Krysta “Krysta! Krysta!” Gising sa akin ni Linda sabay yugyog sa akin para madali akong magising. Kumurap-kurap ako at nag-inat pa sabay hikab na siya namang takip ni Linda sa aking bibig. “Krysta mamaya makita ka ni boss diyan sa ginagawa mo,” sita niya sa akin. Agad ko namang isinara ang aking bibig dahil saka ko lang naalala na nandito nga pala ako sa kompanya ni Xander. “Sorry nawala sa isip ko.” “Hala girl may chika ako sa iyo at sigurado akong magugustuhan mo itong malalaman mo?” tili niya ng mahina. “Alam mo ba kanina nung paglabas ko ng elevator ay naabutan ko si boss na nakatitig sa iyo habang natutulog ka. Hindi nga yata niya napansin na nandito na ako pero grabe girl ang tagal ka niyang titigan kanina.” Halos lumaki naman ang aking tingin sa kanya at hindi makapaniwala sa k

