Chapter 38 MARGARET Alas nuebe na ng umaga ng magising si Clara, Mukhang maaliwalas na naman ang gising niya. ''Good morning ganda,'' ngiti kong bati sa kaniya. ''May lugaw pa? '' ngit niyang tanong sa akin. ''Oo, nilutuan kita ng bago. Gusto mo na kumain?'' ngiti ko pang tanong sa kaniya. Tumango naman siya kaya dinala ko siya sa may lamesa at hinainan. ''Margaret, naglalaro na naman ang mga baby ko sa tiyan ko, siguro nagja-jack in point sila,''ngiti niyang sabi sa akin. ''Ayaw mo kasing patingnan sila sa ob mo kaya naglalaro na lang sila riyan sa loob ng tiyan mo,'' sabi ko naman. ''Kailangan pa ba iyon? '' malambing niyang tanong. ''Oo, naman! 'Di ba sabi ni Doc Diana, ay bumalik tayo roon para mabigyan sila ng vitamins?'' sabi ko sa kaniya. ''Ayaw ko tumawid sa kalsa

