Nang magbukas ang ilaw. Bumaha ang liwanag. Nagtama ang mga mata nila ni Rafael na nasa harap niya. Ang palad niya ay nasa dibdib nito na may mabilis na t***k ng puso. Habang ang isang palad ay pababa na ng tiyan nito. May ilang segundong naghinang ang mga mata nila. Natataranta niyang inalis ang palad sa dibdib nito nang pigilan ni Rafael. Tensyonado silang nagkatitigan. Muling binalik ng binata ang palad niya kung saan nakalagay. At ang kamay niyang nasa tiyan nito ay hinawakan nito nang mahigpit habang nanatiling magkadugtong ang tingin. Nalunok ni Tala ang laway. Bumaba ang malikot niyang mga mata sa katawan nito habang nabibingi sa katahimikan. Hindi inaalis ni Rafael ang mga mata sa maamo at maliit na mukha ng dalaga. Nakalimutan na niya ang araw nang naging ganito siya kalapi

