Chapter 7

1434 Words
Xander Halos murahin ko ang taong tumatawa ngayon sa paanan ng aking kama dahil binulabog niya ang aking pagtulog. Agad akong napabalikwas at binato siya ng unan na agad namang tumama sa kanyang mukha. “Ga*o ka talaga! Bwisit ka! Ano’ng ginagawa mo rito ng sobrang aga at naninira ka ng tulog?” singhal ko sa kaibigan kong si Keith na ngayon ay halos sumasakit ang kanyang tyan sa katatawa. “Dude, parang hindi ka na nasanay sa akin. I always do that to you remember?” Tumatawa pa rin siya. Naiinis akong tumayo at dumiretso sa aking banyo para magmumog. “Geez, dude kadiri ka talaga,” sabi ni Keith habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang mga mata. “Hanggang ngayon natutulog ka pa rin ng nakahubad? Why do you that? You are disgusting.” Ngumisi ako sabay ipinakita ko sa kanya ang aking gitnang daliri. “You were the one who barged in my house so deal with it, asshole.” Lumabas siya sa aking kwarto at hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Nasanay na akong natutulog ng hubad dahil mas komportable ako kaysa naman sa nakadamit ako pero pakiramdam ko naman ay nasasakal ako. I took a shower and changed into my suit before I went downstairs wherein I saw Keith eating some bread that I think he found on my counter table. I drank some water when Keith asked me some question. “How are you dude?” seryosong tanong nito at ininom ko muna iyong tubig bago ako humarap sa kanya at kumagat ng carrot. “If you are asking if how am I then I’m good until recently.” Kumunot ang kanyang noo at nagtatakang napatingin sa akin. “What do you mean?” Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “I am still receiving those threats dude. Before they were just normal letters to me, but just recently I’ve been receiving them everyday.” Halos hilotin ko ang aking noo sa nangyayari sa akin. “Tapos sabay aalis na iyong sekretarya ko at iyong bagong papalit ay isang maarteng babae.” “Is she beautiful?” Nakita kong kumikinang ang kanyang mga mata nang tinanong niya iyon. “Iyan! Diyan ka magaling tado ka!” Tumawa naman siya sa aking sinabi. Sabay na kaming lumabas ng aking bahay at ang kumag na ito ay sumabay sa akin at sinasabi niya na nag-aalala siya para sa akin. He just wants to see the woman I was talking about. Keith and I are like brothers. We share everything about each other, and I really don’t know how we became close, but in our group of friends we are considered as the twins of the group. Not because we look alike or something, but we do everything, we think alike, women always notices us, and we have the same likes and dislikes. Ang tanging pagkakaiba lang namin ay mas marami na siyang naging girlfriend at halos kaliwa’t kanan pa ito, samantalang ako ay stick to one lang pero piling-pili. Kaya naman inis na inis ako sa bago kong sekretarya ngayon dahil palagi siyang nagpapapansin at kung minsan ay natutulala pa na para siyang na-i-starstruck. Pagpasok pa lang namin sa entrada ng gusali ay nagpapakitang-gilas na ang kumag na ito sa mga babae na nakikita niya pa lang sa Information ng aking kompanya. Ito namang mga babaeng ito ay halos kiligin at nagpapa-cute pa. Binatukan ko siya at sinabing sumunod na lang siya sa akin. “Ang cold mo dude. Makukuha ko na iyong number nila e.” Inikotan ko siya ng aking mga mata pagpasok namin sa elevator. Hindi ko na lang siya pinansin at nauna na akong lumabas ng elevator. Agad naman akong binati ng dalawa kong sekretarya at iniwasan ko agad si Krysta dahil tuwing nakikita niya ako ay parang kumikinang ang mga mata niya. Pagpasok ko sa aking opisina ay nakangising nakatingin sa akin si Keith sabay umiiling. “What the hell are you smiling about?” Sabay alis ng aking coat at umupo sa harapan ng aking lamesa. “Dude, that’s your secretary over there, the one with the reddish hair? She’s hot.” Di ko pa rin siya pinansin. “I can see the way she looks at you.” “I know and it bothers me. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa mga babaeng papansin.” “Para kang bakla bro.” Binato ko siya ng unan at umiwas naman siya. “Advice lang dude hindi lahat ng babae pera o kagwapuhan mo lang ang gusto. Iyong iba sa kanila bro talagang mahal ka at rineresperto ka. Give it a shot.” “I still don’t like her.” Huminga siya ng malalim at tumayo, “Bahala ka na bro. She respects you as her boss. You should think about it.” Nanatili akong tahimik at binalik ko ang aking tingin sa aking ginagawa. Nagpaalam siyang aalis na at napatingin ako sa pintong linabasan niya. Kahit ano’ng sabihin niya hinding-hindi ko siya papatulan. I just finished eating my lunch outside. Pagdating ko sa aking opisina ay naabutan kong nakatulog si Krysta sa kanyang lamesa. Ang kanyang ulo ay nakapatong sa kanyang mga braso at mahimbing siyang natutulog. Hindi ba siya kumain ng pananghalian? Pinagmasdan ko siya at napansin ko na ang kinis ng kutis niya. She has cute lips and nose. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya. Natauhan ako nang tumunog ang elevator at nakita kong nakatayo roon si Linda at parang nahihiya pa siyang napatingin sa akin. I cleared my throat and confronted Linda. “Linda, please tell Krysta to come to my office after lunch.” Tumango naman ng paulit-ulit si Linda bago ako pumasok sa aking opisina. “Y-Yes, sir,” rinig kong sagot niya. Napaupo ako sa aking swivel chair at hindi maalis sa aking utak ang natutulog na mukha ni Krysta. Why the hell am I thinking about her? Napatingin ako sa orasan ng ilang beses at nakita kong wala pang ala-una. I tried concentrating on my work, but I can’t take my eyes off on the clock. Ano ba’ng hinihintay ko oras na mag-ala-una? Napailing na lang ako sa aking sarili at napasandal sa aking upuan habang hinihintay ang ala-una. Nagising ako sa katok na galing sa aking opisina at pagtingin ko sa orasan ay alas-dos na ng hapon at higit isang oras din pala akong nakaidlip. Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha at sinabing pumasok na iyong kumakatok. Sumilip si Krysta at nagtaka ako kung bakit siya nandito. “What do you need Ms. Mejia?” tanong ko sa kanya. “Ahm, sabi po kasi ni Linda na pumunta raw ako sa inyo pagkatapos ng lunchtime?” sagot niya at napagtanto ko na binilin ko nga pala iyon kay Linda kanina. Inayos ko ang aking upo at sinabi kong maupo na muna siya. Kinakabahan siyang umupo sa upuan na nasa harapan ng aking lamesa. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya at pilit niyang iniiwas ang kanyang tingin sa akin na aking ipinagtaka. Dati-rati ay halos natutulala siya sa akin ngayon ay iniiwas niya ang kanyang tingin? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkairita sa asal niya. “Did you eat your lunch?” tanong ko at tumuon na ang kanyang tingin sa akin pero agad niya naman itong iniiwas. “H-Ho?” “I said did you eat your lunch?” inis kong tanong muli sa kanya. “Hindi na sir kasi busog pa naman ako.” Hindi ako umimik at pinagmasdan siya habang nakatingin siya sa sahig. Namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng ilang minuto bago siya nagsalita. “Ahm, s-sir kung iyon lang iyong tanong niyo pwede na ho ba akong bumalik?” Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. “Sinabi ko bang bumalik ka na Ms. Mejia?” Umiling siya. “Hindi naman pala kaya bakit nagpapaalam ka na?” “P-Pasensya na sir.” Hinging paumahin niya sa akin. “Sa susunod kakain ka ng pananghalian mo Ms. Mejia dahil ayokong ma-hospital ka dahil lang sa ulcer o pagkahilo. Ayokong mawalan ng sekretarya dahil makasasagabal iyon sa mga trabaho natin.” Nang magtama ang aming mga mata ay nakagat niya ang kanyang ibabang labi dahilan para ako naman ang umiwas ng tingin. “That’s all. You may go back.” Agad siyang tumayo at mabilis na lumabas ng aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD