Umupo ang boss niya katabi ng boss ni Ember. Ngayon ay dalawa na silang nakayuko at parehang hindi makatingin sa mga boss nila. "You texted me that you were on a restaurant. When did a restaurant became a bar woman?" Malamig na tanong ni Throian kay Ember. "I know right?" kinakabahang sagot ng kaibigan niya. Kaagad na napataas ang kilay ng boss nito. "What did you just say?" singhal nito. "I-I mean I know that you will be mad. So I became a liar for an hour," sagot ng kaibigan niya. Kaagad na natawa siya sa sagot nito. "Is it funny?" tanong ng boss niya. Napalunok siya at inayos ang sarili. "You went there and wore something revealing," ani ng boss niya. "You made us worried!" Singhal ni Throian. "We texted you at the same time and I saw your reply so I thought you're fine.

