Chapter 62 CLARA Pagdating ni Lance sa condo ay nagulat pa ako may pa-flower pa siyang dala. Ano 'yon? suhol niya? O may binabalak na naman siyang masama. Pero no'ng niyakap niya ko ay naramdaman ko ang pagsisisi niya at paghingi niya ng sorry sa akin dahil sa pananakit niya sa akin. Ang sabi niya hindi niya na ako gagalawin at tinupad niya nga iyon. Dahil no'ng gabing iyon ay hindi niya nga ako inangkin At hindi lang iyon, tinulungan niya rin ako maglaba ng gabing iyon Kaya naninibago ako sa kaniya. Parang ang bait-bait niya. Tama kaya ang sabi ni Zoey sa akin na umiyak si Lance kay Raydin dahil pinagsisihan niya ang ginawa niya sa akin? Kung totoo man iyon ay sana nga! Pero mahirap na magtiwala dahil baka may binabalak na naman siyang masama. Kinabukasan ay maaga akong nagising d

