"H-hindi ko po alam ang sasabihin," ani ng dalaga at tumalikod. Narinig niya pang bumuntonghinga ang binata. "Hindi kita minamadali, Thalia. I'm just letting you know," sagot ng binata at naglakad palapit sa kaniya. Napalunok ang dalaga nang maramdaman ang presensiya nito sa likod niya. She can feel his breathe on her nape at tila ba'y kinikiliti siya. "Good night, bella," ani nito sa mababang boses at naglakad na. Narinig pa niya ang mahinang pagbagsak ng pinto. Nanatili siyang nakatayo at hindi makakilos. Hindi makapaniwala sa sinabi ng boss niya. Maraming what if's at mga katanungan na hindi niya masagot. Paano si Liliana? Ano 'yong nangyari kanina? Ginulo niya ang buhok niya at dumeritso sa kama niya tsaka dumapa. Kailangan niyang matulog. Alam niya sa sarili niyang kinikilig siya

