Krytsa Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may mga boses at ingay akong naririnig mula sa baba. Pagtingin ko sa orasan ay alas-singko pa lang ng umaga. Agad ko namang sinuot ang aking jacket dahil medyo malamig at kailangan ko ring i-check kung ano’ng nangyayari sa baba. Nang malapit na ako sa hagdan ay nakita ko na bukas ang ilaw sa baba at pagbaba ko ay halos magulat ako nang makita ko roon si Xander, Kysler at iba pang mga kalalakihan na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Tatawagin ko sana ang pangalan ni Xander nang marinig ko sa aking likuran ang impit na sigaw ni Elise at tumakbo siya palapit sa isang lalaking singkit. I see. Siguro ito iyong asawa niyang si Kaito. Nakita ko namang nakatingin lang sa akin si Xander at agad kong tinakbo ang distansya namin sa isa’t isa u

