Krysta “Nakakapagod talaga ang bumyahe ng sobrang layo,” reklamo ni Cess. “Bakit naman kasi ang layo ng venue ng kasal niyo at reception?” Nagkatinginan kami ni Xander. “Pero alam niyo okay din kasi ang ganda ng lugar iyon nga lang sobrang layo lang talaga.” “Ang sabihin mo tumatanda ka na, Cess,” asar naman ni Vernice sa kanya. “Uy, hindi ah. Love tumatanda na raw ako?” tanong niya sa kanyang asawa na si Jordan. Umiling naman ito sabay inakbayan siya. “You are not aging love because if you are you won’t be able to spread your legs—” Bigla namang tinakpan ni Cess ang kanyang bibig. “Jordan nasa simbahan tayo. Ssshhh...” saway niya sa kanyang asawa. “Men,” sabi ni Abby sabay lumayo sa amin. “Ang laki talaga ng problema ng babaeng iyon sa mga lalaki.” Turo naman ni Elise sa kaibigan.

