Mabilis niyang kinipkip sa kili-kili ang folder at inayos ang buhok. Hindi sinasadyang nahagip niya ng tingin si Rafael. Nakatakip ito ng bibig at hatalang nagpipigil ng tawa. Hanggang sa lapitan sila ni Ericka. “Good morning, Miss Tala and Miss Melanie.” “Good morning,” sagot niya. “Upo na tayo. At nakakahiya kay Sir Rafael, nauna siya rito,” bulong ng head ng business development. “A, okay,” nauna itong naglakad na sinundan nila ni Melanie. Sa ilang silya ay naroon sa gitna si Rafael. “Good morning, Mr. Razon,” napipilitang bati niya. Imbes na sumagot ito ay binuksan ang folder at hinawakan ang lapis. “Let's get down to business,” anito. Nagkatinginan sila ni Melanie. Tiningala sila nito. “What?” “Are you guys going to stand there?” dagdag ni Rafael. Mabilis silang umupo sa silya

