Kinaumagahan ay bitbit ni Tala ang kahon ng ilang gamit na dadalhin niya sa kompanya. Habang naglalakad sa hallway ay nahulog ang kipikip niyang bag. “Shit.” Napatingin siya nang may pumulot niyon. “Hi, little sis!” alangan ang ngiti niya nang makita si Liberty. Napatango siya nang isakbit nito sa balikat niya ang bag. “You okay?” tanong nito. “Yes, thanks.” Sabay silang pumasok ng elevator. “Saan mo dadalhin ‘yan?” nilinga niya ito. “Sa kompanya.” “Anong kompanya?” “Chic Manifesto.” Nakita niya ang paglaki ng mga mata ni Liberty. “No way! Chic Manifesto?!” Natural siyang tumawa at tumango. “I didn't know na ikaw ang CEO ng fashion magazine na ‘yon.” “Dadalhin ko lang ‘to sa kompanya. Pero start ng trabaho ko ay next week pa,” kwento niya nang makaramdam ng komportable dito. “

