Chapter 61 LANCE Nang matapos ko silang lutuan ay pinakain ko na sila ngunit ang graham ay mamaya pa nila puwedeng kainin. Bumili ako ng maliit na ref at nilagyan ko ng aircon ang silid nila Tita Luciana, para comportable ang mga kambal sa tulugan nila. Naawa kasi ako dahil no'ng minsan na nagising ako ay narining kong iyak nang iyak si Frittz, dahil sa subrang pagod na rin siguro ni Tita ay hindi niya nramdaman ang iyak ni Frittz. Kinuha ko ang bata at binuhat. Kinapa ko ang likod nito at pawis na pawis, kaya binihisan ko na lang ito at dinala sa silid ko at tinabihan nakatulog naman ang bata. No'ng makaidlip na ako ay si Princess naman ang umiyak, kaya pinuntahan ko ito. Hinahanap niya pala ang kaniyang kambal kaya dinala ko na rin siya sa silid ko at itinabi kay Frittz. Pinagmas

