HINDI man kinaya nang matagal, nag-enjoy naman si Dawn sa 'pangingiliti' ng mga isda sa free fish spa sa Kuyba Almoneca. Hinayaan niya ang sariling tumawa nang tumawa. Ilang seconds lang naman. Na-realize ni Dawn, hindi na niya maalala kung kailan siya tumawa nang ganoon. Parang hindi yata. Wala siyang maalalang happy scene sa buhay niya. Ang mga may 'tawa moment' na eksena lang, noong magkasama pa sila ni Keith. Tinutukso siya ng kaibigan tungkol kay Sier Raullo, ang kanyang crush na asawa na ng babaeng tisay at pang bold star ang boobs. Nilalait ni Keith mula ulo hanggang paa si Sir Sier, na para sa kaibigan ay 'Siraulo' na sa pangalan pa lang. Kapag umabot na sa pangalan, gaganti na si Dawn ng atake. Nilalait na rin niya ang mga crushes ni Keith na lahat ay mala-walis tingting. Attract

