KABANATA 4: "SAAN SIYA LUMIPAT?- RAFAEL

1288 Words
Masakit ang ulo ni Tala nang marinig ang tunog ng cellphone. Padabog niya iyong kinuha. “Hello?” “You're drunk again?” “Ate Nihan,” nawala ang antok at hangover niya nang bumalikwas nang bangon. “Yes, at katatawag lang sa akin ni Tita Dianne na madaling araw ka na nang umuwi.” Hinagod niya ang buhok. “Don't worry, Ate. I've been planning to move out sa condo unit ko. Patapos na ang architect ko sa pag-aayos ng interior design.” “Hindi na sila mamomorblema sa akin-” “Hindi sila namomorblema sa iyo, nag-aalala sila,” pagtatama ni Nihan sa kabilang linya. Natahimik naman siya. “Anyway, tumawag ako para i-invite ka sa Saavedra Beach Resort anniversary.” Tumango siya habang pinupulot ang ilang damit na nagkalat sa sahig. “It's a 3 day celebration. Maraming kasiyahan, naisip ko na bago ka bumalik sa kompanya mo at magtrabaho.” “Why don't you take a break?” “Salamat, Ate. Susubukan ko na makapunta.” “Alright, hope to see you.” “Hmm." Tuluyan nang nawala ang kanyang pinsan. Si Nihan ang masasabi niyang pinakamalapit sa kanya. Dahil isa lang siya anak at lalake naman ang kapatid nitong si Jigs ay mas naging maganda ang relasyon nilang dalawa. Kaya nang umalis ito noon at hindi sumulpot sa kasal ni Finn ay pakiramdam niya nawalan siya ng kaibigan. Mas lalo siyang naligaw ng landas. Doon siya pinagkatiwala ng mga magulang kay Rafael. Si Rafael na anak ng kaibigan ng kanyang ama at ina. Bumalik lang siya sa bayan nila nang mabalitaan umuwi na si Nihan at ginusto nitong makabalik sa buhay ni Finn. Nang nagkasundo muli ang dalawa ay doon lang siya nagpakita sa butihang pinsan. Nang bumaba si Tala ay dala-dala na niya ang mga maleta. “O, saan ka pupunta?” Huminto ang mag-asawa na si Rolando at Dianne. “Lilipat na ho ako sa condo unit ko-” “Tingin mo, kaya ko mo na?” seryosong tanong ng ama habang hindi ito lumingon at patuloy lang sa pagkain. “Ibinigay niyo na sa akin ang kompanya. Ano pa ang tingin niyo na hindi ko kaya?” “Anak-” akmang tatayo si Dianne nang magsalita si Rolando. “Hayaan mo siya.” Napatingin siya sa ama. “Kung tingin niya ay matanda na siya at kayang-kaya na ang sarili. Let her go.” “Mauna na ho ako,” balewala niyang sagot at binitbit ang mga maleta. Sa labas ng bahay ay naabutan siya ng ina. “Tala, huwag mo nang gayahin ang Ate Nihan mo-” Nakakunotnoo siyang bumaling dito. “Hindi ko ho ginagaya si Ate Nihan-” “Then why are you doing this?” “You keep making the same mistake she did-” “Wala siyang maling ginawa,” pagtatama niya. “Iniwan niya si Finn at sumama sa ibang lalake-” “Pero bumalik siya. At kailan pa naging mali ang piliin niya ang tingin niya ay magpapasaya sa kanya?” Hinawakan siya sa braso ng ina. “Basta ka na lang umalis sa bahay ni Rafael. Hinayaan ka namin at hindi na hinabol. Kahit malaking kahihiyan ang nangyari sa kasal.” “Sinasabi nga ng ilang tao sa paligid, na malas ang pagpapakasal sa pamilya natin dahil hindi dumadating ang bride-” “Mauna na ho ako,” putol niya. Alam niya kung saan matatapos ang sermon ng ina. “Tala!” tawag nito nang una niyang isakay sa kotse ang mga gamit. “Hindi ka na natututo sa nangyari kay Nihan-” sinarado niya ang pinto. “Hindi ba dapat kayo ang may natutunan kay Tito Nelson at Tita Janice?” pagtukoy niya sa tiyuhin at tiyahin na magulang ni Nihan. “Lalo na si Dad, dapat may natutunan siya sa Kuya niyang si Tito Nelson-” “Sino ka para sabihin sa akin ‘yan?” Matigas niyang nalunok ang laway nang marinig ang ama. Seryoso itong lumabas ng entrada. “Nelson-” awat agad ni Dianne. “Tingin mo, kasing bait ako ni Nelson?” “Na kahit pinahiya na siya ni Nihan ay tatanggapin ko pa rin. Magkaiba kaming magkapatid, at mas doble-doble ako sa kanya.” “Hindi niyo na ho kailangan sabihin ‘yan, nakikita ko naman kung gaano kayo ka-doble ni Tito Nelson-” “Tala!” saway ng ina. Huminga siya nang malalim. “Hindi niyo ako ipagtutulakan sa isang lalake kung may pakialam kayo sa akin.” “I’m a failure to you, right?” “Hindi ako nagtapos ng may honor, katulad ng ibang pinsan ko. Hindi rin ako magaling sa negosyo, ibinigay niyo lang sa akin ang kompanya dahil hindi niyo na kayang hawakan.” “Pina-pull out niyo rin ang ibang share ng mga kamag-anak natin para hindi sila ma-dissapoint kung malulugi ang kompanya kapag ako na ang nakaupo.” “I knew it all along, Dad.” Tumalikod na siya pero muling humarap nang may maalala. “Anyway, one more thing, I'm not imitating Ate Nihan. Cause, actually, her life turned out better than mine now,” ngiting aso ang ginawa niya bago tuluyang pumasok sa kotse at umalis. “Hayaan mo na siya,” hinawakan ni Dianne si Rolando. “Babalik din siya-” “Hindi na natin siya tatanggapin kapag bumalik siya,” siguradong sagot nito at inalis ang braso na hawak ng asawa. Kasalukuyang nasa loob ng opisina si Rafael. Nalulukot sa gigil ang hawak niyang newspaper. Naroon ang litrato ni Tala na may hawak na award. Nang may kumatok sa pinto. “Sir, si Sir Finn po,” boses iyon ng sekretarya. Tinupi niya ang newspaper at kaswal na umayos nang pagkakaupo. “Hey,” aniya ng kaibigan nang makapasok sa opisina. Maliit siyang ngumiti at tinuro ang silya. “Have a seat.” “Thanks. Here.” Tiningan niya ang inaabot nito. “Invitation for a 3 day anniversary celebration of Saavedra Beach Resort.” Ngumiti siya at kinuha iyon. “Congratulations. Matapos mong mabawi ang resort, mag-aaniversary pa ito na ikaw ang may-ari,” puri niya habang pinagmamasdan ang hawak. “Syempre, utang na loob ko ang lahat kay Nihan. Ibinalik niya ang lahat nang nawala sa akin,” kumurap ang mga mata niya. “At dinadagdagan pa ng magandang bata na si Luan,” sinalubong niya ang tingin nito. “You've been through a lot, Finn. And I'm happy na makita kang nasa ayos na.” “Ikaw kaya?” “Ako?” “Oo, kailan ko kayang makikita na masaya ka na?” Iniwas ni Rafael ang mga mata. “You know what, Raf?” “Tuturuan tayo mismo ng buhay kung paano mabuhay. Sa akin, ang natutunan ko ay ang magpatawad.” Tumango siya. “At sana, ikaw, may matutunan ka rin agad sa buhay na mayroon ka. You're getting old and yet alone.” Napaseryoso siya. “Anyway, ang sabi sa akin ni Nihan. Lumipat na si Tala ng bahay.” Tiningala niya ang tumayong kaibigan. “Gusto mong malaman kung saan?” Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “N-no. Why would I?” “Then fine, I'll go ahead. Dumating ka sa celebration, ha?” bilin ni Finn. “Oo na,” tumalikod na ito at humakbang nang dahan-dahan. Tila tinutukso siyang magtanong. “Wala ka talagang itatanong?” “Paalis na ‘ko,” habol nito habang hawak ang doorknob at nilingon siya. Kunyari niyang kinuha ang ilang papel at yumuko sa lamesa. “Wala.” “Okay-” “Finn!” habol niya nang malaks na sinarado ang hawak na papel. Nanuksong ngiti ang ibinaling ng kaibigan. “Saan siya lumipat?” matapang niyang tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD