am still your boss," seryosong ani ng binata. Napanganga naman siya sa inasta nito.
"Close your mouth. Baka hindi ako makapagpigil," nakakalokong anito.
"I'll wait for you outside bella," simpleng ani ng binata tsaka tumayo at nakapamulsa na lumabas ng bahay nila. Tarantang pumasok siya sa kuwarto niya at mabilis na naligo. Sinuot niya ang uniform niya sa kompaniya at may hawak pa na suklay palabas ng bahay nila.
"Nay, alis na ako. Doon na lang ako kakain sa cafeteria," sigaw niya at isinuot ang kaniyang stilleto.
Nagmamadaling sinuklay niya ang buhok niyang basa pa ng konti. Pero di naman nakakabasa ng damit.
"Get in," ani ng isang baritonong boses. Mabilis na umupo siya sa backseat at inayos ang pagkaka-buttones ng damit.
"And now you're making me your driver how lucky of you. Dito ka umupo sa tabi ko," seryosong ani ng binata. Napairap pa siya at lumabas tsaka tumabi sa binata. Nagd-drive ito at iba na naman ang timpla ng mood. Sobrang tahimik at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Tumigil sila sa isang napakalaking building at may nakasulat na Dmitri Empire. Mabilis na tumayo sa gilid ng kotse ang valet at binuksan ang pinto ng sasakyan. Napanganga na lamang ang dalaga sa nasaksihan. Lumabas ang binata at ibinigay ang susi nito sa lalaking nakaitim na amerikana.
"Hindi ka pa ba lalabas diyan?"
Kunot noong tanong ng binata. Mabilis na lumabas siya at sumunod dito. Pagkapasok nila ay binati sila ng guard at lahat ng empleyado sa lobby ay yumuko at binati ang binata.
"Good morning, Sir," they greeted him.
Iginala niya ang mga mata sa lobby. Sobrang gara ng designs. Sinundan niya lang ang binata sa paglalakad at huminto ito sa isang black colored lift. Nilingon siya nito habang nakapamulsa.
"Bakit?" Takang tanong niya.
"Press that red button. And don't give me that look, Ms. Ghan I still have a lot of work to do," malamig na anito tila nauubosan na ng pasensiya sa kaniya. Mabilis pa sa alas kwatrong pinindot niya ito. Nauna siyang pumasok at hinintay ito sa loob. Napailing na lamang ang binata.
"Don't you think you should always pay attention to your boss?"
Nakapamulsa pa ring anito at nakatingin sa repleksiyon niya. Nahiya tuloy siya.
"S-sorry Sir. I'll take my job seriously. Naninibago pa lang ho kasi ako," sambit niya at iniiwas ang mata sa harap ng elevator.
Tumango lamang ang binata. Nang makalabas ay sinundan niya ito.
"This will be your office," ani ng binata. Na sa labas ito ng opisina niya pero tinted ang loob. Hindi siya nakikita ng dalaga sa loob pero siya kitang-kita niya ang lahat nang gagawin ng dalaga.
"O-okay sir," maikling sagot niya.
"May intercom diyan. You can use it to connect with me. I hate noises. As long as possible ayoko na basta-basta na lang may papasok sa office ko unless I gave you the authority to do so, understand?"
Seryosong ani ng binata. Agad naman siyang tumango bilang pagsang-ayon. Nagulat pa siya nang ayusin nito ang buhok niya.
"Relax bella," anito at pumasok na sa loob ng opisina niya. Naiwan namang parang nauupos na kandila ang dalaga. Napaupo siya sa swivel chair niya at huminga nang malalim.
Tbc
Zerenette