Chapter 37 MARGARET Matapos kong magluto ng request niya ay tinawagan ko si Francis nagvideo Call kami. ''Hello, hon! Kamusta ka na riyan?" tanong ko sa asawa ko. "Hi, hon. Kararating ko lang galing trabaho, kayo kamusta? Umiyak ka ba, hon?" tanong ni Francis sa akin. Napansin niya ang pamamaga ng mata ko. "Hon, may problema," sabi ko. "Ano ang problena, hon? Masama ba ang pakiramdam mo?" pag-alala niyang tanong. "Hon, si Clara, muntik na siyang tumalon sa tulay," wika ko sa asawa ko. "Ano? Pero bakit!" kunot niyang tanong sa akin. Itinapat ko ang camera kay Clara, at nakita ito ni Francis na nakahiga sa sofa at may gown na suot. "Ano ang nangyari riyan?" tanong niya. ''Mukhang nababaliw na si Clara, Hon, nitong mga nakaraang buwan ay lagi siya tulala. Tapos kinakausap n

