Bumaba ang dalaga at nakita niya ang boss niyang nakaupo sa dining table nito at may kinakalikot sa laptop. "Cook anything as long as it's not poisonous," utos nito. Napairap siya sa binata. "Lutoan pa kita puro betchin," mahinang bulong niya. "Saying something?" Tanong nito. Nilingon niya ito at nginisihan. "Wala po boss," sagot niya at nagsimula nang kalkalin ang refrigerator ng binata. Puro mineral water at canned beer lang ang laman. Nakahawak sa beywang na nilingon niya ito. "Sigurado ka bang paglulutoin mo ako?" Inis na tanong ng dalaga. Tumango ang binata subalit hindi naman nakatingin sa kaniya tutok ito sa laptop. "Anong gusto mong lutoin ko adobong beer at sinigang na tubig?" Tanong niya sa binata. Tiningala siya nito at itinuro ang cup board. "Tingnan mo roon, par

