KABANATA 5: THE MOVE OUT

938 Words
Hirap na hirap si Tala sa paghila ng isang maleta sa hallway ng condo unit niya. May halos kalhating araw na siya nag-aayos ng mga gamit. Hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Inayos niya ang sarili at nakangiting sumilip doon. Awtomatiko rin nawala ang aliwalas ng mukha niya nang makita si Rafael. Ngumisi ito at lumabas ng elevator. Siya naman ay napaatras. “What are you doing here?” “Why?” “Do you own this building?” Napairap siya at bumalik kung nasaan ang maleta. Hinawakan niya iyon at muling hirap na hinila. “So, you’re really moving out?” nasa likuran niya si Rafael, nakahalukipkip at kaswal siyang pinanood sa hirap niyang paghila. “You think you're an independent woman now?” Hindi siya sumagot, naramdaman niya ang mas pagbigat ng maleta. Nang lingunin ay inaapakan ni Rafael ang gulong niyon para hindi gumulong. Hinihingal niya iyong binitawan. “Damn you!” aniya. Ngumiti ito at hinawakan ang maletang tumayo matapos nitong alisin ang pagkakaapak sa gulong. “Bumalik ka na sa mga magulang mo.” “What?” “Go back to your parents. Stop acting tough-” Nanliit ang mga mata niyang humarap dito. “And stop acting like you care.” Mayabang na itinaas nito ang magkabilang kamay. “I really don't-” “Then why are you here?” Natigilan si Rafael. “You're still pathetic as I remember,” galit niyang dagdag. Inis na tiningnan ito mula ulo hanggang paa bago tumalikod. Hinila niya nang malakas ang maleta habang salubong-salubong ang mga kilay. Pinanood ni Rafael ang palayong si Tala. Hila-hila ng dalawang kamay nito ang maleta. “Rafael!” rinig ni Tala ang masayang boses ng babaeng ‘yon. Hindi pa rin siya huminto sa paghila. “Hey, Raf. Hindi ka nga nagsisinungaling, nandito ka,” hinawakan ni Liberty ang magkabilang suit ni Rafael para mapaharap ito. Napilitan na humarap si Rafael kay Liberty. Model ng kanilang produkto sa kompanya at naging kaibigan na. “Yeah.” “Kanina ka pa ba naghihintay?” “No.” Mas lumalalim ang linya sa noo ni Tala habang naririnig ang dating kinakasama. Huminto siya sa pinto ng condo unit. “I'll make bawi na lang,” anang ng ngiting-ngiti si Liberty habang dantay na dantay ang katawan kay Rafael. “What do you mean?” “Here is what I mean,” hinila nito ang hawak at suot niyang suit pagkatapos ay siniil ng halik sa labi. Naitaas niya ang dalawang kamay at ang mata ay sinulyapan si Tala na naglalagay ng passcode sa pinto. Hanggang sa magbukas iyon. Hindi ito lumingon nang ipasok ang maleta. Nang magsarado iyon ay hinawakan niya sa magkabilang balikat si Liberty at inilayo. “Why?” nanatili ang ngiti nito. Imbes na sumagot ay nilinga niya ang nakapinid na pinto. Seryosong sumandal si Tala sa nakasaradong pinto. Bumagsak ang maletang binitawan niya. Dahan-dahan siyang napaupo. Rinig niya ang halikan ng dalawa. At nakakainis na isipin na may bigat iyon sa dibdib niya. “Damn you, Rafael Razon.” “You are still the worst person I've ever met,” gigil niyang dagdag. Gabi nang matapos si Tala. Pagod siyang umupo sa kama, binuksan ang laptop at naroon ang tawag ni Nihan. Inayos niya ang sarili bago iyon sinagot. Agad siyang kumaway nang makita ang pinsan na karga ang inaanak na si Luan na isang taong gulang na. “Hello, Luan,” tila nawala ang pagod niya nang makita ito. “Say hi to Ninang,” itinaas ni Nihan ang maliit na kamay ng anak. Nagkatawanan sila. “Nasa condo unit ka na?” sinilip nito ang kamera. Hinarap naman niya ang laptop sa ibang parte ng kanyang kwarto. “Yes, Ate.” “And you're okay?” paninigurado ng pinsan. Ngumiti siya nang muling humarap sa laptop. “I feel better, Ate.” Tumango-tango si Nihan. “Minsan talaga, mararamdaman natin na mas okay tayo kapag mag-isa.” Kumurap ang mga mata niya. “We feel more peaceful. Kung sa iba, mas okay sila ‘pag may kasama. May mga tao talaga na tulad mo, gustong mapag-isa.” “Just to have the peace you really wanted.” “And I won't blame you for that, Tala. Sometimes you have to make a decision for yourself, even if it hurts someone you love.” Pinagkatitigan siya ni Nihan. “And that doesn't make you selfish, that's what makes you stronger.” Malungkot siyang napangiti. “Ate, ang dami ko talagang natutunan sa iyo. Pakiramdam ko kapag ikaw ang kausap ko, parang nakaharap ako sa salamin.” Ngumiti ito. “Hindi ako perpekto, Tala. Marami akong pagkamamali, pero gumawa ako ng bagay na hindi ko pinagsisihan. Ang bumalik at manghingi ng tawad,” rinig niya ang pagkabasag ng boses nito. Dahilan para magbara ang lalamunan niya. “Ate Nihan, I'm proud of you. Sana dumating din ang panahon na matagpuan ko ang kapayapaan nang may kasama.” “Katulad mo, katulad niyo ni Kuya Finn at Luan.” “Iyan din ang pinagdarasal ko para sa iyo, Tala.” “Love!” rinig niya ang boses ng pinsan ng asawa. Sa kamera ay nakitang niyang hinalikan ni Finn si Nihan sa ulo bago lang nakita nito na kausap siya. “Oh, hi, Tala!” nakangiting bati nito at tumabi sa mag-ina. “Hello, Kuya.” “Nasa condo unit ka na?” “Oo, katatapos ko lang mag-ayos ng gamit.” “Sinong unang bisita mo?” Napaisip naman siya. “Hindi ka ba dinalaw ni Raf?” nawala ang ngiti ni Tala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD