"Rafael, are you still there?” untag ni Rolando kaya lang nagising si Rafael matapos bumalik sa nakakaraan. “Yes. I'm here.” “So, paano ba ‘yan?” “Sa pangalawang pagkakataon, mapagtitiwala ko ba sa iyo si Tala?” “Yes, Tito. I got her.” “Thank you.” May ngiti siya nang ibaba ang tawag. Madilim na nang sunduin ni Thiago si Tala sa kompanya. Hinatid siya nito hanggang sa condominium. “Salamat sa paghatid. Pagod na rin ako dahil sa pag-aayos ng kompanya,” aniya habang hawak ang balikat. Naroon na sila sa tapat ng pinto ng unit. “You're welcome. On the way lang din naman ang condo mo sa bahay ko. Pumasok ka at magpahinga.” Ngumiti siya at pinagmamasdan ang mabait na kaibigan. Noon pa man na nasa college sila. Pakiramdam niya ay si Thiago lang ang nakakaintindi ng ugali niya. Pinagbib

