Nagdadalawang-isip ang dalaga kung pipindotin ba niya ang intercom o ano. Nagugutom na siya sumasakit pa ang ulo niya. Nilingon niya ang opisina ng binata. Wala siyang makita kahit na anino nito.
"Hndi ko na yata kaya 'to eh," aniya sa sarili.
Mabilis na tumayo siya at naglakad papunta sa elevator.
"And where do you think you're going?" Taas ang kilay na tanong ng binata habang nakatayo sa b****a ng pintoan.
Nakapamulsa ang binata habang nakatingin sa dalaga na naghihintay na magbukas ang elevator.
"Eh, hihi ano kasi eh nagugutom na ako masakit pa ang ulo ko. Kailangan ko na talagang kumain hindi ako nagiging productive 'pag walang kain. Kaya 'wag mo na akong pigilan okay?" Aniya, she can see how Trevor's face flaunted a concern emotion. Nilapitan siya nito at pumunta sa mini pantry ng opisina. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.
"Chef Jon, I need the usual right now. Please take some advil with you," anito at ibinaba ang cellphone tsaka umupo ito sa tapat niya.
"You didn't eat breakfast and you didn't bother telling me? For petes sake, Thalia it's nearly lunch time," singhal ng boss niya sa kaniya. Agad na tumikwas ang kilay niya pataas.
"Eh sino ba kasi ang pumunta sa bahay at nambulabog nang maaga?"
Inis na sagot niya. Tinaasan lang siya ng kilay ng binata at nag-exhale.
"So it's my fault?" Tanong ng binata.
"Mismo, puyat pa ako sa birthday ni, boss Jhon. Kaninang 6 am lang kami nakauwi tapos ang aga-aga mong pumunta sa bahay," litanya niya. Trevor hissed at her. Ang sama na nang tingin nito sa kaniya kaya napaatras siya.
"Then you shouldn't stayed late at night. You should've gone home," seryosong ani nito.
"Ewan ko sa'yo tsaka ano namang pakialam mo, buhay ko 'to okay?" Pairap na sagot niya.
"Ahem," someone faked a cough. Agad namang nahiya ang dalaga nang mapagtantong may lalaking nakatayo at may dalang trolley. Lahat puno ng pagkain. Natakam naman agad siya nang makita ang laman. Parang steak lang ang alam niya the rest wala na. Ang gaganda ng mga garnish. Edible lahat siguradong simut sarap iyon mamaya. Biglang nagkatinginan silang lahat noong tumunog ang tiyan niya.
"Mr. Dmitri good morning," bati nito sa binata. Tinanguan lamang ito ng binata at hinayaang ilagay ang mga pagkain sa lamesa. She plucked her lips and bit it. Naglalaway na talaga siya. Hindi pa man natapos ay kumuha na siya ng pagkain at sinimulang lantakan ang mga nailagay niya sa plato. Napapikit pa siya sa sarap.
"Hmmm, ang sarap," nakangiting aniya napapikit siya sa sarap nang magsimulang nguyain ang pagkaing sinubo. Trevor stared at her and got stunned. He can feel his crotch hardened. Thalia has this effect on him.
Agad na natigilan ang dalaga nang makitang hindi kumakain ang binata.
"Hindi ka kakain?" Tanong niya habang ngumunguya.
Parang nahiya tuloy siya sa inakto.
"Eat," tipid na ani ni Trevor. Nagkibit-balikat lamang ang dalaga at nagpatuloy sa pagkain. Didn't mind Trevors lustful stares and amazement.
"Burrrpp," nanlalaki ang mga matang mabilis na tinakpan ng dalaga ang bibig at naiilang na nag-peace sign sa binata.
"Sary," mahinang aniya. Trevor just smirked and wiped his lips.
"Take your medicine," ani ng binata na agad din naman niyang sinunod. Ininom naman niya ito dahil parang mag-uunahang magsilabasan ang ugat niya sa noo.
"Feeling good?" Tanong nito. Umoo naman siya.
"Good, now come on and be productive," tumayo ang binata at sinundan naman niya ito. Muntik pa siyang mapatid nang huminto ito sa paglalakad buti na lamang at nahawakan ang beywang niya.
"Careful woman," kunot ang noong ani nito nakahawak pa rin sa beywang niya.
"Magtitigan na lamang ba tayo?" Mahinang aniya. Agad na binitawan siya ng binata kaya't muntik na naman siyang matumba.
"You're heavy," reklamo nito tsaka tumalikod. She just tsked and composed her self.
"Follow me inside,"seryosong ani nito. Napalunok ang dalaga ng may mapansin..
"Oh God! Baka may balak sa'king masama itong damuhong 'to kaya ako nilibre ng pagkain."
"Ahm, 'y-yung pagkain sir babayaran ko 'yun ha," nag-aalinlangang aniya.
"No need, I just need you to do something for me. Just a little favor," mapaglarong ani ng binata. Ramdam niya ang kilabot at kembot sa katawan niya. Agad naman siyang kinabahan sa klase nang tingin nito.
"Nervous?" tanong nito habang pinapasadahan nang tingin ang katawan niya.
"H-hindi no as iof naman," deny niy
a. Pumasok sila sa loob ng opisina ng binata. Napanganga siya sa ganda ng interior design. Minimal ang gamit pero halatang lahat pinagkakagastuhan talaga.
"Wow!" manghang aniya habang ini-scan ang paligid.
"Like it?" nakangiting tanong ng binata. Lumapit ito sa kaniya kaya napahakbang siya paatras.
"H-hoy," mahinang aniya ng biglang itinukod ng binata ang braso nito sa lamesa na kinasasandalan niya.
"A-anong ginagawa mo?" tarantang aniya. Natawa ang binata at kinuha ang wallet niya sa likod ng dalaga.
"I need my wallet," ani nito at ipinakita sa kaniya. Nahihiyang napatayo ng maayos ang dalaga.
"What's on your mind mì bella? You think I'll kiss you don't you?" nakangising tanong nito.
"H-hindi ah, muntanga to in your dreams," aniya at inirapan ang binata.
"Well, since you have eaten already. Get that files and set them by date. I need the compilation later before five pm."
Nanlumo ang dalaga nang makita ang sobra isang libo yata na papeles na naka- compile sa ibabaw ng lamesa.
"Seryoso?" parang di makapaniwalang tanong niya.
"Why?" takang tanong ng binata.
Pekeng nginitian niya ito at alanganing umiling. Mabuti pa doon kay sir Jhon niya kaunti lang ang task everyday. Dito kasi sa binata baka makuba na siya kauupo.
"W-wala na,man sige sisimulan ko na," kunwaring masaya na aniya.
Nakangiwing kinuha niya ito at dinala sa labas ng opisina ng binata. Nakatatlong balik pa siya. Nakapameywang na tiningnan ng dalaga ang mga files.
"Kayanin mo girl no choice ka," aniya sa sarili at huminga ng malalim.
Nakaupo lamang sa swivel chair niya ang binata at nakangiting tinitingnan ang dalaga na kanina pa humihikab at humihinga ng malalim. Nakikita pa niya ito paminsan-minsan na umaamba nang suntok at umiirap-irap sa salamin. Akala siguro nito hindi niya nakikita. Napapailing na lamang siya.
"Thalia, I don't know why I feel so at ease when I am with you," aniya habang nakatingin sa likod ng dalaga.
Napangisi nang malaki ang dalaga nang ma
-sort out niya ang mga files mga bandang alas-kuwatro. Tumayo siya at kumatok sa pinto ng office ng boss niya. Tinawagan na niya ito kanina para malamang tapos na siya. Dala-dala ang mga files ay pumasok na siya sa loob.
"Wala ang hinayupak," mahinang aniya.
"HIndi naman iyon lumabas simula ng lunch ah," takang aniya.
"Looking for me?"
"Anak ng!" Malakas na sambit niya sa pagkabigla. Na sa likod niya ang binata nakapamulsa at sa isang kamay ay may hawak na mug.
Mabilis na nabitawan ng dalaga ang hawak na files kaya hayon at nagkalat na sa sahig. Nawawalang pag-asa na nakatingin lamang siya sa mga files. Nasapo niya ang noo niya at tiningnan ng masama ang binata.
"Diyos ko naman Sir, boss, amo huwag niyo naman akong gulatin ng ganoon, paano na 'to?" Naiiyak na aniya habang nakatingin sa mga papel at inisa-isang pinulot.
"Let it be," tipid na ani ng binata tsaka may kinuhang post it note. Tiningnan niya ang rolex niyang relo at ibinaling sa dalaga ang atensiyon. Tumayo siya at tinulongan ang dalaga sa pagkuha ng mga files. Nang makuha lahat ay huminga siya ng malalim.
"HIndi ba kailangan mo 'to?" Tanong ng dalaga. Tumango lamang ang binata. kInuha nito ang post it note at ibinigay sa kaniya.
"Bring that files on my house I'll instruct my personal driver to fetch you. That's my security password," sambit ng binata at nagmamadaling lumabas ng opisina nito.
"Teka lang," pigil niya sa binata pero ayun na nawala na sa paningin niya. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang glass window ng binata. Kitang-kita siya sa labas. Nahihilo yata siya. Ilang beses pa naman niyang, dinilaan, nag-f**k you sign at inambahan nang suntok ang boss niya.
"Oh Diyos ko!" Napa-upo siya sa mini couch at inayos ang sarili. Siguradong saksi lahat ang boss niya sa kalokohan niya kanina.
"First day mo day tapos iyon ang ginawa mo?" Namomroblemang aniya. Napatingin siya sa hawak na papel at napangiwi.
"I'm handsome," basa niya tsaka natawa.
"Ang kapal ng apog mo boss," nakangiting aniya at natigilan nang maalala ang pinangagawa niya.
"Mas makapal pala mukha ko," nanlulumong aniya. Mabilis na inayos niya ang opisina ng boss niya at sakto rin dahil uwian na nila. Naglalakad siya palabas nang tawagin siya ni Landon.
"Uy," aniya rito. Ngumiti ito ng tipid at ilang saglit lang ay may kotse na huminto sa harap nila. Binuksan ito ni Landon at pinapasok siya. Itinuro niya ang sarili niya at tumango naman agad si Landon. Agad naman siyang pumasok mabigat na rin kasi ang dala niyang plastic na may lamang papeles. Ilang saglit lang ay nagsimula na silang bumiyahe. Tatawagan na lamang niya ang inay niya mamaya na baka gabihin siya. Ilang minuto pa at huminto na ang sasakyan. Bumaba na siya at napanganga sa nakikita. Isang napakalaking kulay black and white na two-story house. Ang taas ng gate. May nakita siyang parang maliit na monitor sa gate sa labas ng bahay ng binata. Hindi niya rin alam kung paano gamitin iyon. Nilapitan niya ito at may camera pa.
"Wow!" Manghang aniya at ngumiti pa sa camera.
"Your image is recorded, please provide your password,"
Kaagad na napa-atras ang dalaga at nanlalaki ang mga matang napatingin sa monitor.
"Ang high tech naman nito," manghang sambit niya. Ang problema na naman niya ay kung paano i-type ang password. Ngumiti siya sa harap ng monitor 'yung pang- beauty queen talaga.
"I'm handsome," sambit niya pero parang walang nangyari. Lumayo siya kaunti at nag-pose na parang si Willie Revillame.
"I'm handsome," sambit niya ulit pero ganoon pa rin walang nangyayari. Nayayamot na nilapitan ito ng dalaga at hinanap kung may keypad or keyboard pero wala talaga.
"Lintek na pinahihirapan talaga ako ng damuhong iyon," inis na inis na aniya. Buti na lamang at walang tao sa labas baka akalain ng mga kapit-bahay ni Trevor ay akyat bahay siya.
"Last nalang talaga kapag ikaw hindi gumana uuwi na lang ako sa bahay," nawawalang pasensiyang aniya. Lumapit siya sa monitor at itinali ang buhok nagsalita na parang lalaki.
"I'm handsome," nakangiting aniya.
"You're being notified to the owner, intruder alert,"
Napakamot ang dalaga sa ulo niya at sinampal ng mahina ang monitor tsaka ito gumalaw. Nakita niyang nagsilabasan na ang options.
"Gaga, bakit hindi ko naisip na touch screen ito?" Frustrated na aniya tsaka naisip ang pinangagawa kanina. Lumingon siya kahit saan wala naman sigurong nakakita sa katangahan niya. Natuod siya nang makitang may lalaking naka-sweat pants at walang suot na t-shirt kitang-kita ang abs habang nakatingin sa kaniya. Gumagalaw-galaw pa ang balikat nito ibig sabihin tumatawa ito kanina pa. Na sa katabing bahay ito ng binata at nakapamulsang nakatingin lang sa kaniya. Mabilis na itinipa niya ang password at namumulang pumasok sa loob.
"Ano bang katangahan to oh," hiyang-hiya na aniya. Napalingon siya sa loob ng bahay at napanganga. Limang iba't-ibang klaseng sasakyan. Puro glass ang harap ng bahay. Hindi naman niya ugaling pumasok sa loob ng bahay na hindi kaniya. Hihintayin na lamang niya ang binata. Na sa gilid ang pool area kaya doon niya piniling umupo may mga upoan naman tsaka hindi na mainit. Natutukso siyang humiga kaya humiga siya at nilamon ng antok.
Nakapikit ang mga matang bumangon ang dalaga at napahikab. unti-unti niyang iminulat ang mga mata at mabilis na napatayo. HIndi pamilyar sa kaniya ang kuwarto. Napatingin siya sa gilid nang makita si Trevor nakasuot ito ng sweat pants at walang damit. Basa ang buhok at may hawak itong towel na nasa ibabaw ng ulo nito. Napalunok ang dalaga sa nakita at itinuon ang tingin sa ibang direksiyon. Maingat na bumaba siya ng kama ng binata at iniiwasang mapatingin sa binata. May kinuha itong paper bag at ibinigay sa kaniya.
"You can change your clothes, I'll be in the kitchen. Please hurry you'll cook our dinner," tipid a ani ng binata at tumalikod.
"T-teka," pigil niya rito. Lumingon ito at tiningnan siya.
"What?"
"H-hindi ka ba magsusuot ng damit?" Naiilang na aniya. Napalunok pa siya sa klase nang tingin nito sa kaniya.
"Hindi, any problem?" Striktong ani nito.
"Ay siyempre Sir wala kahit nga huwag ka ng mag sweat pants eh," nakangiting aniya at nasapo ang bibig. Kahit kailan talaga pahamak ang bibig niya. A playful smiled appeared on Trevor's lips.
"Really?" Taas ang kilay na tanong niya.
nakagat ng dalaga ang labi niya at ngali-ngaling pumasok sa loob ng banyo. Tiningnan niya ang sariling repleksiyon at sinampal ang sarili.
"Hanggang kailan mo ipapahiya ang sarili mo, Thalia? Gamitin mo utak mo hindi iyong naliliyo ka kapag nakakakita ka ng abs ng ugok na iyon okay? Boss mo siya huwag mong pagnasahan," pangungumbinsi niya sa sarili. Kinuha niya ang brown bag at in fairness black na jogging pants at white sando ang laman. Mabilis na nagbihis siya at lumabas na.
Tbc
zerenette