"Hindi ka niya pinuntahan?” ulit ni Finn. Mahina itong siniko ni Nihan.
“Bakit?”
Ngumiti nang pilit si Nihan nang humarap sa kamera. “Sige na, Tala. Magpahinga ka na. Ba-bye!”
Kumaway naman si Tala sa mga ito. Nang maisarado ni Nihan ang laptop ay inis itong bumaling kay Finn.
“Bakit mo ba lagi sinisingit si Rafael?” tumayo ito habang bitbit si Luan. Sinundan naman ito ni Finn.
“Tinanong ni Raf ang address ni Tala.”
Humarap dito si Nihan. “At binigay mo naman?”
“Yes, kilala ko si Raf. Aminin niya man o hindi, he misses her ex-bride. And I'm helping them para mag-reconcile.”
Nanatili ang ngiti ni Nihan nang lumapit kay Finn. “So, para kang si kupido?”
Mayabang na ngumiti ang asawa. “Hindi ba't parang si Rafael ka?”
“Oo.”
“Umaarteng galit pero patay na patay naman sa akin.”
“Hoy, Nihan Saavedra, ikaw ang patay na patay sa akin.”
“Anong ako?”
“Remember, natulog ka sa labas ng bahay ko,” nagkatitigan ang mag-asawa. Wala naman maisagot si Nihan.
“See?” kinuha ni Finn si Luan na nakatingala sa kanila. Inalog-alog nito ang anak. “See, walang masabi si Mommy?”
Sinulyapan siya nito. “Your Mommy is crazy about me.”
Kunyaring sumimangot si Nihan at hinampas si Finn sa braso. “Ikaw ba?”
“Hindi nabaliw sa akin?”
Iginilid ni Finn ang anak at inilapit ang mukha sa kanya. “Up until this moment I'm crazy over you, Nihan,” seryosong wika nito at sandali siyang hinalikan sa labi.
Sinarado ni Tala ang laptop. Nilingon niya ang pinto. Sigurado siyang hindi siya ang binisita ni Rafael. Nang humiga ay naalala niya ang paghalik ng babae sa dating kinakasama.
Sumagi sa isip niya ang nakaraan.
FIVE YEARS AGO
Kasalukuyang iniikot ni Tala ang doorknob ng kwartong pinagbabawal ni Rafael na pasukin niya. Gabi niyon ay hindi pa umuuwi ito nang magpasya siyang pasukin.
Kinuha niya ang isang bank card at ginamit doon. Agad siyang napangiti nang marinig ang pagbukas ng pinto.
“Got it,” mahina niyang aniya at tuluyang binuksan ang pinto. Namangha siya sa nakita.
Isang malaking espasyo iyon. Naroon ang ilang book shelves, punong-puno ng libro. May isang pulang mesa sa gitna at may pula rin na sofa bed sa tapat ng bintana.
“May ganitong lugar pala dito sa pamamahay niya,” ipinagpatuloy niya ang paglalakad habang nakatingala sa mataas at may disenyong kisame.
Pakiramdam niya ay nasa isa siyang library sa unibersidad.
Sinimulan niyang magtungo sa mga libro. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang mga naroon.
“In fairness, walang alikabok,” kausap niya sa sarili habang naglalakad at nasa likod ang dalawang kamay.
Mahina pa siyang kumakanta habang pinapasadahan ng tingin ang mga nakaayos na libro.
Hanggang sa marinig niya ang pamilyar na ugong ng sasakyan. Napahinto siya.
“Lagot si tanda,” pagtukoy niya kay Rafael. Nagmamadali siyang nagtungo sa bintana at tinanaw doon ang binatang kababa lang ng kotse, nakasampay pa ang suit sa braso.
Kinakabahan siyang tumalikod sa bintana.
“Anong gagawin ko?” mabilis siyang tumakbo sa hanay ng mga book shelves.
Habang si Rafael ay inilabas ang libro sa bag at tinungo sa itaas ng bahay ang sariling library.
Natigilan ito nang ikutin ang doorknob. Sandali nitong tiningan ang pinto bago tuluyang binuksan.
Walang tao sa loob.
Pero iba ang pakiramdam ni Rafael. Inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang mga dala-dala bago naglakad.
Kasalukuyang nakakubli si Tala sa dulo ng lalagyan ng libro. Rinig niya ang yabag ng sapatos ng binata dahilan para mabingi siya sa pintig ng mabilis na puso.
Maingat na ibinalik ni Rafael ang libro. Luminga kung saan bago tuluyang tumalikod at naglakad palabas.
Sa kaiikot ni Tala para hindi matanaw sa oras na sa pinto ng ang binata. Tumama ang sakong ng suot niyang sapatos sa kahoy na bookshelf.
Napapikit siya nang umalingawngaw iyon.
Saglit niyang pinakiramdaman ang paligid. Nang masiguradong nakalabas na si Rafael ay doon lang siya lumabas nang pinagtataguan.
Nang may tumulak sa kanya sa bookshelf at idinikit doon. Naisarado niya ang mga mata nang tumama ang likod.
“What the hell are you doing here?”
Marahan siyang nagmulat nang tumama ang mabangong hininga na iyon sa mukha niya.
Tila natuod siya nang makita sa harapan si Rafael. Napatingin siya sa sarili, hawak nito ang dalawang kamay niya, nakataas at nakadikit sa kinasasandalan.
“I said, what are you doing here?” mas diniin nito ang mga kamay niya sa ibabaw.
“A, a, ano,” hindi niya masalubong ang mga mata ni Rafael. “N-namamasyal-”
“This is not a park.”
Inis niya itong binalikan ng tingin. “Maghapon na akong nasa bahay. Ayaw mo akong palabasin.”
“I'm rotting here in your house.”
Ngumisi ito. “From what I see, you're not rotting yet.”
Mas naging mahaba ang nguso ni Tala. Pilit na inaalis ang dalawang kamay sa pagkakataas at pagkakapit nito.
“Bitawan mo na nga ako!”
“You should stay in your room, studying. Kaysa magpanggap kang nabubulok.”
Inis na siyang binitawan ni Rafael. Siya naman ay tiningnan ang kamay na masakit dahil sa pagkakapit nito.
“Labas na-”
“Ayoko-”
“Ano?”
“Ano bang tinatago mo rito?” panunukso niya at humarap habang nakangiti.
“Out now, Tala.”
“Ayoko,” marahan niyang wika.
“I said, out!”
Mabilis na tumalikod at tumakbo si Tala. Sinundan naman agad siya ng binata. Dumaan siya sa hanay ng mga bookshelf.
Nawala ito mas dumoble ang kaba niya.
“Tanda?”
“Tanda?”
“Yuhooo?"
Umatras ang paa niya nang marinig ang katahimikan. Napaatras siya at nakarating sa kulay na pulang mesa.
Hanggang sumulpot sa harap niya si Rafael. Nagharap ang mukha nila at naghinang ang mga mata.
“I said get out, Tala.”
“What if I say no?” pagmamatapang pa rin niya.
Nakita niyang kumibot ang lalamunan ni Rafael. “Ito ba ang gagawin mo?” aniya at bago pa ito makapagtanong kung anong ibig niyang sabihin ay mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
At hinalikan.
Ramdam niya ang gulat dito.
Hanggang sa magpatuloy siya sa paghalik. Umaasang tutugunan iyon ng binata.
Naramdaman ni Tala ang dahan-dahang paghawak nito sa bewang niya at paggalaw ng labi nito.
Nabuhayan siya ng loob na baka nga halik ang ginagawang banta nito sa kanya kanina.
Umupo siya sa mesa habang patuloy ang kanilang labi sa pag-uusap. Nang bigla siyang itulak ni Rafael.
Natuon niya ang isang palad sa ibabaw ng mesa habang ang isa ay nakalahad matapos mapabitaw sa pisngi nito.
Tumalikod si Rafael. “Labas.”
Nalunok ni Tala ang hiyang dumapo sa kanya sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay naging agresibo siya masyado.
“Labas!” napaigtad siya sa sigaw ng binata. Halos mahulog siya sa mesa para bumaba at nagkakandarapa naman para lumabas.