KABANATA 1
“May dalawa kang choices,” sabi niya, habang nakatingin sa aking mga mata.
Hindi ako makagalaw dahil hindi ako makapaniwala na nangyayari ito.
“Ano iyon?” tanong ko na kinakabahan.
Ngumiti siya sa akin at natakot ako sa ngiting iyon na naging dahilan ng panginginig ng aking katawan.
“Una.” Inangat niya ang kanyang kamay at pinakita sa akin ang kanyang daliri. “Pipirmahan mo ang kontrata at itutuloy mo ang kung anong mayroon sa ating dalawa,” kalmadong sabi niya. “Pangalawa.” Inangat niyang muli ang isa pang daliri. “Marami akong kilalang taong pwedeng tumulong sa akin para makuha ko ang gusto ko at sa minuto lang, walang awa kong kukunin ang kung anong mayroon sa pagitan nating dalawa..”
Sa pagkakataong iyon nakaramdam ako ng tila kuryenteng bumalot sa buo kong katawan, tila kaharap ko ang isang demonyong nakasuot ng isang suit. Nakita ko na lamang ang sarili ko sa pagitan ng malaking bato at mahirap na sitwasyon, at aalis lang ako sa lugar na ito kapag patay na ako. Dahil walang kahit na sino ang pwedeng gumalaw sa pinakaimportanteng bagay sa akin.
**Ang Umpisa**
Anne Mooore
Ngayong araw na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko!
Ako ay 19 years old, at nag-aaral ng interior design, mahal ko ang larangang ito, naniniwala ako na isang araw ay makapagtratrabaho ako sa isang malaking kumpanya at magiging successful. May boyfriend ako, ang pangalan niya ay Joseph, mahal ko siya, magkarelasyon na kami sa loob ng isang taon at sa tingin ko ay wonderful boyfriend siya, isa siyang perfect man. Hindi alam ng mga magulang ko ang tungkol sa kanya dahil hindi nila tatanggapin ang relasyon namin, pinalaki ako bilang religious, ang mga magulang ko ay religious at mayroon kaming rules sa pamilya, pero ang pinaka-importanteng rule ay ‘No s*x Before Marriage’. Ang mama ko ay ikinasal na virgin at gusto niyang ganoon din ako, dahil masyadong tradisyonal ang pamilya ko, nag-iisang anak ako, kaya ibinigay ng mga magulang ko ang buong atensyon nila sa akin, kaya ang bawat galaw ko ay naaayon lang sa rules.
Mahal ko ang mga magulang ko kahit na araw-araw nila akong pinaaalalahanan tungkol sa mga rule na iyon. Masasabi kong medyo nakakainis, pero naiintindihan ko naman at nangako ako sa kanila na hindi ko ibibigay ang sarili ko bago ako ikasal, pero pakiramdam ko hindi ko na matutupad iyon ngayong araw, dahil ang boyfriend kong si Joseph ay nagde-demand na pagbigyan ko siya kahit na isang gabi lang. Virgin ako at isang taon na kaming nag-di-date, alam kong may pangangailangan siya at na-i-imagine ko kung gaano kahirap para sa kanya na hindi makipag-s*x sa kahit na sino dahil hindi na siya virgin.
Wala akong mga kaibigan. Mag-isa lang ako dahil pinalaki ako ng mga magulang ko na tila isang bula, iyon daw ang magiging paraan para masiguro na wala akong matututunang kasamaan sa mundong ito. Kaya namuhay ako sa routine na school at bahay lang. Nag-aral ako sa Shepherd Junior High School, at masyadong istrikto doon. Hindi kami pwedeng magpakita ng affection at hindi kami pwedeng makipagkwentuhan ng higpit pa sa dalawang minuto dahil magagalit ang mga magulang ko and not to mention, mukha akong madre. Pinasusuot ako ng mga magulang ko ng mahahabang palda at ang buhok ko ay palaging nakatali in a bun, hindi pwedeng may kaunting strand ng buhok na mahuhulog mula roon. T-shirt din ang sinusuot ko at hindi ako pwedeng magsuot ng iba. Nakatira ako sa Cavite, Philippines. Nang matapos ako ng high school, nakakuha ako ng scholarship sa Philippine University kung saan ko nakilala ang boyfriend kong si Joseph. Cool guy siya at hindi ako makapaniwala na napansin niya ako. Medyo nahiya ako noong una niya akong binati, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Pero ang cool way niya ang naging daan para mag-loosen up ako at mahulog ang loob sa kanya. Alam kong magiging against ang mga magulang ko sa relasyong ito, kaya naman hindi ko ito sinabi sa kanila. Nanatili akong tahimik at hinayaan ang sarili na ma-carried away.
Ang sabi ni Joseph, ngayong araw, dahil birthday ko, i-e-enjoy namin ang moment nang magkasama sa isang malapit na hotel. Kaya siguradong makukuha na ang virginity ko, pero naniniwala naman ako na si Joseph na ang lalaking pakakasalan ko, kaya wala akong nakikitang problema.
Sa university nagbibihis ako ng damit, dahil ang tingin sa akin ng mga tao ay need. Ilang beses akong na-bully, kaya ngayong araw magsusuot ako ng mas maiksing damit at masasabi kong naresolba ang problema kong ito. Para sa kaligayahan ko at para sa boyfriend ko.
Naghahanda na ako ngayon para makita si Joseph sa hotel na ipina-book niya, napakasaya ko!
May pinsan ako na kasing edad ko at siya ang paborito ng mga magulang ko, minsan mas gusto pa nila kaysa sa akin, pero wala akong pakialam. Nag-aaral din siya sa kaparehong university kung saan ako nag-aaral, pero hindi kami close, hindi niya ako masyadong pinapansin, at hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit. Pero wala rin akong pakialam sa atensyon niya.
Pareho kami ng kwarto at habang naghahanda ako ay nakatingin siya sa akin ng walang sinasabi. Parang sinusuri niya ako, pero wala ako sa mood na makinig sa anumang sasabihin niya.
Nagsuot ako ng black dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko lang at pinatungan ko ng black coat. Malamig ang panahon ngayon. I wear contrasting lace stockings sa legs ko, hindi ako matangkad, kaya nagsuot ako ng mahaba at medyo maluwag. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at saka ngumiti. Kinuha ko ang makeup kit ko at ready na para magmukhang perfect para sa boyfriend ko. Pagkatapos ng ilang minuto ang ganda ko na.
I'm brunette na may itim na mga mata at straight hair, hinayaan ko ang buhok ko na nakabagsak at medyo voluminous, natural lang.
Lumabas ako ng apartment nang hindi kinakausap ang pinsan ko. Pagkarating ko sa address ng hotel, sinabi sa akin na pwede na akong umakyat sa kuwarto ko, dahil hinihintay na ako ni Joseph.
Pumasok ako sa elevator at ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng kwarto. Kumatok ako sa pinto at binuksan ito ni Joseph. Ang gwapo niya, naka-tailored suit at sa tingin ko ay wala ng lalaki sa mundo ang mas gagwapo pa kaysa sa kanya.
Ngumiti ako.
“Ang perpekto kong girlfriend,” sabi niya.
Alam kong namumula na ako.
“Ganoon din ang boyfriend ko.”
Pumasok kami sa room at nakita ko na may rose petals sa buong kwarto. May romantic music na tumutugtog at sa tingin ko ito ang pinakamagandang paraan para ipagdiwang ang birthday ko.
Walang duda, ito na ang pinakamagandang gabi sa buhay ko, pero hindi ko alam na ito rin ang magiging kasawian ko!
Si Joseph ay napaka-affectionate sa akin, nag-dinner kami, nagsayaw at saka uminom ng alak. Ngunit hindi ko inaasahan na malalasing ako kaagad. Nang sumunod na magising ako’y narinig ko ang marahas na pagkatok mula sa pintuan. Tila ba may kung sinong gustong wasakin iyon!
Masakit man ang ulo, pilit kong idinilat ang mga mata ko at nag-angat ng tingin sa paligid. Doon ko nakita si Joseph na topless at tanging towel lang na pang-ibaba ang takip nya. Patungo siya sa pinto habang ako’y nagtataka…
Teka…
May nangyari na ba sa amin?
Mabilis kong hinawi ang kumot at tsinek at nakita ngang hubo’t hubad ako! Pero… may nangyari ba talaga?
“Joseph, anong nangyari? Nakatulog ako.”
“Teka lang at may kumakatok!”
Sumulyap ako sa pinto at hinintay na buksan niya iyon ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nabigla ako nang makita ko si papa!
Sa takot, mabilis kong inangat ang bedsheet para masakop ang aking sarili at ang aking ama ay tumitingin sa akin na parang hindi siya naniniwala na ako ito doon.
“Hindi ako makapaniwala na nawala sa katinuan ang anak ko!” sigaw ni papa.
“Papa…” tawag ko sa kanya.
Tiningnan niya si Joseph at ipinako siya sa pader saka nagsalita, “Pakasalan mo ang anak ko!” sabi niya sa galit na tono.
Ngumiti si Joseph at saka nagsalita.
“Sorry sir, pero wala akong intensyong pakasalan siya,” sagot niya.
Mabilis na inatake ni papa si Joseph at nagsimula na akong sumigaw, nakita ko si mama na pumasok kasunod ang pinsan ko at napakalma nila si papa.
“Uncle, she’s unclean. Hindi alam ni Anne kung paano respetuhin ang family rule natin,” anang pinsan ko.
“Kinuha mo ang pinakamahalagang bagay sa anak namin, pakakasalan mo siya!” sigaw ni Papa.
Ngumiti muli si Joseph at hindi ko nakita ang humor sa pagtawa niya.
“Hinding hindi ko siya pakakasalan, lahat kayo ay mga baliw, ang pakikipag-s*x ay parte ng buhay at ibinigay ng anak n'yo sa akin ang sarili niya dahil gusto niya!” Tumingin sa akin si Joseph at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. “Hindi na tayo magkikita ulit, hindi kita pakakasalan, oo nag-date tayo at nag-s*x pero iyon lang 'yon, kaya babayaran ko ito. Mas gusto kong magbayad gamit ang pera kaysa pakasalan ka,” aniya.
Nakita ko si Joseph na kumuha ng malaking halaga at itinapon sa sahig, kinuha niya ang kanyang mga damit at lumabas ng kwarto. Ako na lang at ang aking pamilya ang nasa loob.
Ipinatong ni papa ang kamay niya sa ulo niya at pilit na kumalma. Mahina akong umiyak habang nakabalot sa kumot ang hubad kong katawan.
“Isa kang kahihiyan sa pamilya natin!” sabi ni papa.
“Hindi, papa…” pinigilan niya ako.
“Salamat sa pag-inform sa akin Lorrane. Ngayon wala na si Anne at hindi na miyembro ng pamilya natin, wala na siyang mamanahin at itapon mo ang perang iniwan ng kanyang "boyfriend", dahil sa bahay ko hindi ka na makakatapak, hindi ka na makakapasok. Ikaw ay isang maruming babae na hindi karapat dapat na nasa aming tahanan.”
“Papa, huwag mo pong gagawin ito!” Pagmamakaawa ko.
Nakita ko si mama na papalapit sa akin at akala ko ay kakampihan niya ako pero…
Nagkakamali ako, isang sampal sa mukha ang natanggap ko na agad na nag-alab.
“Huwag kang magsasalita nang ganyan sa papa mo, alam mo ang family rules at kung sinira mo ito, mawawalan ka ng karapatan sa pamilya,” aniya. “Ngayon wala ka na sa amin. Ang anak kong babae ay nagkasala kaya pagdudusahan mo iyan.”
Tiningnan ni papa ang pinsan ko.
“Tara na, Lorrane, at least ikaw ang pride para sa amin. Hindi mo kami kailanman idinisrespect, si Anne ay sumpa.”
Lumabas na ang lahat sa kwarto, at ako na lang ang naiwan. Akala ko, ito na ang pinakamagandang gabi sa buhay ko, pero sa huli, ito pala ang gabi ng pagkasira ko.
Akala ko doon na magtatapos, nang umalis ako sa kwarto, nadiskubre kong hindi nagbayad si Joseph para sa hotel bill. Kaya bumalik ako sa kwarto at pinulot ang perang tinapon niya sa sahig. At saka ko binayaran ang bill bago ako umalis. Nang makarating ako sa share apartment kasama ang pinsan ko, kumatok ako at nang pagbuksan niya ako ay nakangiti siya.
“Bakit ka nandito?” tanong niya sa mayabang na tono.
“Apartment ko rin ito,” sagot ko.
“Wala na. Binigay na sa akin ni Uncle at hindi ka welcome. Wala ka ring damit na pwedeng dalhin, itinapon ko na lahat sa basurahan paglabas mo ng pintong 'yan. Anne, naligaw ka ng landas at wala ka ng karapatan sa kahit na ano.”
Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa sobrang galit.
“Bakit galit ka sa akin Lorrane?” tanong ko.
Ngumiti siya.
“Hindi ako galit sa 'yo, ikaw ang naligaw ng landas at alam mong hindi tinatanggap ng pamilya natin ang ganito,” sagot niya. At mukhang natutuwa pa siya na problemado ako.
Sa sandaling iyon, hindi ko na mapigilan at hinabol ko ang pinsan ko. Sinimulan ko siyang sampalin, galit na galit ako at alam ko na siya ang nagdala sa mga magulang ko rito.
“Get off her Anne!” sabi ni papa.
Hinatak ang braso niya, hindi ko rin alam na nandito sila.
“Papa!” tawag ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin at saka ako sinampal sa mukha.
“Ikaw ang may kasalanan, umalis ka rito ngayon din!” sigaw niya.
“Hindi, papa, please!” Pagmamakaawa ko habang nakaluhod sa harap niya.
“Hindi, please, nasa iyo na ang lahat pero anong ginawa mo? Ngayon nawala ka na, umalis ka na rito. Kahit na ang mga asong gala ay mas mahalaga pa kaysa sa iyo. At ang college mo, kalimutan mo na, dahil hindi kita susuportahan. At sa financial stature ko, wala ni isa sa syudad na ito o sa bansang ito ang magbibigay sayo ng trabaho. Dahil wa-warning-an ko sila na huwag kang bigyan.”
Pumasok siya sa apartment na iniiwan ako sa labas.
Naiwan ako roon. Wala akong kilalang kahit na sino. Dahil hindi ako nakipagkaibigan at si Joseph lang ang mayroon ako pero kahit siya ay tinalikuran ako. Umiyak ako noong gabing iyon, naglakad sa syudad hanggang sa nakakita ako ng murang hotel at nanatili ako roon. Sinubukan kong pumasok sa university, bumili ng damit sa bazaar pero nalaman kong pinagmamalaki ng boyfriend ko ang pagkuha niya sa virginity ko. Ni hindi ko ng alam kung totoo bang may nangyari! Hindi ko naramdaman dahil sa pagkalasing ko. Nanlumo ako kaya hindi na ako bumalik dahil ang lahat ay pinagtatawanan ako kahit nga ang pinsan ko ay kasama na rin si Joseph.
Ang natitirang perang meron ako ay ang perang itinapon ni Joseph sa sahig ng hotel room at binabayaran ko rin ang hotel room kung saan ako natutulog at syempre kaunting pagkain.
Sa kasamaang palad, ang perang iyon ang bumuhay sa akin sa maliit na hotel, pero nauubos na ito, at hindi ako makahanap ng trabaho dahil sarado na ang lahat para sa akin.
Isang araw habang naglalakad sa kalye ay may nakita akong flyer na may trabahong open para sa isang waitress sa isang restaurant. Pero nasa Quezon City ito, napakalayo ko. Pero naisip ko na makakapagbagong buhay at makakapagtrabaho ako roon, dahil malayo ako sa paningin ng papa ko. Kaya pumunta ako sa Quezon dala dala ang isang bag ng damit at dokumento, dahil salamat sa Diyos hindi ko kailanman iniiwan ang mga ito kahit saan ako magpunta. Susubukan kong magbagong buhay doon.
Itutuloy…
***
Author's note: Don't worry, Anne is still a pure girl! She still retains her most important virginity! She doesn't know what happened! Keep reading ><