CHAPTER 4 - XYRENE's POV: SUNDO

2095 Words
Itinuwid ko ang katawan ko. Masakit na ang likod ko sa kakasulat mula kanina. Gusto ko kasing nagti-take down notes kapag nagdi-discuss ang prof. Ayokong may pinapalampas na mga impormasyon sa mga sinasabi nila. Minsan ay iyon ang lumalabas sa exams. Napatingin ako sa relo ko sa braso. Five minutes na lang at alas-tres na. Hindi ko napigilang mapangiti nang maalala kong susunduin ako ni Yoseph. Andiyan na kaya siya sa gate? Bigla ko tuloy naisip yung eksena kanina nang dumaan ako sa tapat ng ginagawa nilang gasolinahan. "Yoseph! Padating na si Xyrene!" narinig kong sigaw ni Reggie. Ilang hakbang na lang at nasa tapat na ako ng construction site. Mayamaya lang ay nakita kong lumalabas na si Yoseph mula sa loob ng ginagawang building. Nakangiting hinintay niya akong makarating sa tapat niya. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong pagmasdan ang maganda niyang mata, iyung matangos niyang ilong at ‘yung manipis niyang mga labi. "Good morning, lablab! Hay.... buo na naman ang araw ko..." Pakiramdam ko ay nag-blush ako sa sinabi ko. Pero sa kagustuhan kong hindi niya mahalata iyon at pagtakpan ang pamumula ng mukha ko ay inirapan ko ito, sabay pagtataray dito. "Ikaw talaga, Yoseph... hindi mabubuo ang araw mo kapag hindi mo ako naasar sa umaga, ano?" Lalong lumapad ang ngiti niya. "Correction, lablab. Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ko nakita ang maganda mong mukha sa umaga." “Ay sus! Katamis!” narinig kong panunukso ni Reggie, na nasa isang tabi kasama si Dindo at iba pang trabahador doon. Narinig kong nagtawanan pa iyong grupo nila. "Ewan ko sa ‘yo, Yoseph! Ang mabuti pa, padaanin mo na ako at papasok na ko," inis na sagot ko sa kanya, at saka nag-umpisa na akong humakbang. Pero sinabayan niya ako sa paglakad. "Anong oras ang uwi mo mamaya? Sunduin kita." Agad na bumuka ang bibig ko para sagutin ang tanong niya, pero bigla kong naisip na magpakipot naman nang konti. “Umm… bakit?" “Pahingi ng lang ng cell number mo, para mai-text kita mamaya.” Huminto ako, at saka humarap sa kanya. Inaasahan kong ilalabas niya ang phone niya para i-save ang number ko o ibibigay niya sa akin para mai-type ko doon ang number ko. Pero bahagya akong nagtaka nang may dinukot si Yoseph mula sa likod ng pantalon niya, at saka inalahad sa harapan ko ang makalyo niyang palad. “Oh!” Inabot niya sa akin ang isang sign pen. Mukhang iyon ang kinuha niya sa bulsa niya sa likod ng pantalon na suot. “Diyan ko talaga isusulat?” nagtataka kong tanong, habang palipat-lipat ang mata ko sa sign pen at sa palad niya. “Oo. Normal na ‘yan sa amin sa site,” nakangiti pa rin niyang sagot. “Bakit diyan? Asan ba kasi ang phone mo? O kaya, kahit papel man lang na pwedeng pagsulatan.” “Nasa loob ang phone ko,” sagot niya, sabay nguso sa loob ng building na ginagawa nila. “Low bat, naka-charge.” “Ah.” Wala akong nagawa kung hindi kunin ang sign pen na inaabot niya sa akin. Isusulat ko na sana ang number ko sa palad niya nang mapagmasdan ko iyong sign pen niya, kasi hindi ito mukhang ordinary tulad ng mga nabibili sa mga ordinaryong tindahan at bookstore. Isa pa ay mukhang mamahalin ito. Kung hindi ko pa naisip na baka ma-late na ako sa klase ay hindi pa sana ako magsusulat, at balak kong usyosohin pa sana ang husto iyong sign pen niya. “Oh, ayan na,” sabi ko sa kanya pagkatapos kong magsulat, at saka ibinalik na sa kanya ‘yung sign pen. Sa halip na abutin mula sa akin iyong sign pen, ay hinawakan ni Yoseph ang kamay kong may hawak sa sign pen niya. Hindi niya iyon binitiwan habang nakatitig sa mga mata ko, sabay sabi, “Sige. Hintayin mo ko mamaya lablab, ha." Hindi ko na siya sinagot. Sa halip ay tinalikuran ko na siya, at saka naglakad na uli papunta sa kanto, sa sakayan. Hindi na ako sinundan ni Yoseph. Pero okay lang. Ayoko kasing makita niya ang nakangiti kong mukha. Subalit nakakailang hakbang pa lang ako nang sumigaw ito. "Lablab, don’t worry, pag natapos na itong gasolinahan, ihahatid na kita araw-araw!" Isinigaw pa talaga niya? Nilingon ko siya habang naglalakad ako, at saka ko siya mabilis na inirapan. Nagulat pa ako nang bigla na lang mag-bell! s**t! Napatingin ako sa notebook ko. Wala na pala akong naidagdag na naisulat mula kanina. Naglakbay na ang isip ko! Baka mamaya may importanteng nasabi si Sir Dimagiba at lumabas sa finals. Xyrene... ano ka ba! "Huy, gurl! Bakit tulala ka bago mag-bell? May problema ba?" tanong ni Peachy. "Huh? Wa-Wala. Okay lang ako," sagot ko dito, habang nililigpit ang notebook at ballpen ko. "May nanliligaw na siguro sa kaibigan natin...." sabi naman ni Myles, na nakalapit na pala sa amin. "Wa-Wala… wala pa... bakit ba ako ang napagdiskitahan ninyong dalawa?" tanong ko sa kanila. "Ay naku, gurl! Ganyan ang mga senyales na nai-inlove na," sabi ni Peachy. Napabuntonghininga ako. "Hindi pa ako pwedeng ma-inlove. Kailangan ko munang makatapos ng pag-aaral. Kailangan ko pang makapasa ng board exam. Kailangan ko munang magtrabaho. Saka lang ako pwedeng ma-in-love. Okay?" sagot ko naman sa kanila. "Pwede na yan... ilang buwan na lang naman at ga-graduate na tayo. At least may inspirasyon ka habang nagre-review. Buti na lang kamo natapos na natin ang intern natin!" nakangiting sabi ni Myles. Napailing na lang ako. "Eh di mag-boyfriend ka na. Ganun naman pala," sabi ko sa kanya. Ngumuso naman ito. "Sana nga! Kaso walang magkamali, eh." Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko, at saka tumayo na. "Saka ko na iisipin ‘yan. Marami pa namang lalaki. At least, makapili man lang." Talaga ba, Xyrene? "Sige ka... baka kainin mo ‘yang sinabi mo...." nakangiting sabi ni Myles. Parang nakaramdam naman ako ng guilt kaya iniba ko na lang ang usapan. "Mauna na pala kayong umuwi. Dadaan lang ako sa library." Alam kong susundin nila ako kasi sa oras na ito, tiyak na gutom na silang dalawa, kaya papayag na silang mauna. Alas-dose pa ang huling kain namin. "Oh sige, mauna na kami. At bakasakaling sa library mo makabangaan ang magiging boyfriend mo," nang-aasar namang sagot ni Peachy. "Sira!" sabi ko dito. Natatawang humiwalay na silang dalawa sa akin. Ako naman ay sa CR dumerecho at hindi sa library. Binistahan ko muna ang itsura ko. Baka ang oily na ng mukha ko, nakakahiya naman kay Yoseph. Muli kong inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Naglagay na rin ako ng konting powder at saka lip gloss. Hindi na rin ako nagtagal sa CR. Baka kasi mainip si Yoseph sa labas at akalaing nakauwi na ako. Buti na lang at iisa lang ang gate nitong eskwelahan kaya hindi pwedeng hindi kami magkikita ni Yoseph. Pagkalabas ko sa CR, agad kong napansin ang madilim ang kalangitan. Bakit ganun? Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, at wala namang pagbabadya ng ulan. Malayo pa lang sa gate ay tinatanaw ko na ang labas nito nagbabakasakaling makita ko na si Yoseph. Baka sa gilid siya nakatayo... Hanggang sa makarating na ako sa labas ng gate. Sinuyod ko ang mga nakatayo doon pero hindi ko nakita si Yoseph. Sumulyap ako sa relo ko. Five minutes after three. Hindi naman ako masyadong late sa usapan namin ah. Umalis na kaya siya? Naisip niya naman siguro na alas tres pa lang ang tapos ng klase ko, at maglalakad pa ako papuntang gate. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Baka naman nag-text si Yoseph. Pero wala akong nakitang text na galing sa kanya. Inalala ko tuloy kung tama ba iyung number na ibinigay ko kanina kay Yoseph. Tama naman, ah! Ang mali ko lang, hindi ko kinuha iyung number niya. Pero siyempre nakakahiya naman kung kukunin ko ang number niya. Ka-babae kong tao! Binibiro lang ba ako kanina ni Yoseph nung sabihin niyang susunduin niya ako? Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang kumidlat, pagkatapos ay kumulog nang pagkalakas-lakas. Bahagya pa akong nagitla sa ingay na nilikha noong kulog. Napa-isip tuloy ako kung hihintayin ko pa ba si Yoseph o uuwi na lang ako. Mas mahirap kasi kapag inabutan ako ng ulan, lalo pa at malapit nang mag-rush hour. Binuksan ko ang bag ko, para kunin ang payong ko doon. Pero namilog ang mga mata ko nang ma-realize ko na hindi pala ako nakapagdala ng payong. Muli kong siniip ang cellphone ko para tingnan uli kung may mensahe galing kay Yoseph, pero blankong screen lang ang sumalubong sa akin. Nagdesisyon akong umuwi na. Mahirap umasa sa taong hindi mo alam kung seryoso ba o nagbibiro lang. Nakaramdam ako ng konting inis kay Yoseph. Huwag kasi siyang nangangako kung hindi naman niya kayang tuparin. Tatawid na sana ako sa kabila para doon mag-abang ng masasakyan pauwi, pero kamalas-malasan naman na bumuhos na ang malakas na ulan. Ang mga estudyanteng nandoon sa lugar ay nagsimula nang magsipagtakbuhan. Iyong iba ay pumasok sa loob ng building ng school. Ang iba naman ay mabilis na nakatawid. Merong mga nagsipara ng dyip, at agad na sumakay. Wala akong nagawa kung hindi ang patakbong sumilong sa malapit na waiting shed. Mga ilang minuto na rin akong nakasilong doon, pero lalo pang lumalakas ang ulan. Nag-umpisa na ring magkaroon ng trapik sa harapan ko. Siguro ay baha na agad doon sa may kanto ng kalsadang ito, dahil sa ilog na naroroon na maaaring umapaw na. Nag-alala na ako para sa aking sarili. Paano ba ako makakauwi? Eh ni tumawid nga sa kabilang panig ng kalsada ay hindi ko magawa dahil ni hindi man lang humihina ang ulan. At panigurado, kapag tumila naman ito, at nakatawid na ako sa kabila, ang magiging problema ko naman ay ang kahirapan sa pagsakay. Kasalanan ni Yoseph ‘to! Kung hindi siya nangako na susunduin niya ako ngayon, eh di sana kanina pa ako nakalabas at nakasakay pauwi sa amin. Inaliw ko na lang muna ang sarili ko sa pagmamasid sa mga taong naglalakad, at mga dyip na usad pagong na nagdadaan sa harapan ko. Napansin ko na rin ang tumataas nang tubig-baha sa gilid ng kalsada. “Naku, huwag naman po sanan akong ma-stranded,” halos bulong ko lang sa sarili ko. Kahit na alam kong may tsansa na ma-stranded nga ako sa sitwasyon ko ngayon. Wala sa sariling napayuko ako at nahagip ng mga mata ko ang suot kong puting nurse stockings. Ngayon ko lang napansin na para na palang balat ng Dalmatian na aso ang binti ko dahil sa batik-batik at kulay itim na putik, sanhi ng talsik ng ulan sa daan. Lalo tuloy nadagdagan ang inis ko kay Yoseph. Hindi ko tuloy maalis na hindi maawa sa sarili ko. Basa na rin ang uniporme ko sa anggi ng malakas na ulan. Ano na bang itsura ko ngayon? Malamang mukha na akong basang sisiw dito. Namalayan ko na lang na may mainit na likidong umaagos sa magkabilang pisngi ko. Pinipigilan ko sanang umiyak, pero kusa na pala itong tumulo. Agad kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko. Pero para saan ba? Wala namang makakapansin na umiiyak ako dito sa waiting shed na ‘to. Nag-iisa nga lang ako dito mula kanina pa mula nung bumuhos ang ulan. Pakiramdam ko nga ay para akong pinagkaisahan na maiwan dito sa gitna ng malakas na ulan. Tumingala ako sa langit. Wala na bang pag-asang tumigil na itong ulan? Ang gusto ko na lang ngayon ay makauwi na at matulog. Magi-isang oras na rin akong nakatayo dito. Bukod sa ngawit, ay nakakaramdam na rin ako ng gutom. Nakatingin pa rin ako sa kawalan nang may narinig akong busina. Hindi ko naman iyon pinansin, at patuloy lang ako sa pagtingin sa kalangitan. Mayamaya ay may narinig uli akong sunod-sunod na busina. Nakaramdam ako ng konting pagka-irita. Napaka-irasyonal naman ng driver na ‘yun. Nakita na niyang walang galawan ang mga sasakyan, tapos maka-busina siya ng wagas. Lumipad ka kaya! Napansin ko na bumaba ang driver ng sasakyan na nasa harapan ko. Nakapayong ito at halos patakbong nagpunta sa gawi ko. Napuno ako ng pagtataka. Bakit siya bumaba ng sasakyan niya? At saan siya pupunta? Nang nasa harapan ko na ang lalaki ay hindi ako agad nakakilos. Ano’ng gagawin niya sa akin? Holdaper ba ‘to? Wala naman siyang makukuha sa akin. Kidnaper? Diyos ko! Wala namang pantubos ang Nanay ko! Tumuwid nang tayo iyong lalaki, at saka tumingin sa akin. Napakunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar ang mukha sa akin ng lalaking ito? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD