Chapter 63 CLARA Seryoso naman akong tiningnan ni Lance. Bakit totoo naman na amo ko siya, ah? Alangan mang sabihin kong ex ko siya, noh! "Ay, ganoon ba? Marian, papasukin mo na ang mga bisita mo," sabi pa ni Aling Rosa. "Hali na kayo sa loob." Yaya naman ni Marian sa amin at pumanhik na kami sa loob. Tinimplahan naman kami ni Aling Rosa ng juice at gumawa rin siya ng sandwich "Ma, saan si Papa? Magpapa-akyat sana ako ng buko, eh." tanong pa ni Marian sa ina. "Nako! Mamayang gabi pa iyon uuwi ang Papa mo. Dapat kasi nagpasabi ka. Wala pa tayong panggatong riyan," ani Aling Rosa. "Hala! Magluluto pa naman sana kami at dito kami mananghalian," sabi ni Marian sa ina. ''Guys, paano ba iyan, wala tayong tagaakyat ng buko." ani Marian at kumamot pa sa kaniyang ulo. Kaya may naisi

