KABANATA 7: LIBERTY ANN SIOSO AND THIAGO JOHN CHUA

2160 Words
Dahan-dahan nagmulat si Tala, malinaw ang nakaraan na iyon sa panaginip niya. Bumangon siya at humarap sa veranda ng condo unit. Naroon ang magandang sikat ng araw. Tumayo siya at diretso sa kusina. Walang kahit ano roon kaya kinuha niya lang ang wallet at lumabas ng unit. Sandali pa niyang sinulyapan ang pinto ng unit ng babaeng humalik kay Rafael. Nang magbukas ang elevator ay sumakay na siya. Tuluyan na iyong magsasarado nang may kamay na pumigil. Nagmamadali niyang pinindot ang buton. Nang magbukas ang pinto ay nakita niya si Rafael. Awtomatiko siyang napairap at ibinaba ang kamay na sunod-sunod na pinindot ang buton. Nang pumasok ito at humalukipkip siya. Naging tahimik ang loob ng elevator. “Mukhang hindi ka nakatulog nang maayos,” nakakalokong basag ng katahimikan nito. Hindi siya sumagot. “You probably wonder what Liberty and I did,” mayabang na dagdag ni Rafael. Nang magbukas ang pinto ng elevator kaswal siyang lumabas. Sinundan naman siya agad nito. “Huwag ka nang mahiyang magtanong. Nakatulog ka ba-” Pikon siyang humarap dito. “Puwede ba?” “Whatever you did the whole night. If you kissed or even did something more, I don't f*****g care!” inis na singhal ni Tala. Napatingin naman sa paligid si Rafael dahil napalingon ang mga ito sa lakas ng boses ng kaharap. “Can you please-” mabilis niyang tinakpan ang bibig nito at nagmasid sa paligid. “Lower your voice- ahh!” siya ang napasigaw nang kagatin ni Tala ang palad niya. Napabitaw siya rito. Mabilis na tumakbo ang dalaga. “Tala, come back here!” agad siyang sumunod. Nakarating si Tala sa parking lot. Nagtago siya sa mga sasakyan na naroon, kagat-kagat ang hintuturo. Narinig niya si Rafael. Hanggang sa mapatingin siya sa parating na sasakyan. “Tala.” Awtomatiko siyang napangiti. “Thiago!” Agad siyang nagtago sa likuran nito nang marinig si Rafael, si Rafael na napahinto nang makita ang isang lalake. Nakataas ang isang kilay niya nang silipin si Tala sa likod nito pero humarang ang estranghero na mas ikinalalim ng linya sa noo niya. “Is there something wrong?” tanong ni Thiago. Tuwid niyang sinalubong ang mga mata nito. “When I say yes, what will you do?” walang gatol niyang sagot. Nakita niya ang ngiti ng kaharap. “Well, if it has something to do with Tala who's hiding in my back right now, I'll meddle.” Dahan-dahan tiningala ni Tala ang likuran ng kaibigan si Thiago. Narinig niya ang pagtawa ni Rafael na ikinainis niya. “Ano ka ba niya?” “Kapatid?” sarkastiko at natatawang tanong nito. Nanatili ang natural na ngiti ng kalmadong si Thiago. “Hindi-” “Then get out,” dumilim ang mukha ni Rafael at lumapit dito. Agad naman sumingit si Tala sa gitna, itinulak niya si Rafael palayo sa kaibigan na magtatapatan ng malalapad na dibdib. “Alam mo, ikaw?” “Ang aga-aga, gulo ang hinahanap mo.” “Gusto mo bang mag-almusal ng suntok?” tanong niya rito. “You started it,” paninisi sa kanya ni Rafael nang muling lumapit. Nakatagilid niyabiting tinulak “Ikaw ang naunang nambwisit-” “You bit me!” natahimik siya. Hinawakan naman ni Thiago ang braso niya. “Kinagat mo siya?” Bwisit na napangiti si Rafael habang pinanood ang dalawa. “You don't know that girl yet. She's not the type to be protected. She's worse than you expected.” Nagpantig ang mga tenga ni Tala at nilingon ito. “Can you just leave me alone?” mariin niyang wika. Natigilan naman si Rafael. “For once, layuan mo ako. Kung worse pala ako, bakit lagi ka pang nagpapakita sa akin?” “You keep showing, Rafael.” “And whether you did it on purpose or not, I'm not interested in knowing. All I want is to never see your face or hear your comments about me for the rest of my life. Because I don't need it, damn it!” gigil nitong pahayag. Pinagkatitigan ni Rafael si Tala at wala siyang mabasang kahit anong alinlangan sa mga sinabi nito sa kanya. “Tala,” anang ni Thiago. Kinuha ni Tala ang kamay nito at hinila. Pagkatapos ay nilampasan si Rafael. Nanatili sa gitna ng parking lot ang hindi gumagalaw na binata. Matigas niyang nalunok ang laway sa nagbarang lalamunan. Nanginginig ang laman at kamay niya sa galit na ibilog ang kamao. Hanggang sa isuntok niya iyon sa kotse ng lalakeng kasama ng dalaga umalis. Umalingawngaw ang alarm ng kotse. Hinihingal sa galit niyang pinagkatitigan ang lumubog na parte ng sasakyan matapos niyang suntukin. Mabilis ang pagmamaneho ni Rafael ng kotse. Rinig niya ang busina ng mga sasakyan na inuunahan niya. Hanggang sa tuluyang huminto ang kanyang kotse. Napayuko siya sa manibela habang ang kamao ay mapula at may gasgas pa. “You're pushing my patience. I'll try to be gentle for you but you're bringing out the harsh side in me.” Itinaas niya ang mukha at kinuha ang cellphone. “Hello, Secretary Rissa?” “Yes, Sir Rafael?” “Get me a condo unit in Sapphire Heights condominium building. I want one near the 8th floor.” “Affirmative, Sir.” Inis pa rin niyang ibinaba ang hawak. Nilinga niya ang bintana. “You don't want to see me? Quite the opposite of what I want. You'll see me, whether you like it or not,” ngumisi siya. Nakarating si Rafael sa opisina, dire-diretso siya sa pinto ng opisina bago pumasok ay mabilis niyang inutusan ang sekretarya. “In my office.” Mabilis itong tumayo. “Yes, Sir.” Pumasok siya sa loob at umupo sa silya. Nagmamadaling lumapit si Rissa sa mesa niya. “Kailan ako puwede lumipat sa Sapphire Heights?” Naging alangan ang ngiti ng sekretarya. “Sorry, Sir. Pero wala pa pong available na unit sa Sapphire Heights.” “What the hell?” bwisit niyang hinampas ang ibabaw ng mesa. “Sir, wala pong available unit sa 8th floor katulad nang gusto niyo-” “Did you mention my name?” “Anyway, who owns that Sapphire Heights condominium building?” Kinampay niya ang kamay para paalisin ang sekretarya. “Get out.” “Yes, Sir.” Nang makalabas ito ay salubong-salubong pa rin ang mga kilay niya nang kunin ang cellphone. “Don’t worry. Hindi siya makakatira rito.” Napatingin si Tala na nakakaupo lang sa silya. Alangan niyang inilagay ang dalang inumin sa mesa. “What do you mean?” “Sinabi ko kay Tito na may-ari nitong Sapphire Heights. Huwag hayaang makatira rito si Rafael Razon.” Gumuhit ang ngiti niya. “Really?” “Yes. Noong tumawag ka kagabi dahil sa pag-aalala mo na baka lumipat si Rafael. I called my Uncle right away.” “Salamat. I appreciate it, Thiago.” “Totoo bang ginugulo ka niya?” Tumango siya. “Hindi ko alam pero parang nanadya siya,” naalala niya ang babaeng kasama nito at lihim na naibilog ang kamao. “Anyway, may kulang ka pa ba rito sa unit mo?” “I just have to get some groceries.” “Halika, samahan na kita.” “Alright, I’ll get my purse.” Tumayo siya at nagmamadaling pumasok sa kwarto. “Let's go.” Nakangiting tumayo si Thiago at iginiya na siyang maglakad. Gigil na ibinaba ni Rafael ang hawak na cellphone. “That guy, he’s Florentino,” aniya nang malaman na ang kasama ni Tala ay isang Florentino na pamangkin ng may-ari ng Sapphire Heights. Ngumisi siya. “That's why I can't get a unit,” napagtanto niya. Mariin siyang napapikit. “So, you think you chose better than me, Tala?” Tumayo siya at nagtungo sa studio. Binuksan niya ang pinto. Ang lahat ng naroon ay natigilan at napatingin. Dire-diretso siya sa area ng photoshoot kung nasaan si Liberty. Ngumiti ang dalaga. “Hi, Raf!” “Let's talk,” sagot niya habang nakapamulsa. Napatingin si Liberty sa mga staff na nagbulungan at halatang mga kinikilig. Hanggang sa hawakan siya sa palapulsuhan ni Rafael at hinila. “Wait lang, Raf,” maarteng ani dalaga habang ngiting-ngiti. Binitawan ni Rafael si Liberty nang makarating sa labas ng studio. “I'll buy your condo unit.” “What?” natatawang tanong ng kaharap. “Paano ka naging model ng RCPP kung bingi ka?” nawawalang pasensya niyang sagot. Nanatili ang ngiti ni Liberty. “Bakit ba ang init ng ulo mo?” malambing na tanong nito at akmang yayakap sa tiyan niya nang umiwas siya. “Just tell me kung magkano?” “Why are you so desperate to buy my unit?” nanatili ang ngiti ng kaharap. “Hindi mo na kailangan malaman.” Lumapit si Liberty sa kanya. Hinawakan ang kurbata na suot niya at tumingala. “I'm sorry, Rafael. But my unit is not for sale.” Huninga nang malalim si Rafael. Ang hintuturo niya ay pinalandas sa paligid ng pisngi ni Liberty. Napatitig sa kanya ang dalaga. “I want it, Lib.” “Hindi mo ba maibibigay sa akin?” Tumaas ang isang kilay niya nang hawakan ni Liberty ang daliri niya. Pinaghawak ang mga kamay nila. “I want you as well. Bakit hindi na lang tayo magsama?” Kumurap ang mga mata ni Rafael. “We can live together, Raf-” “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Liberty. You can buy another unit-” “Pero katulad mo, gusto ko rin ang unit na ‘yon at lalo na ikaw.” Lihim ang naging hinga niya at sinulyapan ang kamay nilang magkahawak. Hindi magkandadala si Tala sa mga plastik ng groceries. “Akin na ‘yan,” kinuha ni Thiago ang dala-dala niya kahit ito ay marami ring bitbit. “Salamat,” hirap silang sumakay sa elevator. “Pang-one month ko na ‘to,” aniya. “I think so, kung ubos na. Tawagan mo lang ako para samahan ka ulit.” Napangiti siya. Hanggang sa mapatingin sila sa plastik na nakaharang sa pinto ng elevator kaya hindi magsara. Akma niyang kukunin iyon nang may kumuhang babae. Kumurap ang mga mata niya nang makita ang estrangherang kahalikan ni Rafael. Ngumiti ang magandang babae sa kanila. “Sorry,” akma niyang kukunin ang bitbit nito. “It's okay, tulungan ko na kayo.” Nakangiti itong pumasok sa loob. “Bago kayong lipat?” “Bagong couple?” usisa nito habang nakangiti. “A, hindi. Ako lang,” paglilinaw niya. Sinilip siya ng babae. “I'm Liberty, kung sa 8th floor ka. Magkalapit unit tayo.” Alangan niyang sinulyapan ang palad nito. Bago ang ngiting-ngiti kaharap. Napatingin siya kay Thiago bago muling binalikan ng atensyon si Liberty. “Tala Maria Samaniego.” “Liberty Ann Sioso.” Ngisi ang nagawa ni Tala nang tanggapin ang kamay nito. Sinulyapan niya pa ang palad nila bago tumaas ang sulok ng labi. “And here's Thiago John Chua, my friend.” Maliit lang na kumaway si Thiago dito. “How young are you?” “24.” “Oh, para na pala tayong mag-ate.” Asiwa ang naging ngiti niya. “You can call me Ate Liberty. It's like you're my little sister.” Tumango siya habang asiwa pa rin sa naririnig. Nang tumunog ang elevator ay doon lang sila nagbitaw. Binitbit nila ang plastik katulong si Liberty. Nang makarating sa tapat ng pinto ng unit ay kinuha niya agad ito rito. “Akin na ‘yan.” “Salamat,” dagdag niya. “You're welcome, Tala. Anyway, wala ka bang housewarming party?” Ngumiti siya nang pilit. “Kung meron, hindi ka invited,” bulong niya. “Sorry?” mabilis ang naging pagharap niya rito na ikinangiti ni Thiago. “A, wala. Ang sabi ko, marami pa akong aayusin sa unit ko. So, wala pang plans for housewarming.” “Well, if you need anything. Naroon lang ang unit ko.” “Thanks.” Kumaway ito sa kanila. At nang tumalikod ay sumeryoso siya. Hinagod niya ng tingin ang magandang hubog ng katawan nito. Kahit nasa bente kwatro na siya ay kitang-kita ang kaibahan nila. Maganda ang naging hubog ng babaeng kapitbahay. Sa tingin ay hindi nalalayo ang edad nito kay Rafael. Agad niyang pinilig ang ulo para sawayin ang sarili. Hanggang sa mapalinga siya kay Thiago na natatawang siyang pinagmamasdan. “Are you done scanning her?” “Ano? Ako?” patay-malisya niyang tanong at hinawakan pa ang sariling dibdib. “Oo, ikaw. Iyong mga mata mo ay parang microscope.” “Hindi, ha?” napailing na lang ang kaibigan. “I'm not scanning her.” “She seems nice. What do you think?” usisa ng kaibigan at tanaw-tanaw pa rin si Liberty na naglalagay ng passcode sa pinto. “I’m nicer,” kibit-balikat niyang salansala at kinuha ang mga plastik. Natawa naman si Thiago at tinulungan siya. “I know,” sang-ayon nito bago sila tuluyang pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD