Chapter 60 LANCE Nang makita ko si Clara na nanginginig sa sakit ng katawan na dinulot ko sa kaniya ay doon ako natauhan. Nasaktan ko siya ng husto. Lumatay sa kaniyang katawan ang mga hampas ng belt ko sa katawan niya. Parang dinurog ang puso ko nang makitang namumula ang mga hampas ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa isip ko kung bakit ko iyon nagawa? Nandilim ang patingin ko sa kaniya at ang galit ko ay pinadama ko sa kaniya ng gabing iyon. Nakainom ako noon dahil pagkatapos ng kasal ni Honey na kapatid ni Raydin ay umuwi kami sa mansyon kasama si Raydin. Hindi naman natuloy ang kasal ni Honey dahil hindi sumipot ang groom at nawawala pa. At tumakas din si Honey kasama ang naka-motor na lalaki. Kaya uminom muna kami bago umuwi sa condo ng oras na iyon. Sa iisang

