Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang makarating na sila. Bumaba sila ng sasakyan at kaagad na napangiti si Tali nang makita ang farm. Nauna na ang tour guide kasama si Landon. Pumasok sila sa isang bahay na gawa sa kahoy at winelcome ng may-ari. Sinabi nitong puwede silang pumunta kahit saan dahil safe naman ang place. Ipinakita lamang ng tour guide ang mga kailangan nilang dalhin at gamitin sa pangingisda. "Mukhang magkatotoo na nga ang pamimingwit namin ng hito ah." Iiling-iling na sambit ng dalaga habang nakatingin sa hawak niyang fishing rod. "Pakidala, Thalia," ani ni Liliana sa kaniya. Nakangiting kinuha naman niya ito. "Ako na," ani ng binata at kinuha ang hawak ng dalaga. Aalma pa sana siya nang naglakad na ang binata. Napatingin na lamang siya sa likod ng binata na papalayo

