Ibinaba niya ang hawak na ballpen at tumayo pero mabilis siyang pinigilan ni Rafael sa braso. Inis siyang lumingon dito. Hinila nito ang braso niya at itinulak sa silya. Napaupo siya at dumukwang ito. Hinawakan ni Rafael ang silya at mesa para walang puntahan si Tala. Inilapit niya ang mukha dito. “You can't sue me because you were the one who came here. Whatever I do to you now, you can't use it in court.” “What do you think?” “Damn you!” “Yeah, damn me!” sang-ayon niya habang nakangiti. Ikinalapit niya ang mukha sa dalagang inis na inis. Ibinaling nito sa ibang direksyon ang mukha nang magtama ang tangos ng ilong nila. Sandali niyang pinagmamasdan ang hinihingal sa galit na si Tala. Nakatitig pa rin siya rito nang kunin ang panulat. Ibinagsak niya iyon sa folder. “Sign it. Not

